PROLOGUE
Heto ako ngayon naglalakad sa madilim na tulay, kasabay ng pagpatak ng malalaking butil ng ulan na para bang dinadamayan ako sa sakit na binigay sakin ng taong mahal na mahal ko.
Alam kong dilikado sa lugar na ito pero wala akong magagawa dahil dito ako dinala ng mga paa ko.
"Pssst,pssst" magkasunod na sit sit ng taong hindi ko alam kung nasaan, kahit umuulan nangingibabaw parin ang pag sitsit ng taong pakiramdam ko'y nasa malapit lang.
Dahil sa takot naramdaman ko ang pananayo ng mga balahibo at mabilis na t***k ng puso ko.
Agad akong tumakbo, mabuti nalang at malapit na ako sa bahay na tinutuluyan ko.
Nang makarating sa aking tinutuluyan hindi na mapigil sa pagpatak ang aking mga luha.
Alam ko may mali ako, alam ko yon. Pero tama ba na ganon nalang niya ako itapon na parang hindi nya ako minahal. Ang sakit lang isipin na yung taong kasama ko mangarap, yung akala ko makakasama ko bumuo ng pamilya, yung taong galit na galit kapag sinasaktan ako ng mga kapatid ni papa, siya pa pala ang sisira at magbibigay ng sakit sakin.
Nagising ako ng masakit ang aking katawan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak kagabi. Hindi ko pwedeng indahin ang bagay na ito dahil ngayon ang aming final exam para sa 2nd sem, kaya kaialangan kong pumasok. Alam ko namamaga ang mata ko dahil sa kakaiyak ko kagabi pero hindi na mahalaga yun dahil kailangan ko talagang pumasok ngayon.
Nang matapos sa pagliligo mabilis akong nagbihis, kinuha ko nalang ang shade ni ate para itago ang aking mata at umalis na sa bahay. Nang makarating sa school pinagtitinginan ako ng mga kapwa ko studyante, not because I'm beautiful but because they saw me wearing this eyeglass. This is may first time wearing this kind of thing. Alam ko hindi bagay sakin ito lalo pa at hindi naman matangos ang ilong ko.
Nang makarating sa first subject namin agad akong nakita ni Adi which is my best friend.
" Hoy vebs anong meron? HAHAHAHA" tawa nya ng makitang may suot akong shade " Para kang baliw, hubarin mo nga yan" sabay hablot ng suot kong shade.
Alam ko nagulat siya ng makita yung mata kong namamaga, pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang nangyari lalo pa't hindi naman nya alam na nakipag break sakin Felex.
"Ba't ganyan mata mo? Umiyak ka" tanong nya sakin.
"Gagi wala" sabi ko ng nakangiti para hindi siya manghinala "allergy lang" palusot ko.
"Upo kana ayan na si Ms. Paras" sabi ko kaya hindi na siya nakapag tanong pa.
Hindi ako makapag focus, pakiramdam ko hihimatayin ako sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Pero kailangan kong tapusin ito.
Pasalamat nalang ako at naka survive ako sa dalawang subjects ng hindi nawawalan ng malay. Pero itong last na subject ang kinatatakutan ko parang lalo pang tumataas ang lagnat ko.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko pag pumasok yung prof namin ngayon. Hindi ako handa na makita siya, ang sakit ng mga sinabi nya sakin, hindi ko siya kayang harapin.
"Vebs ang putla mo, okay kalang ba? Kanina kapa nakatulala" Tanong sakin ni Adi sabay hawak sakin "vebs ang taas ng lagnat mo baka mapano ka" sabi nito sakin ng may nag aalalang tingin.
"Okay lang ako, kaya ko naman" yun nalang sinabi ko kay Adi kahit ang totoo ay parang mawawalan na ako ng malay.
"Magsabi kalang sakin ha pag hindi mo kaya"
"Oo" sagot ko nalang ng hindi tumitingin.
"Good Morning! Ako muna ang magbabantay sa inyo dahil may emportanting lakad si sir Felex"
Napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses ni Mike isa sa kaibigan ni Felex. 4th year college na si Mike at kami ay 3rd year. Nang magtama ang mga mata namin nakita ko ang pag aalala sa mga mata nya. Alam ni Mike ang nangyari samin kagabi ni Felex, nandon siya non nong nakipag break si Felex sakin.
"Are you okay miss Francisco" tanong ni Mike.
"Hindi siya okay Mike, nilalagnat siya" Sagot ni Adi sa tanong ni Mike.
"Kaya mo ba mag take ng exam?" Tanong ni Mike.
"Kaya ko pa" sagot ko dito dahil ayaw ko ng pahabain pa ang usapan. Napa tango nalang ito sa sagot ko.
"Okay let's start na"
Nag start na kaming mag sagot ng exam after an hour nakaramdam nanaman ako ng hilo siguro dahil hindi pa bumababa ang lagnat ko kaya ganon. Dahil tapos na ako mag sagot kaya hihintayin ko nalang si Adi.
Napansin ko na tapos na si Adi kaya tumayo na ako para magpasa ng test paper pero biglang nandilim ang paningin ko napansin kong may sinasabi si Adi pero diko na marinig.
Nasa labas ako ng bahay nila Felex hinahanap ko siya dahil tatlong araw na siyang hindi nagpaparamdam sakin, gusto ko lang siya kamustahin.
"Ate nandyan po ba si Felex?" tanong ko don sa babaeng nagdidilig ng halaman.
"Sino sila? Ba't mo hinahanap si sir Felex?" Balik tanong nito sakin.
"Uhmm, ako po si Ari girlfriend po ni Felex"
"Ikaw si Ari? Nako ang ganda mo namang bata. Ikaw pala yung laging kinukwento sakin ni Felex" sabi nito ng naka ngiti. "Kaso Ari wala rito si Felex tatlong araw na siyang hindi umuuwi"
"Ganon po ba? Ohh sige po ate aalis na po ako, salamat" paalam ko.
"Ohh sige, magiingat ka"
Habang naglalakad ako naisip kong puntahan ang isang bahay ni Felex, magbabaka sakali na nandon siya.
"Ba't ba ang kulit mo Ari? Sabi ko ayuko na, hindi na kita mahal" malakas na sigaw sakin ni Felex. Hindi ko mapigilan umiyak lalo pa at inaayawan na ako ng taong mahal na mahal ko.
"Pero b-bakit?" Tanong ko habang walang tigil sa pag iyak "ma-may nagawa ba akong m-mali? Sagutin mo ako Felex. Sagutin mo naman yung tanong ko oh kasi okay pa naman tayo nong huli tayong nagkita pero bakit biglaan naman?"
"Ayuko na Ari" mahinang sabi nito "let's stop this, walang patutunguhan itong relasyon natin"
Napaluhod nalang ako sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Ito yung unang beses na naransan ko ito. P*tang*na ang sakit.
"I'm breaking up with you Ari" pinanghina ako ng marinig ko yung sinabi nya. Pero mas pinanghina ako sa kasunod nyang sinabi "Pupunta akong US don na kami titira ni Eunice"...
Nagising ako sa tahimik na kwarto
naramdaman ko ang pamamasa ng gilid ng aking mata ang sakit lang isipin na ganon ganon nalang nya ako itatapon na parang walang nangyari, tapos sa daming babae bakit kay Eunice pa, bakit sa babaeng kinasusuklaman ko pa.
"Good afternoon miss Francisco! Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni nurse Jill na kapapasok palang.
"Medyo okay na po ako nurse kunting pahinga nalang siguro ito" sabi ko dito.
"Mabuti naman. Ang taas ng lagnat mo kanina kaya ka nawalan ng malay" sabi nito sakin sabay abot ng paper bag "ohh ito dinala ng kaibigan mo kanina kainin mo ng makainom kana ng gamot. Pwede ka narin umuwi after mo jan"
Tumango nalang ako at kinuha ang hawak nyang paper bag.
3 days after the exams mas pinili kong umuwi ng probinsya para mag bakasyon at para narin makalimot sa mga nangyari. Oo nahihirapan parin akong tanggapin na wala na kami ni Felex lalo pa at siya yung una kong boyfriend. Binigay ko ang lahat sakanya dahil sa pagmamahal na yon. Pero diko akalain ganon lang nya kadaling iwan at kalimutan ako.
"Ateeee! Punta tayong bayan bilhan mo ako ng cars" nagulat ako ng biglang lumapit yung kapatid kong 4 years old sakin.
"Ohh sige, maligo kana at pupunta tayo" sabi ko dito ng nakangiti "ilan ba ang gusto mo?" Tanong ko dito.
Natawa nalang ako ng makita siyang nagbibilang gamit ang mga daliri nya "ganto, five" sabi nito sabay pakita.
"Okay"
maging masaya ka sana sa pinili mo Felex.