ANTON'S POV
"Sir Clark, nakapaghain na kami. Halina po kayo, mahapunan na po tayo," agad akong lumabas ng kwarto nang marinig ko ang katulong nila. Nagugutom na rin kasi ako.
Naglalakad ako pababa nang biglang nag-piggy back sa akin si Jane at sa sobrang pagkabigla ko ay pareho kaming bumagsak pero imbes na magalit ay napatawa na lang ako lalo na nang makita ko siyang nakabungisngis.
"Ok ka lang kuya?" Napatingin ako sa kanya. Tumangu-tango naman ako. Nauna siyang tumayo at inabot niya ang kamay ko.
"Tara. Kain na tayo," aya niya sa akin. Nakarating na kami sa hapag-kainan na hawak parin niya ang kamay ko. Napatingin ako sa may edad nang babaeng nakaupo sa pinakadulo ng mesa.
Si Lucia. Ang ina nila. Nakangiti itong nakatingin sa amin.
"Kain na tayo," Nakangiti nitong anyaya. Umupo si Jane sa harap ko katabi ni Manang Babeng at dahil gutom narin ako, wala akong nagawa kundi ang umupo nalang.
"Nakapag-enroll ka na ba, Jane?" Tanong ni Lucia.
"Opo, Ma," sagot naman ni Jane.
Tumingin sa akin si Lucia.
"May mga kailangan ka pa ba sa school mo, Clark? Sabihin mo para mabili na natin," sabi niya sa akin.
"Ok na po ang lahat," sagot ko naman.
"Kuya, ang tagal na nating hindi nagkasabay sa pagkain. Sana bukas, ganito parin tayo," pahayah ni Jane.
"Makakain naman kayo kahit wala ako."
"Pero iba parin 'yong magkasabay tayo sa pagkain," singit naman ni Lucia.
"Noong nasa America ako, sabay talaga kami ni Daddy kung kumain. Sana, ganu'n rin dito," Napatingin ako kay Jane kasabay ng pagsubo ko nang bigla nalang akong napapikit at nang muli kong imulat ang mga mata ay ganun nalang ang pagtataka ko nang makita kong nakababad ang buo kong katawan sa bathtub at nakahawak sa carbenet glass na may kunting lamang wine .
Teka! Anong nangyari?. Napatingin ako sa mga kamay ko, sa mga paa ko. Dinama ko ang pisngi ko, ang katawan ko saka lang nanlaki ang mga mata ko.
Dali-dali akong umahon sa bathtub kasabay nang paghablot ko sa bathrobe na nasa malapit lang ay isinuot ko iyon at agad akong tumayo sa harap ng salamin. Dali-dali akong lumabas ng banyo at tiningnan kung anong oras na, 7:00 na pala nang gabi, kaya pala nakabalik na naman ako sa sarili kong katawan saka lang nabuo uli ang napakalaking ngiti sa mga labi ko.
CLARK'S POV
Ang init talaga ng panahon kaya masarap maligo. At dahil sa ideyang iyon ay agad kong inayos ang bathtub at agad ring inilublob ang sarili sa ilalim ng mga bola.
Ang daming pumapasok sa utak ko at isa na doon ang pagpasok ko sa arts. Ano bang gagawin ko tungkol doon? Wala naman akong talent pagdating sa art. Kinuha ko ang cabernet glass na may lamang champagne at tumungga ng kunti pagkatapos kong tumangga ay ibinalik ko iyon sa pinaglagyan ko pero bago ko pa ito nabitawan, bigla nalang akong napapikit at nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa harap na ako ng hapag-kainan kaharap sina Jane at Manang Babeng at ang nasa dulo naman ay si mama.
Napatingin ako sa kaliwa kong kamay ko na may hawak na tinidor habang ang kanan naman ay may hawak na kutsara at nakasubo pa ito sa bibig ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila na nagtataka kung bakit andito ako ngayon. Napatingala ako sa orasan na nakasabit sa ibabaw ng kitchen cabinet. Kaya pala, 7:00 o'clock na pala ng gabi at nakabalik na uli ako sa sarili kong katawan nang kusa.
"I really miss daddy. I hope one day, we'll be able to eat out meals together," sabi ni Jane at pagalit na ibinagsak ko ang kutsara at tinidor sa pinggan ko kaya naglikha iyon ng medyo may kalakasang tunog na nagpabigka sa kanila. Sabay silang napatingin sa akin at galit na tumayo ako at umalis sa hapag-kainan.
"Kuya?" Tawag ni Jane pero inawat lang siya ni mama. Pumasok ako sa kwarto at dumiretso sa terrace ng kwarto ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay 'yong mismo sa harapan ko babanggitin ang salitang " Daddy " dahil para sa akin, wala na akong Daddy, wala na akong ama.
Simula nang umalis siya sa bahay na ito, pinutol ko na ang ugnayan namin bilang mag-ama. Ginawa ko pa naman siyang idol pero nawala nalang ang lahat matapos niya kaming iwan. Napatingala ako sa mga bituin nang biglang bumukas ang pinto papuntang terrace.
"Clark?" Si mama. Nanatili akong nakatalikod at hindi ko man lang siya nilingon. Narinig ko ang paghakbang niya palapit sa akin at maya-maya lang ay nasa gilid ko na siya. Nakahawak siya sa grills ng terrace na siya ring hinahawakan ko.
"Kailan mo ba mapapatawad ang papa mo?" Hindi ako sumagot, hindi ako umimik kahit alam kong naghihintay siya sa magiging sagot ko pero wala siyang natanggap dahil ako mismo sa sarili ko, hindi ko rin alam kung mapapatawad ko pa ba siya. Kung mapapatawad ko naman siya, hindi ko rin alam kung kailan.
"Kalimutan mo na ang nakaraan. Wala namang kasalanan ang papa mo at -------,"
"All these years, gusto mo parin siyang ipagtanggol. Talaga, Ma?"
Galit na napatingin ako kay Mama.
"Yun naman ang totoo. Walang kasalanan ang Papa mo."
"Nangaliwa siya, ma! iniwan niya tayo at sasabihin mo pang wala siyang kasalanan?"
Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit nang muli akong napatingin sa kapaligiran kung saan puro ilaw nalang mula sa mga kabahayan ang tanging makikita.
"Nak, listen first. Nagsasabi ako nang totoo. Ang Papa mo ------"
"Inosente? Ibi-brainwash mo pa rin ba ako, Ma? Akala mo ba maniniwala ako sa'yo matapos kung masaksihan noon ang pagtatalo niyo dahil sa babae niya, matapos kitang mapanood habang umiiyak dahil sa kagagaguhan niya?" Galit na galit kong sabi.
"Clark?"
"Nu'ng iniwan niya tayo. Umiiyak kang nagmamakaawa sa kanya na 'wag niya tayong iwan habang kandong niyo si Jane pero anong ginawa niya? He left us behind. Ganu'n siya ka-irresponsable, Ma. Alam niyo na yan tapos gusto niyo pang ipalabas na mabuting siyang tao?"
Oo, laging umiiyak noon si Mama. Halos walang araw na hindi sila nagtatalo ni Papa at halos gabi-gabi ring umiiyak si Mama dahil parin kay Papa. Nasaktan ako sa mga nangyari kay Mama kaya ganun nalang ang galit ko para sa ama.
"Makinig ka muna."
"Ma, I'm tired. I want to be alone," narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mama saka ito umalis sa tabi ko na hindi ko man lang siya tinitingnan.
Napakuyom ko ang mga palad ko sa galit. Mahal ko si Mama pero hindi ko maatim kung bakit ganu'n nalang siya para kay Papa kahit na alam naman niya ang panluluko nitong ginawa at kung may pinagsisihan man ako sa ibabaw ng mundo, 'yun ay ang naging ama ko pa siya.