EPISODE 9

1430 Words
ANTON'S POV Kasama sina Mark, Joey at Romir ay pumasok na kami sa room namin. Hindi naman ganun kadami ang mga studyanteng nasa room at habang wala pa ang prof. ay kanya-kanyang batian ang nangyari. "Welcome back to school, guys!" "Kumusta ang bakasyon niyo?" Nakamasid lang ako sa kanila habang patuloy kaming lumalakad papunta sa upuan namin. Magkatabi kaming apat. Ganito rin sana ang ginagawa naming apat ngayon sa loob ng room namin sa arts department kaya lang iba na ngayon. "Hi, Clark." Napatingin ako sa isang babaeng nakangiting nakatingin sa akin. "Oyy, Noemi. Kamusta? Lalo kang gumanda, ah!" Bulalas ni Mark na siyang ngpakilig sa babae na si Noemi. "Talaga, Mark?" Kinikilig nitong sabi. "Oo naman!" Tumingin sa akin si Noemi na kinikilig. "Maganda ba ako, Clark?" Napalingon ako sa tatlo. Pasimpleng sumenyas naman ang mga ito sa'kin na sabihing " oo ". Nakataas ang kilay ko nang muli kong tingnan si Noemi. Maganda nga ba 'to? Di hamak mas maganda pa yata ako dito, ah! Pero dahil ayoko ng away at ayokong masira ang unang araw ko. "Oo! Maganda ka." Mas lalong lumapad ang ngiti nito at pilit pang pinapasingkit ang mga mata kahit hindi naman bagay. "Talaga?" Malandi niyang tanong kaya medyo napangiwi ako. "O-oo!" Dahil sa sinabi ko, mas lalo pa siyang lumapit sa akin at ang masama pa, pasimpleng umupo siya sa mga hita ko kaya pasimple ring umuusod ako palayo hanggang sa nakaupo na siya nang tuluyan sa upuan na inuupuan naming apat at hindi sa mga hita ko. "Alam mo bang miss na miss na talaga kita. Kung pwede nga lang, doon nalang ako sa inyo titira para araw-araw kitang nakikita at nakakasama," malandi nitong sabi habang nanatiling nakatitig sa akin. Ano ba'tong babaeng 'to. Ang landi naman! Sarap batukan. "Namiss mo rin ba ako?" "Huh?!" Nilingon ko ang tatlo kong katabi at ang mga hinayupak, palihim pala akong tinatawan. Bigla kong siniko si Joey na nakatabi ko lang kaya napahinto sila sa katatawa at napatingin sila sa'kin. Sumenyas ako na paalisin na sa tabi ko ang babaeng 'to pero nagthumbs-up lang sa'kin si Mark na para bang sinasabi niyang " ok lang 'yan " kaya tuluyan na akong nairita. Napatingin ako bigla sa kamay ko nang bigla itong hinawakan ni Noemi. "Clark?" Napapikit ako sa inis nang pabulong na tinawag niya ang pangalang 'yun. Agad ko siyang nilingon at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang muntik nang magdikit ang aming mga labi. Habang gulat na gulat ako sa nangyari, kaylaki-laki naman ng kanyang ngiti. "Clark?" Malandi niyang tawag sa akin. "B-bakit?" Tanong ko habang pilit kong pinipigilan ang sariling hindi maduduwal. "Pwede mo'kong halikan." Sa narinig ko ay hindi na ako nakapagpigil. Bigla ko siyang tinulak na naging dahilan ng pagbagsak niya sa sahig. Napasigaw siya pero nakangiti parin pagkatapos. Napatingin ang lahat nang nandoon at ang tatlo kong kasama, humagalpak na sa tawa na siyang biglang pagpasok ng prof. namin kaya kahit gaano kaingay kanina noong wala pa ang prof. ay biglang tumahimik. "Ms. Laurel, didn't you see me? What are you doing out there?" Tanong ng Prof. namin kay Noemi. Maliban sa akin, lahat napatingin kay Noemi na nakaupo parin sa sahig. Pinilit niyang tumayo pero medyo nahirapan siya dahil ba naman sa sobrang laki ng katawan niya. Hindi ko talaga siya tinulungan, parusa niya 'yan sa pagiging malandi niya. Dapat lang 'yan sa kanya. Magkatagpo naman ang kilay na napalingon ako sa tatlo na mahinang humahagikhik pero napatigil rin nang makita nilang nakatingin ako sa kanila. "That was awesome," panunudyo ni Mark kaya napatawa na naman ang dalawa. CLARK'S POV Dahil sa nabo-bored ako sa kurso na'to. First day of school, nakatulog ako sa loob ng room habang nagdi-discuss ang prof namin sa harapan. "Anton?" Nagising ako sa masarap kong pagkatulog ng bigla akong siniko ni Lani. "B-bakit?" Taka kong tanong. "Bakit ka natutulog? Baka makita ka ni prof . Mapapagalitan ka niyan," pabulong niyang sabi sa akin. "Inaantok ako, eh," nagtatakang napatingin sa akin si Lani pero wala na siyang imik pgkatapos nun pero pinilit ko na rin ang sariling hindi makatulog dahil baka mapahiya pa ako sa harap ng lahat. Hikab ako nang hikab. Kamot nang kamot sa mata para lang hindi makatulog hanggang sa natapos ang unang araw ng klase pero wala talaga akong naintindihan at walang nagsink-in sa utak ko. Paglabas namin ni Lina sa room at para akong isang katawang walang kaluluwa. Agad kaming sinalubong nina Ken at Vence sa labas. "How was your first day?" Tanong kaagad sa amin ni Ken. "Hay, itong si Anton nakatulog sa klase. Buti nalang hindi siya napansin ng prof namin," sagot naman ni Lani at napatingin sa'kin sina Vence at Ken kasabay naman nu'n ang paghikab ko. "San ka ba nagwalwal kagabi huh kaya ka inaantok?" Tanong ni Vence. "A-anong nagwalwal? Wala nuh? Bored lang talaga ang course na 'yun," nagpalipat-lipat ang tingin ko sa tatlo dahil nakatitig sila sa akin na para bang ayaw nilang maniwala sa sinabi ko. "At kailan ka pa na-bored sa paborito mong kurso?" Tanong naman ni Lani. "Oo nga! Buhay na buhay nga ang dugo mo pag nagdo-drawing ka ehh tapos bigla kang na-bored?" Sabi naman ni Ken. Oo nga pala! Hindi ko pala katawan 'to. Kay Anton pala 'to. "Ahh, ano! Medyo hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi," palusot kong sabi. "At bakit?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ken. "K-kasi ...n-naexcite ako para sa araw na'to," tumangu-tango naman ang tatlo. "Tara sa canteen," aya ni Lani kaya napabuntong-hininga na lang ako nang nauunahan nang lumakad ang tatlo papuntang canteen at napasunod naman ako. Pagdating namin sa canteen ay marami-rami naring studyanteng nandoon. Yung iba nakaupo na at kumakain, ang iba ay kararating pa lang gaya namin, may iba ring nakapila na rin para sa pagkain. Nang matapos naming makuha ang pagkain namin ay naghahanap kami ng bakanteng mesa. "Doon, oh! May vacant," turo ni Ken sa di-kalayuang mesa na nasa bandang gilid na ng canteen. Agad na lumakad ang tatlo papunta doon at sumunod naman ako pero bago ko pa naihakbang ang mga paa ko ay naagaw ang tingin ko sa dalawang pares ng mga matang kanina pa pala nakatingin sa akin. Si Anton! Nakaupo siya kasama ang mga barkada ko sa mesa na katabi ng mesang itinuro ni Ken. Nanatili akong nakatayo habang nakatingin kay Anton. "Anton!" Napapiksi ako nang marinig ko ang tawag ni Lani. Napatingin ako sa kanila at kinawayan naman nila ako kaya napilitan na lang din akong lumapit. Napaupo ako sa upuan kung saan nakaharap kay Anton at ganu'n rin si Anton sa'kin. "Infairness! Hindi nagbago ang pagkain nila dito. Masarap pa rin," bulalas ng kasama naming bakla. "Oo nga. Masarap talaga," Sang'ayon naman si Vence. Habang nag-uusap sila ay pasimpleng minamasdan ko si Anton tapos maya-maya lang ay narinig kong nagsalita si Mark. "So, paano? Kailan natin hahamunin si Leo?" "Dapat paghandaan natin 'yan ng mabuti," segunda naman ni Romir. "Exactly! Dapat this time, mananalo kana, Clark." Natigilan ako sa sinabi ni Joey. A-ano daw? Dapat mananalo na ako? Bakit natalo na ba ako? Kailan pa? Bakit di yun alam? T-teka! Yun ba yung labanan na hinamon ako ni Leo bago pa kami nagkapalitan ng katawan ni Anton? Natuloy nga ba ang labanan na yun? Kung natuloy 'yun, ibig sabihin si Anton ang naglaro? Siya ang kumalaban kay Leo at nagbunga ng pagkatalo? Seryoso? "Ipakita mo na pinaglalaruan mo lang siya ng mga oras na 'yun kaya ka natalo. Pataubin mo siya at------" Napahinto si Mark sa pagsasalita at lahat sila napatingin sa akin dahil sa inis na nararamdaman ko at hindi ako nakapagpigil, agad kong hinampas ng kamao ko ang mesa sabay tayo. Gulat na gulat naman ang tatlo kong kasama. Never akong natalo sa billiard pero dahil sa babaeng yan, natalo at napahiya na ako?! Tinagurian akong " billiard king " dahil sa husay ko sa paglalaro at sa isang walang kakwenta-kwentang Leo lang pala ako matatalo? Hindi ako makapaniwala, hindi ko talaga matanggap! "Anton?" Napatingin ako sa kamay ko na nakakuyom nang hawakan ito Lani. "Are you ok?" Tanong ni Vence, para akong nahimasmasan at natauhan sa nangyari. Napatingin ako sa paligid at halos lahat ng mga nandoon ay nakatingin sa akin kaya dahan-dahan akong umupo. Nakakahiya ng ginawa ko. "What's wrong?" Ken asked. "Huh? Ahh, wala. May naalala lang ako." Bumalik sa pagkain ang atensyon ng tatlo pati na rin ang iba pang naroroon. Pasimpleng tiningnan ko si Anton at nakita ko kung paano niya ako kindatan na siyang lalong nagpapuyos sa akin sa galit
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD