Tinignan lang niya ang aking palad na nakalahad sa kanyang harapan saka naningkit ang kanyang mga mata ng ibalik sa aking mga mata ang kanyang tingin. Pinilit ko na hindi kumurap habang nakatitig sa kanyang mga matang kita ang pagkairita. Kahit pa panlisikan niya ako ng mga mata mula ulo hanggang paa ay hindi pa rin ako papatinag. I will stand on my ground no matter what happens, if this will be the way that he will talk to me and I will be with him, then I'll do crazy things like this... and more. "Move." Sabi niya na may halong pagbabanta sa kanyang boses. "Make me." Matapang kong sagot pabalik. I'll stay standing firm. Hindi kami aalis dito sa parking lot na ito ng hindi magkasama, and I'll make sure of it. He grabbed my forearm gently and tried to pull me away from the car door, b

