Humarap ako sa kanya saka ako kumanta ng kantang happy birthday para sa aking sarili habang hawak ang cake. Ngumiti pa ako sa kanya ng matamis pagkatapos at inilapit ng kaunti sa kanyang mukha ang cake. "Blow the candle for me." He just looked at my face very sharply that I don't get the way he looked at me kaya bago niya pa ipakal sa mukha ko ang cake na aking hawak ay muli akong nagsalita. "Oh, wait. I'll make a wish first." Bawi ko. Pumikit ako at huminga ng malalim. I only have one wish right at this moment, and that is to have Damian Devereaux Ortega again. To love me back... eternally. Once and for all. Pagbukas ko ng aking mga mata ay wala na si Dex sa aking harapan at wala na rin ang sindi ng kandila sa ibabaw ng cake. How will my wish come true now? Inunahan na niyang patayi

