Chapter 3

3460 Words
I quickly turned around to look at whoever brainless man touched me so I can slap him real hard on the face. Kumunot ang nook o nang makita kung sino iyon. It was the man at the bar area and the one who was sitting on our table a while ago. "The hell." I whispered. Is he stalking me? Umatras ako at natapakan ko ang paa ng kung sino sa aking likuran. "Hey! Careful, Serene." It was Mayin's voice. Wala na akong panahon na magsorry at tinapik ko na ang nasa gilid ko na si Sam kahit na busy siya sa pagsasayaw nang hindi inaalis ang tingin sa lalaking nasa aking harapan. The man tried to catch my hand but he missed, even though I'm not moving at all. Sobrang lasing na yata talaga niya at mukhang doble na ang nakikita niya. "I am not your babes." I said loudly, so that he could hear it. Parang hindi niya ako narinig dahil lumapit pa lalo siya sa akin at marahas na hinuli ang aking kamay saka ako hinila paalis ng dance floor. "Hey!!" I shouted habang nagpupumiglas. My friends heard me and followed us out of the dance floor. I even heard them shouting at the man to let me go pero sarado na tainga ng lalaki. Sunod kong narinig na nagtatawag ng bouncer si Sam habang pinagpapapalo ko ang kamay ng lalaki at pilit kong hinihila ang aking kamay sakanya pero ang higpit lang talaga ng hawak niya. Buwisit na lalaki. Hahampasin ko talaga 'to ng heels ko pag nakakuha ako ng timing. Ayokong lalong lumaki ang eksena na ginagawa ng lalaking ito at baka may naliligaw na papparazzi dito o makuhanan kami ng video ng kung sino kaya I tried to stay calm and think of what else I can do to stop this drunk, brainless man from pulling me with him. Nakalayo na kami sa mataong lugar at hindi ko na narinig ang mga kaibigan ko sa aking likuran. Mukhang nawala na sila sa crowd. Dumaan ang lalaki sa maliit at madilim na daan palabas ng bar at wala ni isang tao rito. This is not good. Natakot na ako pero nakapag-isip parin ako. "I'm not your babes!" Sigaw ko sabay hila ng malakas sa aking kamay. Napaharap siya sa akin and I kicked him where it hurts bago pa siya makagawa ng kung ano mang bagay sa akin. He groaned real hard at napaluhod pa siya sa sahig. Sakto naman na narinig ko ang mga papalapit na boses sa amin at kasabay 'nun ang pagsulpot ng dalawang bartender sa aking gilid. Sila ang kausap ko kanina sa bar area. The guy who asked for my order and the one who don't just give special drinks to just anyone. "What did you do?" The one who don't just give special drinks to just anyone asked me. "I kicked him where it hurts." I said while rubbing my wrist. Ang sakit ng pagkakahawak niya, daig pa ang posas at bakat ang pamumula sa aking palapulsuhan. I just hope na mawala kaagad ito because it doesn't look good. "Nice." The other bartender said. "Oh my Gosh Serene, Are you okay?" Tanong ni Mayin nang makalapit na sila sa akin. They all looked so worried kaya tumango nalang ako saka ibinalik uli ang tingin sa lalaki na tinatayo na ng bouncer. Hindi parin yata nahimasmasan sa ginawa ko dahil sinubukan pa niyang makaplapit sa akin. "My babes." He said, extending his arm to me. "How many times will I tell you that I'm not your babes? I'm sorry, but I don't even know you." Gusto pa yata niya ng isa pang sipa na may kasamang sapok gamit ang heels ko para matauhan. "Don't you really know him?" The one who don't just give special drinks to just anyone asked again. Kunot noo akong umiling. I don't really know him at ngayon ko lang siya nakita sa tanan ng buhay ko. "Okay, man. Time to go home and just dream about babes. 'Kay?" Sabi niya sa lalaking lasing at inalalayan pa itong tumayo ng maayos saka tinapik ang bouncer. "Deano, ikaw na bahala diyan." Tumango ang bouncer at inilayo na kaagad ang lalaki sa amin. Hindi naman na umangal pa ang lalaking lasing at maayos na sumama sa bouncer. "Let's go. Tara na, uwi na tayo." Sam said and grabbed my hand. I nodded my head at him. It's time to go home at baka may kung ano pa ang mangyari dito kapag nagtagal pa kami. Naglakad kaming lahat pabalik sa mataong lugar at agad kong nilibot ang aking mga mata sa paligid. Napatigil ako ng may mapansin sa kabilang dako. Hinawakan ko ang kamay ni Sam at pinatigil siyang maglakad. "1 o'clock." His brows furrowed. "It's already 2:45 Se-... Oh s**t!" He cursed when he realized what I mean. Tinulak niya kami lahat pabalik sa madilim na hallway. "Yo! May trabaho pa kami." Reklamo ng isa pang bartender. Hindi siya pinansin ni Sam at naglakad-lakad lang ito ng pabalik-balik. "Hey, it's okay. Let's just go straight to the exit." I said. Sanay naman na ako sa mga paparazzi na 'yan. They are wherever interesting people are. Naghahanap ng may ibabalita na siguradong pagpipiyestahan ng mga tao. "No, Serene! Ano? Bad image na naman ang ilalabas nila pag nakuhanan ka dito?" Inis niyang sabi. Ano pa nga ba? They will say I'm a party animal, or worst. And, Sam, being a true friend, is the first one to get stressed about this kind of news about me. Nawawala na ako sa scene dito sa Manila tapos bigla nalang nila ako makikita sa bar na ito without any event. Kaya siguradong ingay nanaman ito sa publiko. But, who cares? My family knows me very well, as well as my friends. Bahala na ang ibang tao kung paniniwalaan nila ang kasinungalingan ng media. Ganoon naman talaga. People judge easily. I can't please everybody. Kahit gaano ko alagaan ang image ko, gagawa at gagawa sila ng issue para pag-usapan ng tao. Isa pa, I'm really back and ready to socialize again, and bad publicity is still publicity. "Teka nga. Anak ka ba ng presidente?" Seryosong tanong ng isang bartender habang titig na titig sa aking mukha. Tatawa na sana ako kung hindi lang ganito ang sitwasyon. "No." I answered. "Wanted?" Tanong niya ulit. Mukha ba akong kriminal?! Gusto din yata ng isang ito na mahampas ng heels ko. Sam scowled at him. "'Di ba may trabaho ka pa? Then go back to your work. Pag may nagtanong about sa kanya." Turo niya sa akin."..wala kayong alam." "Important person?" Hirit niya pa ulit. "Hindi ko alam paano ka naging bartender." Sagot ni Sam saka siya umirap. "Do you have another exit?" Tanong ni Mayin sa isa pang bartender na nasa likod namin na tahimik lang na nakikinig at umoobserba sa nangyayari. Nawala na sa isip ko at hindi ko na napansin na nandito pa pala siya. "A back exit." He said sabay turo sa kanyang likuran. Napatingin ako sa itinuro niya at tumango nalang. We could use that and find our way back to the parking lot. "Jun, go back to work, susunod ako. I'll just let them out." He said coolly to his co-worker. Nakita ko na aangal pa sana ang kasama niya pero hindi na nito nagawa dahil mabilis na siyang tinalikuran ng kanyang kasama. Tipid ko nalang siyang nginitian at sumunod na kami sa kanyang kasama hanggang sa makarating sa back exit saka ito sumenyas na tumigil kami sandali at tumabi sa gilid. Sumulip siya sa labas at tinignan ako. "How fast can you run in those heels?" He said and looked at my high stilettos. Sasagot palang sana ako pero bigla niyang sinara ang exit at nagpunta sa kung saan pabalik sa hallway kung saan kami nanggaling. "Hey!" I called pero hindi siya lumingon. That weirdo. Iwanan talaga kami? Tinignan ko ang mga kaibigan ko and they just shrugged their shoulders at me. Whatever. At least sinamahan niya kami sa exit at alam ko na ang gagawin namin. Run for our lives. "Let's go guys." I said to my friends sabay hila kay Sam at tulak sakanya palabas para siya ang mauna. Siya ang ipapain namin sa kung ano man ang meron sa labas. Susunod na sana ako palabas kasunod ng aking mga kaibigan nang biglang may humila sa aking kamay at tinakpan ang aking bibig nang nakitang ibinuka ko ito para sumigaw. "Sshhh!" The bartender who don't just give special drinks to just anyone came back shushing me. Dinampi pa niya ang hintuturo niya sa bibig ko na mabilis ko namang inalis. "Here. Wear this." He said and handed me a hoodie. Kumunot ang noo ko sa hoodie niya. Seriously? Over my dress? Ang init na nga tapos ipapasuot pa niya iyon sa akin. Kinuha niya sa kamay ko ang hoodie ng hindi ako gumalaw saka niya iyon isinuot sa aking ulo. Poprotesta pa sana ako pero mabilis niya akong pinatahimik. "Unless, you want those people to see your face on the pictures, then be my guest. Don't wear this." Hindi na ako kumibo at hinayaan nalang siyang isuot sa akin ang kanyang hoodie. Tinignan ko pa ang sarili ko pagkatapos. The hoodie just reached my upper thighs and it just barely covered my dress. Maikli pa din but this will work. Kailangan ko ng makaalis dito at hindi na ako magrereklamo pa. "You're tall." He said. Napabalik ang tingin ko sakanya at napansin na mas matangkad parin siya sa akin. I'm 5'8 and I'm already wearing a 4 inches heels, but he is still taller than me by a few inches. Usually kasi with the men around me, mas nagiging matangkad ako sakanila kapag nagheels na ako, or some, ka-height ko nalang pero siya, mas matangkad parin sa akin. "Madam, anytime time now." Si Sam na sumilip pa ulit dito sa loob. Inikot ako ng bartender at hinarap sa pintuan saka maingat na inayos sa ulo ko ang hoodie. "Go. I'll follow you." He said and lightly pushed me to go out. Pagtapak ko palang sa labas ay may nagflash na agad. Okay, they are not subtle about this and they are really determined to get a shot on my face. "Don't run but walk fast. Do you have a car?" The bartender asked while we're walking. I nodded and he put his hand on the side of my face and covered me with his body. Mabilis kaming naglakad at dinala niya kami sa isang gilid ng building na madilim ng mawala na ang sumusunod na photographers. Sumilip pa muna siya sa kanto bago lumapit sa akin at inilahad ang kanyang palad. Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumingin sa kanyang palad. "Keys." He said. I snickered. Nanakawan pa niya ako ngayon? No way. I will not give him my Audi kahit anong gawin niya. "I know you don't trust me but you have no choice right now. I will not steal your car, I swear." He's hundred and ten percent right. I don't trust him at all kahit tinulungan niya na kaming makalabas. Tinuro ko ang kaibigan ko. "Hindi ba puwedeng si Sam nalang ang kumuha?" Mas tiwala ako na hindi itatakas ng kaibigan ko ang sasakyan ko at siguradong babalikan niya ako. "Madam, maawa ka at 'wag ako ang ilaban mo sa mga paparazzi na 'yan. Hindi ako marunong ng fast and furious." Sagot ni Sam na sinamaan ko lang ng tingin. "You don't have enough time to think of plan b. Anytime now, dudumugin kana ng photographers dito. Have a little faith." I have faith, but not in him. Nang hindi ako sumagot, kinuha niya ang kanyang wallet at cellphone saka ibinigay sa akin. "ID's, cards, cash. My phone. It's all yours for the mean time. Now, give me your car keys and patiently wait for me here." Kalmado niya paring sabi. Nagbuntong hininga nalang ako saka ibinigay sakanya ang susi ng aking kotse. "Audi A5 Cabriolet, Red." He smirked and hurriedly left. Pumikit ako ng mariin. Sana lang ay tama ang ginawa ko. His phone doesn't have a password pero hindi ko na pinakialaman iyon. Tinignan ko ang wallet niya at nakita ang napakaraming cards. Pati driver'd license niya ay iniwan niya sa akin. How could he look so sexy in his ID's?? Karamihan ayaw pinapakita ang picture nila sa ID because it's just ugly. Kahit ako, ayoko ng ID pictures. Pero kung ganito ang ID na makikita ko, baka itago ko nalang. Kinuha ko ang ID niya na I think is para sa trabaho niya sa bar and put it inside my bag. For safekeeping. In case, I would need it. "How could someone be as sexy as him?" Sam said. Nagulat ako at napaangat ng tingin sakanya. Did I just said that aloud? Umayos ako ng tayo at naglakad papalapit sa kanto nang marinig ko ang tunog ng aking sasakyan. "Come on guys!" Tawag ko sa mga kaibigan ko. Bumaba ang bintana sa passenger seat bago ko pa mabuksan ang pintuan. "Get in, I'll drive." He said. Tinulak na ako papasok ni Arianne kaya hindi na ako nakaangal pa. I gave Mayin's address to him but he just ignored me. Iba ang dinaanan niya. "Not this way." I said. "This way." Balik niya. Gusto ko man na kunin ang manibela sa kanya ay hindi ko naman magagawa at baka kapag nakipag-away pa ako sakanya ay mabangga pa kami. Kawawa naman ang Audi ko na bigay ni Lolo. "Where are you bringing us then?" Brat kong tanong. "To a hotel where those people will not look for you tonight. Just for tonight." That's a good idea kaya hindi na ako nagreklamo pa. Mukha rin namang ayos sa mga kasama ko dahil hindi naman kumikibo at tahimik lang sa likod. He got his wallet and phone back from me and checked us in sa hotel while we wait inside my car at the parking lot. Pagkabalik niya ay inabot niya sa akin ang key card ng aming room. "Hope you enjoy your stay." He said and salutes using his two fingers saka mabilis na bumaba sa aking sasakyan. "Thank you!" I shouted. I hope that he heard my thanks dahil nasara na ang pintuan ng makasigaw ako. He helped us without asking for anything in return. There are still good Samaritans in this world. Kahit papaano ay nabawasan tuloy ang pagkainis ko sakanya. Ang presko niya na parang walang pakialam sa mundo pero his nice naman. The next morning, I woke up when my phone starts ringing. Kinapa ko iyon sa loob ng aking bag na nasa lapag sa tabi ng kama. "Answer it or put it on silent mode!" Si Sam sabay tulak sa akin sa kama. Sinipa ko siya sa legs bilang ganti sa pagtulak na ginawa niya na muntikan ko ng ikalaglag sa kama. "I'm on it!" Tinignan ko kaagad ang screen ng aking phone pagkakuha ko nito sa aking bag. 'Pag-asa calling' "Serene!!! What the hell?!" Sigaw na bungad ni Ate pag-accept ko ng call. "Don't shout Ate, I'm not deaf." Antok kong sabi saka humiga ng maayos sa kama. "Where are you?! Tell me where you are, Serene!" I don't know the name of this hotel kaya tinapik ko si Sam. "Sam! Where are we? What is the name of this hotel?" Bulong ko habang takip ang phone ko. Pagkabalik ko 'nun sa aking tainga ay narinig ko na naghihisterical na si Ate sa kabilang linya. "Calm down Ate. Nothing bad happened, okay?" I said trying to calm her down. Mukhang aatakihin na siya sa nangyayari. "Really Ate, I'm safe. I'm in a hotel..." Sinipa ko pa ulit si Sam para magising. He grunted and looked at something on the bedside table. "Elite Peak." "...Elite Peak Ate." Mabilis kong sagot. That sexy bartender checked us in a luxury hotel? At hindi man lang naningil? Gaano ba kalaki ang sweldo ng bartender at mukhang ang dami niyang pera? Naputol ang pag-iisip ko ng narinig ko ulit na nagsalita si Ate. "Don't go anywhere, I'm coming to get you." She said and ended the call. Okay, I need to fix myself before Ate kills me. And, If I'm going to die, then at least I'm still going to be pretty. Suot ko parin ang hoodie at inayos ko nalang ulit ang aking buhok saka naghilamos ng mukha. Ginising ko narin pagkatapos ang mga kaibigan ko at sinabing darating si Ate na beastmode and they need to get ready to fly. Wala naman kaming dalang damit kaya we left whatever we have on. Ilang minuto lang ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Ate. She says that she's already at the lobby. "Wait for my call." I said to my friends and hurriedly left the room. Pagkalabas ko palang ng elevator ay nakita ko na agad si Ate at mukhang nagmadali talaga siya dahil hindi na nag-abala pang magbihis. She still look pretty though. "Ate!" I called. Napalingon siya sa akin pero ang tingin ko ay nasa lalaki sa kanyang likuran. "Ate. Uh... sinong kasama mo?" Tanong ko habang nakatingin parin ng maigi sa lalaki. They don't look close pero parang magkakilala na sila. Hinila ako ni Ate palayo sa lalaki at dinala sa isang sulok sa lobby. "You have a lot of explaining to do, Teal Serenity, So you better start talking now." Pigil na inis niyang sabi. Dahil ayokong magalit pa siya lalo kaya kinwento ko ang lahat ng nangyari sa bar, including why I did not told her na dadating ako dito sa Manila. Ang dami niya pang tanong pero lahat 'yon ay sinagot ko ng maayos. I would never lie to my family and I love them so much. "Don't believe anything you see and read on the internet, Ate. I'm sorry I got you so worried, but I can handle this, I swear. I'll fix it." I said, and smiled sweetly at her. It looks like she believes everything I said kaya nakahinga ako ng maluwang. Sinabihan niya pa ako na tawagan agad si Lolo at sumang-ayon naman ako. Kailangan ko nga siyang tawagan bago niya pa mabasa sa dyaryo iyon o malaman sa kung saan and I don't want him to worry about me too. I know he trust us but it's better na magpaliwanag. Sobrang nakaka-distract ang pagtingin ng lalaking kausap ni Ate kanina sa amin kaya natanong ko kung sino iyon. "Who is he, Ate?" "We both want to know the same thing, Serene." Nakilala lang ba niya iyon ngayon dito? Nakita kong naglakad papalapit sa amin ang guwapo at matangkad na lalaki. "Oh my God, Ate. He's coming this way." Bulong ko. Nakita ko ang bahagyang pagpanic ng mukha ni Ate pero bumalik din sa resting b***h face. "Is everything alright here?" He asked, looking at my Ate. His voice is very deep and calm. His handsome face is still visible even with his days old stubble. "Yes, everything is perfectly fine. We were just leaving." Ate said to him. "Can we talk?" Tumaas ang kilay ko. I can sense something in between them and it's very obvious. Magkakilala na talaga sila but there is just something that is missing. Nang marinig ko ang pagtanggi ni Ate ay mabilis ko siyang hinawakan sa braso. "I can go to your condo alone, Ate. I brought my car with me. Keys?" I can see her hesitations kaya kinuha ko nalang sakanyang kamay ang susi. "Byee! I'll see you later." I said and kissed her cheek saka mabilis na umalis. Lumingon pa ulit ako pabalik sakanila ng makalayo. That man screams money to me. He looks rich with that aura of him at parang gusto niya nalang ibulsa si Ate sa mga tingin niya. There really is something and I'm looking forward to it. Tinawagan ko sila Sam para bumaba ng makauwi na kaming lahat at makapagpahinga ng maayos. Hinatid ko sila sa apartment nila Mayin at dumiretso ako kaagad sa condo ni Ate. Sa tingin ko ay magtatagal pa ang usapan nila Ate kaya pumunta nalang ako sa spare room niya at naligo. Nagbihis na ako ng pantulog saka nahiga sa kama katabi ng hoodie. Tinignan ko iyon at pasimpleng inamoy. Though the smell is already faint, nandoon parin ang kaunti niyang amoy. Even his scent is sexy. Lahat nalang sexy sakanya. Speaking of sexy. Naalala ko ang ID niya na kinuha ko. Kinuha ko ang iyon sa aking bag ko at humiga ulit. Tinitigan ko ang litrato niya. He is serious in his ID pero bahagyang nakataas ang isang dulo ng kanyang bibig. So sexy. Nakalagay ang pangalan ng bar sa itaas at sa ibaba ng kanyang picture ang kanyang pangalan. 'Damian Devereaux Ortega'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD