Paputol-putol ang aking tulog na parang namamahay ang aking katawan. Nakita ko na may liwanag na sa labas kaya minabuti ko na lamang na tumayo. Inayos ko ang magulong kama at pinulot ang hoodie pati ang ID na nalaglag sa sahig saka marahang inilagay ulit sa ibabaw ng kama. Lumabas ako ng kwarto at nakitang nakabukas ang sliding door papuntang balcony kaya sinilip ko iyon. Nagulat nalang ako nang makita si Ate na natutulog sa maliit na sofa, kaya kumuha ako ng blanket sa loob saka iyon ibinalot sa kanyang katawan. Nagtimpla ako ng kape at umupo sa breakfast island habang nagtitingin ng kung ano sa internet. Hanggang ngayon nasa top search parin ang lumabas na news tungkol sa akin noong isang gabi. Tinignan ko ang mga pictures, hindi naman masyadong nakikita ang mukha ko pero mamumuk

