Prologue

2624 Words
My brother knocked me over the sofa when I did not respond to him. "Are you listening?! You dickhead!" I grunted and lay my back on the floor. Hinimas-himas ko pa ang braso ko na tumama sa lamesita. "Gising ka na ba? Umupo ka nga at mag-usap tayo ng maayos." Sabi niya sabay sipa ng marahan sa aking binti. Matamad akong tumayo at pabalag na umupo sa sofa. Alam ko na at memorya ko na ang mga sasabihin niya. Narinig ko na ito ng milyong beses kay Mama, at kahit ilang beses ko pa ulit marinig ay wala ng pumapasok sa kokote ko. Tumayo si Kuya sa aking harapan saka nagpamaywang. Yumuko naman ako at kunwaring nakikinig. "Is this what you want to do with your life? Maging tambay buong buhay mo?" Tanong niya saka ako tinulak-tulak sa dibdib gamit ang kanyang hintuturo. "Hindi ko pinagawa ang bahay na 'to para sayo. Kailangan mong mag-trabaho para sa sarili mo, wala ka bang pangarap sa buhay mo? Hindi habang buhay nandito kami para sayo." Kumuyom ang aking panga. Alam ko naman na wala akong silbi sa pamilya na 'to. Wala talaga akong pangarap sa buhay at wala akong interes sa ibang bagay. Aanhin pa ang yaman ng pamilya ko kung hindi ko gagamitin? Kung ayaw naman nila ako sa pamamahay nilang lahat ay puwede naman akong lumayas. "You've finished college. You're a BM graduate. Bakit hindi mo 'yun gamitin? Puwede ka magtayo ng sarili mong business or what." I'm so done with this. Ulit-ulit nalang ang ganitong usapan. Hindi pa ba sila nagsasawa kaka-sermon sa akin? Kasi ako sawa na. Lumalabas nalang sa kabilang tainga ko ang mga sinasabi nila. Tumayo ako para makaalis na sana ng kanyang bahay pero kinwelyuhan niya ako bago pa ako makatalikod sa kanya. "You fucker! Set yourself straight, will you?! Sasama ka sa akin sa bar ngayon." Galit niyang sabi saka ako itinulak. Napaupo ako pabalik sa sofa at sumigaw nalang. Shit life. Wala akong nagawa kaya kahit labag sa loob ko ay nagbihis ako saka niya ako isinama sa isang bar na pag-aari niya. The bar is on high. Buhay na buhay ang gabi rito at ang dami ng taong nag-iinuman at nagsasayawan sa dance floor. Inakbayan ako ni Kuya saka inilapit ang mukha sa akin. "Try to get yourself familiarize with everything in here, and go to the bar area over there and talk to the bartender." He shouted over the booming music and pointed at the bar area. "Don't you dare go MIA on me or I'll kick your ass back to our mom's uterus." Banta niya na nakaturo sa aking mukha. Tumango lang ako at umalis na siya para pumunta sa kung saan saka ko iginala ang aking mga mata. The bar looks vibrant and fun. The central design piece has a LED "firework" ceiling feature, which demonstrates a spectacular colour changing light show, which shows off dancing to the beat of the music. The dance floor is very spacious and is located at the center of the room. It is a bit elevated so everyone can see all the people who are on it in whichever seat area you are in the bar. Dumaan ako sa gilid ng dance floor papunta sa bar area nang may bumangga sa akin galing sa likuran. Kumuyom ang aking kamao and I'm ready to give that someone a punch on the face pero pagtalikod ko ay isang morenang babae na halos wala ng suot na pang-itaas ang bumungad sa akin. She smiled seductively and bit her lower lip. Tinitigan ko ang kanyang buong katawan at nagtagal ang tingin ko sa kanyang dibdib. It looks natural to me. "Do you want to go somewhere else?" She said. I was about to say yes but I remember not to piss my brother more than I should have now. "Sorry. Maybe some other time." I said and walked away from her. The bar area is so busy. Lahat ng bartender ay may kausap o 'di kaya'y nagmi-mix ng kung anu-ano. Napansin ko rin na malakas ang tip ng mga tao rito sa mga bartender. "Can I get you a drink?" A lady bartender who is wearing a skimpy dress with a long red hair approached me. I'm really trying to get on my brother's good side so think I'll pass. For now. Umiling ako. "Nah. I'm good. Thanks." She smiled and pointed at the other side of the bar. "If you changed your mind, just holler. I'll be on that side." While observing the bartenders do their thing, naisip ko na baka pwede akong maging bartender. It looks fun, mixing drinks and all. Nakaka-engganyo. Isa pa, I love this scene at the bar. Maingay at nakakawala ng stress ang ambiance. Hindi ko maririnig ang echo ng boses nila mama sa utak ko. This will be good for me, but I will not work for my brother. Kakayod ako mag-isa at hindi ako hihingi ng tulong sakanila. Umalis ako ng bar ng hindi nagpapaalam kay kuya at bumalik sa kanyang bahay. I prepared everything starting from my resume. Nanood din ako ng ilang videos about bartending and their techniques at nagsimulang magmemorya ng mga alak at kung anu-ano pa. Nakatulugan ko ang panonood ng videos online at nagising nalang sa katok sa aking kwarto. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang galit na mukha ni kuya. "You little s**t! Didn't I told you to stay in my bar and observe?!" Nagbuntong hininga ako at bumalik sa pagkakahiga sa kama saka dumapa para ipagpatuloy ang pagtulog. "I really want to beat the living daylights out of you, but it's not worth getting the wooden spoon for. I'm giving you a month, Dex. You better think about whatever you have to do. Fast." Galit niyang sabi sabay bagsak na sinarado ang pintuan. Mabilis akong nakabalik sa aking tulog at pagkagising sa hapon ay nagsend kaagad ako ng aking resume sa lahat ng bar dito sa Maynila na pwede kong applyan ng trabaho bilang bartender. Wala akong ginawa kung hindi ang pag-aralan ang pagbabartend habang naghihintay ng tawag at pagkatapos ng tatlong araw ay nakatanggap ako ng tawag at pinapapunta ako para sa interview. I wore a plain black fitted buttoned-up shirt and dark denim jeans. A sexy classic bartender look. No one will say no to this. "Ortega?" Tanong ng manager ng bar pagkakita niya ng resume ko. "Yes sir." Tipid kong sagot. Hindi ko na dinagdagan pa dahil ayoko ng ipaalam pa ang tungkol sa aking kuya dahil sigurado akong isa lang ang kahihinatnan 'non. Ibinaba niya ang papel saka tintigan ako ng maigi. "Hmm... are you, in any way, related to Mason Ortega?" Well, f**k. "Maybe not?" Dagdag niyang tanong. There is no point in lying. Malalaman at malalaman niya parin at hindi magandang itanggi ko iyon. Baka sabihan pa niya akong sinungaling at ayoko ng sinusumbatan ako. "He is my brother." Namilog ang mga mata ng manager sa gulat. "Oh. Then why are you applying as a bartender here? You're brother owns a lot of high class bars and soon mag-oopen na ang bago niyang lounge right? You can manage one of his bars or work for him instead." Of course, he would say that. Ano pa nga ba? Nang dahil sa pangalan ni kuya, hindi ako matanggap-tanggap sa mga pinapasukan kong bars. Ngayon palang ako nagka-interes sa isang bagay at kusang magtrabaho, purnada pa. Bumalik ako sa bahay ni kuya at kinausap siya. Linunok ko rin ang sinabi ko. Kaysa sa tumambay ako dito, sigurado akong pagbibigyan niya ako sa gusto kong gawin. "Bartender?" He asked. Tumango ako. "I want to bartend. 'Yun ang gusto kong gawin." Sumandal siya sa kanyang upuan at mukhang nag-iisip ng malalim. Gusto niya na matutunan ko ang pag-manage ng business niya pero wala sa puso ko ang gawin iyon ngayon. Huminga siya ng malalim saka tumayo. "Fine. I'll introduce you to my bartenders at Square Eights." We are back at the bar where my brother brought me the last time. The name of this super elite bar of his is Square Eights. He said the name is cool kaya iyon ang ipinangalan niya. Lahat naman yata ng bars and lounge niya hinula niya lang ang pangalan. Ipinatawag niya lahat ng nagtatrabaho niya dito sa bar before the night starts for the clubbers at ipinakilala niya ako. "Yo, guys. I want to introduce to you our new bartender, my brother, Dex." Sabi niya saka tinapik ako sa likod. Nag-salute lang ako sakanila at ngumisi. Lahat ng nagtatrabaho dito ay lalaki, maliban sa isa. Mason, my brother, assigned one bartender to teach me everything I need to know para sa trabahong ito. "I remember you." Ngiti ng babaeng mapula ang buhok sa akin. I remember her too. Siya ang bartender na nagtanong sa akin kung may gusto ba akong inumin nung dinala ako ni kuya dito. "Shelley." She said. Extending her hand to me. Hindi ko kinuha iyon, instead I made a fist bump to her. "Dex." Ngiti ko. Shelley works in this bar for almost 3 years now. She said, she likes this job kaya kumuha siya ng bartending program at pagkakuha niya ng kanyang certificate ay nag-apply agad siya ng trabaho. Ito ang kanyang unang trabaho at hindi na siya umalis. Mukhang malaki magpasahod si Kuya o talagang gusto lang niya ang ginagawa niya. I pick the former. Sa anim na buwan na pagtatrabaho ko at sa tulong na rin ni Shelley ay mabilis kong natutunan ang lahat. Hindi mo na masasabi na kailan lang ako natuto sa pagbabartend dahil sa galing ko. Ito yata talaga ang calling ko. Finally, I found something I'm good at. And, since I love caramel, naging isa iyon sa main ingredient na inilalagay ko sa special drinks na ginagawa ko for my special customers. "Dex babes. Get my shift tomorrow. Sige na please. May importante lang akong lakad." Si Shelley na kanina pa ako kinukulit. We got really close at simula 'nun ay babes na ang tawag niya sa akin kaya nahawa narin ako. She is pretty and sexy alright. Pero kaibigan lang talaga ang tingin namin sa isa't-isa. "May lakad din ako." Sabi ko kahit wala naman talaga. Tinatamad ako at gusto kong magpahinga bukas. Wala pa akong off this week at gusto niya kunin ko pa ang shift niya. Ang sakit na ng ulo ko kakapakinig sa problema ng mga tao. I need a break or else, I will be the one who is going to break. Masyado siyang sinuswerte. Lagi ko nalang sinasalo ang shift niya and this time, I won't. Manigas siya. Kinuha niya ang bimpo sa aking balikat at saka ako hinampas sa puwet. Sinamaan ko lang siya ng tingin at dumiretso sa locker room ng mga employees para magligpit ng gamit at makauwi na. "Babes, sige na naman. Last na 'to. Promise." Pagpupumilit niya. "Don't make promises you can't keep Shelley. Pang ilang beses na ba 'yan ah? Si Ryan o kaya si Pete nalang ang kulitin mo. 'Wag ako please." Irita kong sabi. I'm so tired today tapos dadagdag pa siya. Umupo siya sa bench kaharap ng locker ko at nagbalag labi. Kinuha ko sa kamay niya ang bimpo ko sabay tapon sa mukha niya. "Hindi ka nakakaawa. 'Wag kang magkunwari, hindi mo bagay. Walang nakakaawa sa itsura mo." "Dex! Isusumbong kita sa kuya mo!" Sigaw niya. Tumigil ako sa may pintuan at hinarap siya saka ngumisi sakanya. "Samahan pa kita." In the end, napapayag niya rin ako. Ayaw niya akong tantanan and she even flood my inbox with her annoying texts kaya pumayag na ako para magtigil siya. Ewan ko ba kung saan siya pinaglihi ng nanay niya at sobrang kulit niya. Tinanguan ko ang bouncer pagkarating ko sa bar at binati ang DJ. "Yo! Si Shelley?" Tanong ni Anton pagkapasok ko ng locker room. "Pinasa nanaman niya shift niya sa akin." Sabi ko habang nilalagay ang bag ko sa locker. "Kayo na ba?" Ngisi niyang tanong. Hindi na ako nagulat 'don. Tinanong na kami lahat ng katrabaho namin kung kami ba pero isa lang ang sagot namin. At kahit sabihin naming hindi ay tingin parin ng lahat ay kami. So why bother explaining? Let them think what they want, it's a free country anyway. Pinagpatuloy ko lang ang pag-aayos ko at nang matapos ay hindi parin siya umaalis sa gilid ng locker. Ang lapad pa ng ngiti ng mokong. "What?" I asked. Umiling siya saka inayos ang kanyang polo. "Wala. Sasabihin ko lang sana na madami ang nasa guest list ngayon." Meaning. Busy nanaman. At paniguradong late na matatapos ang gabi namin. Or rather umaga namin. Humanda talaga si Shelley, ipapasa ko lahat ng sunod kong shift sakanya. I don't know if there is an event today because the bar is jam packed. Ang ingay pero rinig na rinig ko ang bulungan at sitsitan ng mga kasama kong bartender. "Work people!" Sigaw ko sabay tulak kay Nathan, ang bagong bartender. Napailing nalang ako ng hindi parin sila magtigil at isa lang ang ibig sabihin 'non. There is a bangable babe on the dance floor. I'm too busy tending to customers to join their ogling session when something, no, someone caught my attention. Her dress shimmers when the light strikes her silver sequined dress. Kitang-kita ang hubad niyang likod dahil sa sobrang taas ng pagkakatali niya ng kanyang buhok. And, that damn legs. No wonder hindi makapagtrabaho ng maayos ang mga kasama ko, at kahit mga taong nakaupo dito sa bar area ay doon ang tingin. Parang tumigil ang mundo ko, at siya nalang ang nakikita ko. She swayed her hips lightly, like a figure of eight, and put her hands in air going along with the beat of the song. She's s*x on legs. I can't keep my eyes away from her. Kung haharap lang sana siya sa banda ko. "2500, all in. And I say, sana likod nalang siya." Jun, the other bartender said. Kumunot ang mukha ko sakanya at napasulyap ulit sa babae sa dance floor. "5000. I say she is more than the scale of 10." Si Anton. Binatukan ni Jun si Anton. "i-ready mo na 5000 mo. Kung maganda 'yan, I'll s**t on my pants." "Bro, wala ka bang mata?! Mukhang maganda." Singit ng isa pa. Anton made a tutting sound. "Sayang naman kung hindi siya maganda. Pero pwede namang pumikit nalang while doing it." Lahat tuloy kami parang napapigil sa aming hininga habang hinihintay siyang humarap sa banda namin. She's about turn at lahat kami kagat-kagat na ang labi and I cursed when someone called for a drink. Ang dami ng customer at lahat sila hindi na namin pinansin. Bago pa kami mapagalitan ay mabilis kaming kumilos lahat to attend to them all. "East side bro. Lasing na 'yan." Sabi ni Jun sa akin. I nodded once. "I got this." Lumapit ako sa lalaki at mukha ngang may tama na. "I don't think I can give you more bro. You're drunk." He snickered. "I need more then I'll take my girl home." Sabi niya sabay turo sa babaeng s*x on legs. My brows furrowed. Girlfriend niya 'yon? How? Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukhang nag-iilusyon lang ang isang 'to at lasing nalang talaga. Hindi sila bagay. At kung girlfriend nga niya iyon bakit nandito siya at wala sa dance floor? Kung ako sakanya, hindi ko aalisin ang tingin ko sa girlfriend niya at babakuran ko nalang. Baka nga umalis pa ako sa trabaho at mag-full time nalang sa pambabakod. Iniwan ko ang lalaki na nahihilo-hilo na sa pag-inom at binalik ang tingin sa dance floor. Damn it! Malingat lang ng sandali, mawawala na. She's skillfully evasive at mukhang mahirap abutin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD