Many of us fantasize a princess story, but I don't. I am not a damsel in distress. I am strong and independent.
I do not need some rescuing, I can save myself.
Since it is the 21st century, women from all over the world, tries to conquer everything they can. May it be in professional world or in showbizness.
Either way, most women in their 20's to 30's wants or even dreams to have that elusive title and all that comes with it - to be a socialite.
But how does one becomes a socialite?
From my part of the story, it's because of my Lolo, who took me and my sisters under his wing when our parents died.
Lolo Joaquin's wealth that comes from his investments led me to become one. And because of my impeccable fashion, manners, and charisma, I climbed up the social ladder real fast.
Being a socialite, you always have to be ready and prepared. Kailangan you always look good because you'll never know when you'll run into someone or the photographers outside. Especially the paparazzi.
My two sisters, on the other hand, does not want to get involved in this kind of scene, kaya ako lang ang nabilang sa pagiging socialite. Though, there are still a lot of paparazzi who tails them, because the media dubbed the three of us as an 'Eligible Heiress'. The Heir to all Lolo Joaquin's fortune.
I represent our family to all social events, gatherings, charities, and etc. I couldn't go to an actual job the next morning if I'm spending my night in clubs and bars to socialize. This, became my job. I'm a media darling.
And this afternoon, I'm going to a charity bazaar which EMAS, a service organization and Q-Foundation organized that helps children in the Philippines.
Malapit lang din iyon dito sa Hacienda Hermosa kaya hindi na ako nag-atubiling magpunta. Simula kasi ng umalis si Ate Hope dito sa mansyon ay napadalang nalang ang punta ko sa Maynila dahil hindi ko maiwan si Lolo.
A lot of celebrities and other famous people are going to be present in that event, so of course, photographers are expected to be there too kaya mas kailangan kong mag-ayos.
I tied my hair into a ponytail and wore my canary yellow master pajama dressing, partnering it with white ankle boots, Fendi body bag, and finishing my look with an oversized glam rock shades.
Dinala ko ang red Audi ko sa bazaar and as expected, sobrang daming tao.
Through the years, I grasped how things work out on being a socialite. Ito na ang naging buhay ko at nasanay na ako.
Everyone smiled at me when I passed by them. Pinaunlakan ko rin ang ibang photographers to take pictures of me, ang iba naman na nanghihingi ng interview ay dinecline ko.
I'm here for a cause and I want to focus on helping.
Lumapad ang ngiti ko ng makita ko ang mga bata sa One Home, isa sa mga organizations na tinutulungan ko.
"Did you guys do this? Talaga ba?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga makukulay na pamaypay. Tamang-tama para sa mainit na panahon ng Pilipinas.
Tumango ang sila at kita ko ang proud na proud nilang mga mukha.
Pare-pareho lang kaming wala ng mga magulang pero mapalad ako na may Lolo Joaquin at mga kapatid ako sa buhay, hindi tulad nila na nakita nalang sa daan at kung saan-saan na mag-isa.
"Turuan niyo naman si Ate na gumawa ng ganito." Sabi ko sabay turo sa mga pamaypay.
"Oo naman Ate Serene. Dalaw ka sa amin kapag hindi ka busy at tuturuan ka naming gumawa ng pamaypay." Sabi ng babae na nasa edad labing dalawa na.
Sabay-sabay naman silang sumang-ayon.
Nag-thumbs up lang ako because I can't say a promise to them lalo na sa dami ng dinadaluhan kong mga events. Ayokong umasa sila tapos mabibigo lang dahil hindi ko matutupad ang ipinangako ko.
Tinulungan ko narin silang magbenta ng kanilang hand made products at pagkatapos ay nakipag-usap ako sa iilang kilalang tao.
"Is it true that you are going to quit your status of being a socialite?" A rising actress asked me.
Naglie low lang ako ng kaunti from attending events sa Manila but I haven't thought about quitting yet.
"No, not true." I said.
I don't want to add anymore than that dahil baka may kung anong lumabas nanaman na issue. I have to be careful on everything that I will say.
"Oh. Bigla ka nalang kasing nawala and Charity Saavedra is the new talk in town."
Charity Saavedra is the second child of the owner of one of the largest hotel group in Asia. I met her a few times already, we talked for like a few minutes and that was it.
Hindi naman ako nakikipagkompetisyon sa kung sino ang dapat na mas sikat. I'm fine with whatever, and I'm just representing our family. Mas maganda ang makita ng mga tao ang magandang reputasyon namin.
Ilang plastic na may laman na kung anu-ano na pinamili ko sa bazaar ang dala ko sa sasakyan. Kahit hindi ko naman magagamit ang lahat ay binili ko parin. Tulong ko nalang sa mga bata iyon.
Baka ipamigay ko nalang itong mga ito sa mga trabahador sa Hacienda. At least hindi matatambak at bukod sa natulungan kong bata, ay mapapasaya ko pa ang mga trabahador namin. Sigurado naman ako na magagamit nila ang mga ito.
"Manang?" Tawag ko pagkapasok ng mansyon saka ko ibinaba ang mga dala kong plastic.
May isang nagmamadaling kasambahay ang dumalo sa akin. "Ay Ma'am Serene, may inaasikaso lang po si Manang Josie sa maids quarters. May ibibilin po ba kayo o iuutos? Ako nalang po ang gagawa Ma'am."
Nahiya naman akong mag-utos, mukha pa naman siyang busy.
"Mamaya nalang po. Salamat." I said and made my way upstairs to my room.
Nasanay na ang mga tao rito sa mansyon sa aking hindi mawaring schedule. They know not to disturb me when I'm in my room.
It is because, I am either sleeping or napping.
I checked my messages and a lot came from an unknown numbers na nakikipagkilala sa akin. I just ignored all of them and read the ones coming from my friends who are all in Manila.
They are inviting me to go to the newly opened lounge in Manila which I rejected. Ang sabi ko I'm still busy here in Hacienda at madami pa akong pending events.
Kahit na lagi akong tumatanggi, ay hindi parin sila napapagod na yayain ako. What a true friends they are, and I'm lucky to have them.
They are my friends since my college years, and they understand my busy life.
Araw-araw ay laging may dumarating na mail para sa akin na puro invitations. At lahat ng iyon ay sa Manila.
Pili lang ang inaattendan ko roon since it is far from here at ang haba ng biyahe. Ayoko naman na tumira sa hotel.
Pero ngayong nasa Manila na si Ate Hope ay marahil maari ko ng puntahan ang mga ito. 'Yun nga lang, kailangan ko munang kausapin si Lolo Joaquin tungkol dito.
After a few weeks, tumindi ang pangungulit ng mga kaibigan ko. Mayin's birthday is coming soon at gusto nila na lumabas kami to celebrate.
They are pressuring me to come, at sinabi pa nila na nagpa-guest list pa sila sa isang bar.
Next week pa naman iyon kaya may panahon pa ako magready at magpaalam kay Lolo since naisipan ko na rin naman na magpunta ng Maynila.
Nang magising ako ng umaga ay minabuti ko na kausapin na si Lolo tungkol sa aking plano. Lumalapit na rin ang birthday ni Mayin at hindi pa ako nagconfirm sakanila.
Sinilip ko siya sa kanyang study pero si Ace lang ang nandoon.
"Morning!" Bati ko.
"Good morning Ate. Ang aga mo yata ngayon?" She asked looking at my so-called on-the-go fashion outfit.
Sabi ko nga, dapat laging ready. You'll never know baka may bisita pala dito or baka biglang may emergency. At least, I am fashionably ready.
"Ikaw din ang aga mo. Akala ko puyat ka?" Balik ko sakanya saka umupo sa katabi niyang upuan sa may mahabang lamesa.
She is busy looking at some pictures of buildings and I don't know what sa kanyang laptop.
"What's that?" Dagdag kong tanong sabay turo sa screen ng laptop niya.
"Locations." Tipid niyang sagot.
Lumukot ang mukha ko dahil hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi niya at kung ano man ang ibig niyang sabihin.
"For my publishing company. I planned it all out Ate. Location nalang ang kulang." She said and gave me a quick glance.
"Aaahhh.... okay."
She is really pushing this publishing company of hers. Susuportahan ko nalang siya sa gusto niyang gawin. Like how Lolo supports us all the way.
Ace is just 21 but she already mapped out everything in her life. She is very decisive and always knows where she's going and what she'll do kaya sobrang proud kami ni Ate Hope sakanya.
"Dito ba yan? Malapit sa Hacienda?" Kuryoso kong tanong.
Umiling siya at tumingin sa akin. "No Ate. Nakausap ko na si Lolo about this. Mas maganda kung sa Manila ko gagawin ito. Mas madali kung doon."
Matagal pa kaming nagkatinginan at sabay na bumuntong hininga pagkatapos.
Pareho kami ng iniisip for sure.
Aalis ako at siya rin, ibig sabihin, si Lolo nalang ang maiiwan dito mag-isa. Though, madami naman siyang kasamang kasambahay, iba pa rin na kami ang nandito kasama niya.
"Paano si Lolo pag umalis tayo?" Tanong ko sa may pag-aalalang boses.
Matanda na rin si Lolo and soon, kailangan na rin niya ng mag-aalaga sakanya, tapos iiwan lang namin siya.
Malungkot lang niya akong tinitigan.
Should I just stay here? Mag-invest nalang din yata ako at tumira nalang ditto kasama ni Lolo, but hindi iyon ang gustong gawin ng puso ko.
Hinalikan ko nalang si Ace sa pisngi saka tumayo at lumabas ng silid para hanapin si Lolo.
Ang sabi ni ilang kasambahay ay nasa golf course siya.
Pagtingin ko sa labas ay tirik ang araw kaya kumuha muna ako ng cap at payong bago hiniram ang isang golf cart para puntahan si Lolo.
"Lo!" Tawag ko nang makita ko siya na nakatayo sa isang malayong dako.
Naglakad ako ng mabilis dala-dala ang payong, papunta sa kinaroroonan niya.
Ruben and some other workers are there with him. Ang init pero hindi sila takot masunog.
"Magandang umaga ho, Ma'am Serene." Bati nilang lahat.
Marahan naman akong bumati at ngumiti sakanila. Buti nalang at madami ang nagmamalasakit kay Lolo rito. Sobrang bait niya kaya he deserves this treatment from all the people he is helping.
Dahil sa Haciendang ito, madami siyang nabigyan ng trabaho at binigyan niya pa sila, kasama ng kanilang pamilya, ng tirahan dito.
Ginawa niya rin kaming parang prinsesa niya sa malaki niyang kaharian.
Lumapit sa akin si Lolo at bumati. "Ahh. Sigurado akong may kailangan ang aking apo para puntahan niya pa ako rito sa napakainit na lugar na ito. Hindi ba?" He asked teasingly.
Alam niyang ayaw namin sa open area na ito dahil takot kaming umitim na magkakapatid. Masyado tuloy akong napaghalataan.
"May sasabihin lang po sana ako Lo." Sabi ko at ngumiti ng matamis.
Inabot niya kay Ruben ang kanyang golf club at muling tumingin sa akin. Ang mukha niya ay naghihintay sa sunod kong sasabihin.
"Ah mamaya nalang po Lo. Hindi naman po masyadong importante." Ngiti ko ulit. "Slight lang po." Pahabol kong bulong.
Sumilong siya sa aking payong at iginaya ako pabalik sa kung nasaan ang golf cart.
"Ahh Lo. Maglaro ka po muna. It's not that urgent."
Naistorbo ko pa tuloy siya sa pag-gogolf niya.
"It's okay apo. Come on."
I do not know how to say to Lolo that I am also planning on going in Manila. I am so worried sa magiging reaksyon niya. Ayoko na malungkot siya at isiping iiwan namin siya pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para sa amin.
Baka lalo niyang ikatanda ang kalungkutan at magkasakit pa siya sa kakaisip sa amin.
Hinatid kam ni Ruben pabalik sa mansyon at tahimik lang akong naupo sa likuran ng cart.
"Kamusta naman ang Ate Hope mo sa Maynila Ma'am Serene?" Tanong ni Ruben sa akin.
Alam ko ang pagkagusto niya kay Ate pero hindi ko na binigyan pa ng ibang kahulugan ang kanyang tanong at magalang nalang siyang sinagot.
"Ate is doing great in Manila. She said, she loves her workplace."
Wala na siyang sumunod na tanong at nang makabalik na kami sa mansion ay dumiretso kami ni Lolo Joaquin sa living room.
"Okay apo, what is it that you want to tell me?"
Hinintay ko pa muna na makaalis ang kasambahay na naghatid ng juice sa amin bago ako sumagot.
"Lo. I received a lot of invitations in Manila. Gusto ko po sana na daluhan ang mga iyon. And if I'm going to attend those events ay kailangan ko po mag-stay doon." Simula ko.
Uminom siya ng juice sa baso saka tumango.
"Lo? Did you hear me?" Tanong ko.
Tumango lang kasi siya at wala ng ibang sinabi, baka hindi niya ako masyadong narinig. It's not the reaction I am expecting from him.
Natawa siya sa aking tanong. "I may be seventy years old, but I am not yet deaf apo, and my eyes are still good. I can still see how pretty my granddaughters are."
I know, kaya the more we should be careful and attentive to Lolo. Hindi na siya bumabata.
We're thankful though, na malakas parin siya until now. Kailangan niya pang abutan ang mga apo niya sa tuhod kay Ace.
"Again Lo. I said, I will go and stay in Manila for awhile po sana."
Tumango-tango ulit siya.
I want to crinkle my face so bad but I remembered my manners, So I composed myself and sit straight.
Hindi ko kasi maintindihan ang gustong iparating ni Lolo sa patango-tango niya.
"But, I don't want to leave you alone here Lo. So, my mind is debating whether to go or not." Pagpapatuloy ko.
He hummed and nodded his head. "Your sister, Ace, will also go in Manila. She is not just sure when, but we have talked about it and I gave her a go signal already."
That is why I am thinking twice about going in Manila dahil wala ng maiiwan sakanya rito.
Lolo smiled. "I'm okay here alone, apo. Madaming tao akong makakausap dito sa Hacienda at may mga libangan din ako kaya huwag kana mag-alala."
"Lo-"
"Serene, apo. Kung iyan ang kailangan mong gawin, do it. You're representing our family." Ngiti niya. "Make it good and show them what a Lopèz can do."
Our Lolo really knows what to say to make us feel good. He is very supportive of us and he wants to see us soar high in life.
"Oh Lo. Why not go with us in Manila instead?"
That is also a brilliant idea dahil doon magkakasama kami at hindi namin ma-mimiss ang isa't-isa. Mababantayan pa naming siya.
Winagayway niya ang kanyang kanang kamay sa ere, senyas ng hindi niya pagsang-ayon.
"If you love your Lolo, you will not bring me there. Mas mapapaaga ang pagsunod ko sa Lola niyo niyan, apo dahil sa polusyon sa Maynila, hindi tulad ng simoy ng hangin dito, at isa pa nakakapaglakad-lakad pa ako rito ng walang babanggang sasakyan sa akin."
Sabagay. Lolo is right. Pag-uusapan nalang namin na magkakapatid ang pagdalaw dito sa Hacienda, pati narin ang pagtawag kay Lolo.
Lumapit ako sakanya saka siya niyakap ng mahigpit. "I super love you Lolo Joaquin."
Sa huling tatlong araw ko ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang kulitin lang si Lolo sa kanyang study. Hindi ko alam kung kailan ako ulit makakadalaw kaya sinulit ko na.
"Lo, baka pwede kasi nating lagyan ng bubong ang golf course para makalaro mo na rin kami."
Natawa lang siya at napailing nalang.
Ang gandang idea kaya 'nun.
Sinabihan ko na rin ang mga kaibigan ko sa Maynila na darating ako sa birthday ni Mayin at napag-usapan namin na magkita-kita nalang sa apartment ni Mayin.
Hindi tulad ni Ate Hope, wala akong masyadong dala. I can just buy clothes in Manila. Mas madaming shops doon, hindi tulad dito, kaya halos lahat ng damit ko ay galing sa iba't-ibang designer's online at pinapadeliver ko lang.
"Manang Josie. Don't forget yung vitamins ni Lolo and always be attentive sa phone please. Tatawag kami palagi, lalo na pag sumunod na si Ace sa Maynila." Bilin ko.
Sinamahan niya ako hanggang sa driveway at nakita ko doon si Ace na naghihintay sa akin.
Ang aking Audi ay na-ready na rin ni Mang Caloy.
"Ate." Si Ace.
"Hey, sis. See you in Manila?"
She smiled modestly and nodded. "I will inform you and Ate Hope when."
I hugged her and went inside my car but then, I rolled my windows down when I remembered something.
"Manang! Last one. 'Yung food ni Lolo okay? No fats or anything. Healthy dapat." Sabi ko saka kumaway sakanila paalis.
It was a few hours after lunch when I left Hacienda Hermosa at sakto lang na gumabi na pagkadating ko ng Maynila.
"Oh my God!!!"
"Finally!"
"Yey!!"
Sabay-sabay nilang sigaw pagkakita sa akin sa labas ng apartment ni Mayin.
It was almost 7 months when I last saw them. And I missed them so much.
Kapag kasi napupunta ako dito sa Maynila ay hindi naman ako nagtatagal kaya hindi ko narin sila nakikita.
"Girl! Magtatampo na sana kami sayo e." Si Arianne.
"I told them it's okay at mapipilit ka rin namin. We understand how busy you are being a socialite and all. Pero isama mo naman akong rumampa minsan. Nagsosolo ka e." Si Sam, my first friend in college.
"Socialite ka rin Samuel? Ganda ka?" Asar ni Mayin kay Sam.
Binato siya nito ng unan. "It's Sam. Samuel ka diyan! Ang baho!"
Nagtawanan kami. Sam is gay and he is a proud one. Malandi siya pero hindi sa pananamit. Lalaki parin ang bihis niya, but with style. He works as a fashion assistant at siya ang nagpakilala sa akin sa kanyang boss na si Anhelo, ang gumagawa ng mga dresses and gowns ko for all the events na pinupuntahan ko.
We are all ready by quarter to ten at lahat sila ay sumakay sa aking Audi.
"Madam, pulmunya talaga ang aabutin mo niyan." Sabi ni Sam na katabi ko sabay hagod sa aking likod.
Tumawa lang ako saka siya kinindatan.
He said that we should all wear sequined clothes and he knows that I always dress to kill.
I wore a super sexy silver cowl-neck, open back sequined dress, a black choker, and a triple ankle strap stilleto heel. My dark brown hair is tied into a high ponytail.
Mayin is wearing a red shift sequined dress, while Arianne is wearing a rose gold ombre long sleeved mini sequined dress. And Sam being Sam, you won't see any sequins on him unless you look down on his feet. He is wearing a shiny black silver sequins slip on loafers.
I adjusted myself on the seat and put on my seatbelt. "Okay, where to birthday girl?" I asked, looking at her on the rear view mirror.
"Kung saan matatagpuan ang mga guwapong nilalang." Sagot ni Sam.
"No, seriously Sam." Natatawa kong sabi.
Everytime we go out, lagi nalang lalaki ang hanap niya. Hindi naman siya nagboboyfriend, hinahalay niya lang lahat sa isip niya
"I am very serious Serene. Just look at this face." Seryoso niyang sabi na nakaturo pa sa kanyang mukha.
"Square Eights girl!" Sigaw ni Mayin.
"Where the hot bartenders are. Hoot hoot!" Sabay ni Arianne.
I chuckled and roared my car to life.
"Square Eights it is."