"Kanino yung isa?" sita ng kaibigan niyang si Fren nang iseal nito ang cup ng may kape.
"Sa..sa assistant ko.." pagsisinungalin niya.
"Ah,okay.." kibit-balikat nitong turan.
"Pasok na ko," paalam na niya rito.
Seryoso ba talaga 'to? Binilihan talaga niya ang doktor na yun ng kape.
Agad na nag-init ang mukha niya ng maalala ang ginawa ni Doc.Yael kahapon.
Dalawang tawid lang nasa hospital na siya kaya carry lang na bitbit niya ang dalawang cup ng kape.
Nasa entrance na siya ng hospital nang makita muli ang umpukan.
She sighed. Napasulyap siya sa hawak niyang kape.
Dumeretso na lang siya. Agad na napahinto nang matanaw niya ang Pedia ward.
Agad na may umilaw na ideya sa isip niya.
Lumingon muna siya sa kinaroroonan ng kumpulan bago niya tinungo ang pedia ward.
Hindi niya alam kung sadya bang inaabangan siya ng mga ito para macorner siya tuwing umaga.
Eh kung magpakatanghali kaya siya?
Nakita niya muli si Dra.Diana na maaga ulit pumasok. He grinned. Turn on sa kanya ang tao na palagi maagap.
Napahinto siya sa pagsara ng pintuan ng opisina niya ng maamoy niya ang aroma ng kape.
Sa ibabaw ng desk niya ay nakapatong roon ang pamilyar na cup.
He smiled. It's from her.
Agad na dinampot niya mainit-init pang kape.
Napansin niya na may nakadikit na stick note sa ibabaw.
Here's your coffee..D.
Nakapagkit ang ngiti sa labi niya na inalis niya ang takip ng cup.
Ito ang kape na iniinom ng dalaga. Matapang ang kape pero dahiL ito ang lasa na gusto ng dalaga. Iinumin niya.
Sa tingin mo ganito ang epekto ng mate natin satin?
I don't know,my wolf..
Para tayong obsess na ewan kung ano ang gusto niya iyun din ang gusto natin..
Bigla niya naalala ang sinabi ni Zei.
"Yes,they are crazily in love with their mate.."
He sighed.
Kung mababaliw din siya sa dalaga siguro nga kailangan niya paghandaan yun.
He's crazy into something..at gagawin lang niya ang pantasya iyun sa babae itinakda sa kanya.
Ang tanong nga lang kung magugustuhan ba yun ng dalaga?
Hell,Yael Graciano! Masyado pa maaga para isipin mo yun.
How about the wine?
Shit!
I'm f*****g hot now!
For her...
Panay ang ngiti ni Diana. Pakiramdam niya nasa highschool pa lang siya. Nag-iwan ng love letter sa desk ng crush niya.
Lihim siya napahagikhik.
Grabe,mukha malala talaga ang tama niya sa bagong doktor na yun.
"Doktora?!" pagpukaw sa kanya ng kanya assistant.
Nakasungaw ito sa pintuan niya.
"Yes?"
"May naghahanap po sa inyo,nasa labas po siya.." anito.
Agad na nangunot ang noo niya.
"Sino daw?"
"Danilo daw po.."
Napabuga siya ng hangin. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito.
Noon lang niya natanto na maglalunch break na.
"Sige,mag lunch break ka na.." saad niya.
"Yes,Dok!" talima agad nito.
Kung yayain man siya nito ng lunch. Hindi niya alam kung pagbibigyan niya. Depende sa kung ano mood siya haharap dito.
Hindi na siya nag-abala na hubarin ang doctor's white robe.