He want to invite her for a lunch.
Pero bago pa siya makarating sa opisina nito nakita niya ito nagmamadali lumabas ng opisina nito.
Wala siyang pakielam kung mukha siyang stalker pero may kung ano naaamoy siya na hindi maganda sa kutob niya.
Nakita niya si Danilo na nakasandal sa kotse nito. Agad na ngumiti ito sa kanya ng makita siya.
Humalukipkip siya pagkalapit dito.
"Hi!" bati nito.
Danilo is a good looking guy pero hindi rin ito naiiba sa mga nakikita niya. Plain ang kaguwapuhan.
Hindi tulad ni Doc.Yael,gwapo na ang hot pa..mas nakakadagdag pa ang mahaba nitong buhok na nakapusod sa pagiging lalaki-lalaki nito.
"Diana?" pukaw nito sa kanya.
Agad na natauhan siya. Hala siya,nagawa pa niya magdaydream.
Tumikhim siya.
"What are you doing here?"casual niya saad.
"Uhm,gusto sana kita yayain for lunch?"
She sighed.
"Alam mo,Danilo..kasi mu--"naputol ang sasabihin niya ng bigla ito magsalita.
" Diana,I know kahit na paulit-ulit mo ako tanggihan,ayos lang sakin..I understand dahiL sa ginawa ko noong college tayo hindi ako magsasawa na humingi ng sorry sayo.."sinsero nito saad.
"Danilo,pinatawad na kita..pero hindi ko alam kung ano pa ang intensyon mo sakin?"
"Diana..I like you,gusto kita.." matapat nito saad.
Napaawang ang bibig niya. She's already knew that pero iba pa din kung sa harapan iyun sinasabi ng isang tao na may intensyon sayo.
"Kaya gagawin ko ang lahat,magkalapit lang tayo,Diana..give me a chance.." pagsusumamo nito .
She sighed.
He looks so sincere.
"Doktora.."
Naagaw nang pamilyar na boses iyun ang atensyon niya.
Agad na dumagundong ang dibdib niya.
Doc.Yael..
Nilingon niya ito at matiim ang tingin nito sa kanya.
He look upset?
"D-Dok Yael.." usal niya habang nakatitig sa seryoso nito mukha.
Nang makalapit ito sa kanya. Kay Danilo naman ito tumingin.
Bigla nagdilim ang mukha ng doktor rito.
Parang bigla nagkatensyon!
"Uhm..Danilo..si Doc.Yael,bago namin doktor dito..isa siyang Pediatrician.."pakilala niya rito kay Danilo.
" Danilo,Dok,"paglahad nito Kay Doc. Yael pero tinitigan lang iyun ng doktor.
Napaawang ang bibig niya.
"Is he your boyfriend?" baling sa kanya nito.
"H-ha? U-uh,hindi.."pag-iling niya. Bigla siya kinabahan sa klase ng tingin nito.
Muli ito bumaling kay Danilo. Mababakas na sa lalaki ang disgusto nito sa inaasta ng doktor.
Ano bang nangyayari? Pakiramdam niya parang kulang na lang magsuntukan ang mga ito!
"Nililigawan mo ba siya?"
Nahigit niya ang hininga ng marinig ang sinabi ng doktor rito.
Ano daw?!
"Oo...may problema ba dun,Dok?" sarcastic ng tugon ni Danilo.
Bigla siya nainis sa inasta yun ni Danilo sa doktor.
Nakita niya ang pagtiimbagang ng doktor.
"Danilo..I'm sorry..siya kasi ang kasama ko mag-lunch.." pagsabad na niya sa mga ito habang hinihila ang sleeves ng polo ng doktor.
"Kaya sana kung pupunta ka ulit dito,tawagan mo muna ko..alam mo naman yun di ba.." aniya.
Atubili ang naging pagtango ng lalaki.
"I-I know..pasensya na..akala ko kasi pagbibigyan mo ako this time.." bigo nito saad.
Muli siya napahigit ng hininga ng maramdaman ang pagdapo ng kamay ng doktor sa likod ng beywang niya.
"Let's go..I'm hungry.." matiim na saad nito.
Nagpatangay na lang siya rito. Abot-abot ang kaba niya.
Hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niya dahilan para umalis na si Danilo.
"Uhm,sorry...sinama pa kita sa pagsisinungalin ko.." kimi niya saad.
Tumigil sila sa paglalakad at humarap ito sa kanya.
Matiim ang tingin nito sa kanya.
"Tama lang ang ginawa mo,Diana.." anito.
Napasinghap siya ng kunin nito ang kamay niya.
"Hindi ko gusto na may lalaki na lumalapit sayo.."seryoso nito saad.
"B-bakit?"
Pinisil nito ang kamay niya. Nanigas siya ng ilapit nito ang mukha sa gilid ng ulo niya.
"Dahil sakin ka lang.." bulong nito sa kanya.
Naestatwa siya bigla sa sinabi nito.
Nakangisi na iniwan na siya nito.
Awang ang kanya bibig.
Anong ibig niya sabihin dun?!