Kanina pa niya kinakatok ang pintuan ng opisina ni Doktor Yael. Malakas ang kalabog ng dibdib niya parang may kung ano masama nangyayari dito. "Dok.Yael?!" pagkalampag niya sa pintuan. Nang pihitin niya muli ang doorknob nabuksan na iyun na kanina ay hindi niya mabuksan. Kinakabahan na pumasok siya sa loob ng opisina. Madilim ang paligid agad na kinapa niya ang switch sa gilid ng pinto. Agad na bumaha ang liwanag sa buong opisina at marahas siyang napahigit ng hininga ng makita ang isang nilalang na ngayon lang niya nakita sa buong buhay niya. Anong ginagawa ng nilalang nito sa opisina ni Dok.Yael?! "Dok.Yael?!" kinakabahan niyang saad at pinakikiramdaman ang malaking hayop na kulay abo na matiim na nakatitig sa kanya. Dahan-dahan siya napaatras palapit sa pintuan. Hindi maganda a

