Nakapagtataka,walang umpukan siya nadatnan ng makapasok siya ng hospital. Inikot pa niya ang buong lugar gamit ang mga mata baka lumipat lang sila pero wala ang mga ito. Bitbit ang dalawang kape nagtuloy na siya sa paglalakad. Baka hindi siya pumasok? Hindi na sana niya papansinin ang makakasalubong niya pero humarang ito sa daanan niya. Napabuntong-hininga na lang siya. Matalim ang tingin nito sa kanya. "Bakit?" Tumingin ito sa kape na hawak niya agad na nahulaan niya ang gagawin nito kaya mabilis niya iyun iniwas. "Ano bang problema mo?" sita niya rito. "Ganyan ang nakita ko sa table niya kahapon..ikaw ba nagbigay nun?" Ah talaga pinapasok pa nito sa silid ang doktor. Grabe,garapalan na talaga ang plastik na doktorang ito. "Oo..nagpabili siya sakin.." matapang niya sagot. Lal

