"Lyka!" iyon ang narinig niya mula sa pamilyar na boses, it was Bryan. Nararamdaman niyang binubuhat siya nito at mabilis na kinuha mula sa magaspang na semento. Wala na sa isip n'ya kung ano ang susunod na magaganap. Ang tanging nagawa na lamang niya ang ang pumikit at damhin ang mga sugat na natamo niya. *** Bryan's POV Dala ko si Lyka ngayon habang binabagtas ang hospital. Sakay kami sa aking kotse. Nakita ko kung ano ang nangyari sa kaniya sa bangin. Walang kontrol ang kotse niya na bigla na lamang tumilapon sa direksyon ng bangin. "Oh, s**t! Kapit ka lang, Lyka!" nag-aalalang sambit ko. Ang tanging naiisip ko na lamang ngayon ay kung paano ko iha-handle ang sarili, hindi ko gustong makitang nagkakaganito si Lyka. All I imagine was something not like this. Hindi ito ang inaas

