Matapos ang kanilang mahabang byahe ay balik ulit sa normal ang lahat. Nakarating na sila sa Samal at ngayon nga'y pinoproseso ang ibang bagay, ang kanilang nalalapit na kasal. Approved na ang pabrika ni Mad at ngayon nga'y unti-unti nang bumabalik ang matiwasay na daloy ng proyekto at manufacturing. Unti-unti na niyang nababayaran ang mga utang niya sa tiyi Calixto niya, gayundin ang hospital bills ni Madisson. Ang nabalitaan nga niya'y nagkamalay na ito ngayon at nasa ward na, unti-unti nang bumabangon si Mad. Isa na lang ang pinagdarasal niya, si Celine. Na sana'y hindi ito gumawa ng mga hakbang na makakasira sa plano niya. Kaharap ni Mad si Lyka sa oras na iyon, katatapos lang nilang kausapin ang catering na napili nila. Kagagaling din nila sa simbahan na napili nilang daosan ng ka

