"Hoy dahan dahan malaglag ka jan!" Saway sa akin ni Aspen habang nasa taas ako ng puno ng mangga at inaabot ang hinog na bunga niyon. "Bumaba ka jan! Kapag nalaglag ka jan hindi kita masasalo ang bigat bigat mo kaya!" I looked at him wide-eyed at sa sobrang kabiglaan at inis sa sinabi nito ay binato ko iyon ng maliit na mangga. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes nito and he evaded it. Kung hindi ay for sure, may bukol ito sa ulo. Pagbaba ko ay inirapan ko ito at pinagpag ang damit ko habang ito naman ay binitbit ang maliit na basket na may lamang mga hinog na mangga na napitas namin mula sa punong tanim ni papa sa likod lamang ng bahay. "You don't tell a girl she's fat ok? Napaka insensitive mo." saway ko kay Aspen habang natatawa naman itong nakikita akong halos pumutok ang butsi

