"Ready?" "Wait. Do I look ok? Do I smell good?" Bahagya akong natawa sa sagot ni Aspen. "You'll be ok. Hindi naman ganun ka strikto sina mama at papa." Tinapiktapik ko siya sa balikat at kinindatan. "Maybe they'll just make you fetch water or chop some woods." "Wait, what? Fetch water? why?" naguguluhan niyang tanong habang nakakunot noo at nakasunod sa akin. Kabababa lamang namin ng kotse ni Aspen at agad namang nakita ang mga kapitbahay naming nagkakandahaba ang mga leeg sa kakasilip sa kung sino ang may ari ng sasakyan na pumarada sa tapat ng bahay nila kung saan nakatira ang aking pamilya. Maliit lamang ang bahay naming iyon. Gawa lamang iyon sa pawid at nasa labas ang kusina kung saan kahoy ang ginagamit ni mama na panluto ng mga pagkain. Nasa labas din ang banyo. Sa loob ng ba

