CHAPTER 1

2260 Words
Lihim na nakamasid si Sharey sa dalawang taong masayang nag-uusap sa di kalayuan sakanya. Bakas sa mukha nang mga ito ang tunay na kasiyahan. She saw that they were truly inlove with each other. Napangiti siya sa dalawa nang tumingin ang mga ito sa gawi niya at kumaway. Kumaway siya pabalik. Napangiti siya nang mapait. Masakit. Masakit makita na ang taong mahal mo nang mahabang panahon ay masaya na sa piling nang iyong matalik na kaibigan. That's life for her it really sucks! Maliit palang si Sharey ay wala na siyang ibang nakitang lalaki na katulad kay Zaine. Hanggang sa paglaki nila naging magkalapit sila. Lalo na nung high school. Doon mas napatunayan nito ang lakas nang atraksiyon niya sa binata na hindi na lang iyon basta crush o paghanga mas malalim pa doon ang nararamdaman niya. Mahal na niya ito. Kaya nang magkolehiyo sila kahit ayaw nang pamilya niya ang kursong kinuha ay pinanindigan niya iyon dahil sinundan niya ang binata. Parehong skwelahan ang pinasok nila at parehas din sila nang kursong kinuha na Computer Engeneering. Pinag-igihan niya iyon para hindi mapalayo sa binata. Hanggang sa dumating sa puntong umuwi ang kanyang kaibigan na si Rhea. Tuwang tuwa itong nagkita ulit sila. Pero yun ang naging mitya nang puso niya. "Uy! Sha sino siya?" Umingos ang kanyang kaibigang si Rhea at nginuso ang lalaking nasa tapat nang kanilang bahay. Tinignan niya ito at nakabasketball attire ito habang hawak ang isang bola. Tila nagliparan ang mga paru-paru sa kanyang tiyan nang kawayan siya nito mula sa terrace nang kanilang bahay. May laro pala ito sa kanilang barangay at isa siya sa mga player. Kumaway siya dito. Dali-dali siyang bumaba kasama nang kaibigan niyang si Rhea para puntahan ang binata sa labas na masugid na naghihintay. "Sasabay ka ba?" Tanong nito sakanya na kinalapad nang ngiti nito. "Sunod nalang siguro ako kasi.." Biglang sumingit ang kaibigan niyang si Rhea sa kanilang dalawa. "Hi" kaway nito sa binata. Hindi deadma si Zaine dahil palakaibigan naman ito kaya hindi na siya nagulat nang ngitian niya ito at sagutin niya ito nang "hello". "Si Rhea pala bestfriend ko galing New York. Kadarating lang niya kaninang madaling araw. Siya naman si Zaine kaibigan ko" pagpapakilala niya sa dalawa. Parang tinutusok nang kung ano ang kanyang puso dahil sa kislap nang mata ni Rhea nang magdaop ang kanilang mga palad. Parang may kung anong kaba ang bumangon sa kanyang damdamin. Tama ba siyang pinakilala niya ang mga ito sa isat isa? Lumipas pa ang ilang buwan tatlo na silang magkakasama. Pero mas naging masikip ang pagitan nila ni Zaine dahil sa pagdating ni Rhea. Alam ni Sharey na merong pagtingin si Rhea kay Zaine hindi iyon lingid sa kanyang kaalaman dahil nakikita nito sa galaw ni Rhea at mas napatunayan niya ito nang magtapat ang kanyang kaibigan sakanya mismo. "Bes may gusto ka ba kay Zaine?" Biglang kumabog ang kanyang dibdib. Parang singpula na nang kamatis ang kanyang mukha dahil sa tanong ni Rhea. "Of course wala! Magkaibigan lang kami" She doesn't want to tell the truth that she had a feelings for Zaine baka masira ang pagkakaibigan nila kapag nalaman iyon nang binata kaya kahit sa matalik niyang kaibigan ay hindi niya iyon maamin amin. Bakas sa mukha nang kanyang bestfriend ang kasiyahan na napatalon talon pa dahil sa tuwa. "Really? Wala? Kung ganun bes pwede mo akong tulungan sakanya?" "A--anong ibig mong sabihin?" Kinakabahan siya habang hinihintay ang sagot nang kanyang kaibigan. "I like him. No! I love him bes. Mahal ko si Zaine! First time ko siyang makita nun nahulog na ang loob ko sakanya sa tingin mo magugustuhan kaya niya ako?" Parang biglang nabasag ang kanyang puso sa sinabi sakanya nang kanyang matalik na kaibigan. Yes! Masakit. It really hurts! Walang lumabas sa kanyang bibig. Bumubuka iyon ngunit kahit isang salita ay walang lumabas. Tumayo siya at biglang napatakbo. Hindi niya kayang ipakita sa kanyang kaibigan na nasasaktan siya. Hindi! Pero hindi na niya kaya ang sakit at kelangan na niyang ilabas iyon hanggang sa makarating siya sa lobby ay isang matigas na braso ang humila sakanya. "Bakit ka umiiyak?" Imbes na sagutin ang binata ay mas lumala pa ang kanyang pag-iyak. Paano niya sasabihin dito ang kanyang tunay na nararamdaman? Mataman itong nakatingin sakanya. Hanggang sa maramdaman niyang nakayakap na din ito sakanya. Masarap sa pakiramdam ang yakap nito tila sinasabing tumahan na siya. Parang pinapahiwatig nito na mahalaga siya para dito. Pero hindi tama. Dahil kung paiiralin niya ang kanyang puso ay madami siyang masasaktan maging ang kanyang sarili. She gathered all her strength and pushed him away. That's the best she could do. Hilam ang kanyang mga luha habang tumatakbo siya palayo sa lalaking minamahal. It's too late. Huli na siya. At madaming pwedeng madamay kapag ipagpapatuloy niya ang pagmamahal dito unang una na doon ang kanyang bestfriend na si Rhea at baka mawala pa sakanya nang tuluyan ang lalaking kanyang pinakamamahal. Ilang linggong iniwasan ni Sharey ang binata. Sa tuwing maglalandas silang dalawa ay palaging sumisingit si Rhea kaya kahit masakit ay pinilit niyang gawing normal ang kanyang pang araw araw. Gaya nang dati. Nung wala pa si Rhea. Hanggang sa naugnay ang kanyang pangalan sa isang varsity player nang kanilang eskwelahan. Totoong nanligaw ito sakanya pero sinabi naman niyang hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay pero kumalat na sila na. Nasabi niya sa kanyang sarili na siguro nga mas tama na din iyon para matigil na siya sa kanyang kahibangan. Pero kahit gaano niya iyon ipaintindi sa kanyang isipan ay bumabalik parin siya sa pagiisip kay Zaine. Lumipas ang ilang buwan na pati na rin si Zaine ay parang iwas na iwas na din sakanya. Si Rhea naman ay palaging hindi niya nakakasama nang matagal dahil busy ito sa kakahabol kay Zaine. Hanggang sa pumutok ang isang balitang unti unting pumapatay sa kanyang pagkatao. "Rhea Fontanoz can you be my girlfriend?" Namutawi ang sigawan nang mga kasamahan nilang estudyante sa buong stadium dahil sa pagpropose ni Zaine sa kanyang bestfriend. Hindi niya namalayang naglaglagan ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi. Tuloy tuloy ang agos nun hanggang sa narinig nito ang matamis na "Oo" nang kanyang matalik na kaibigan. Sila na.. Huli na ang lahat para sakanya.. Namamanhid man ang kanyang katawan at blurred man ang paningin nito ay pinilit parin niyang humakbang palayo sa lugar kung saan tuluyang nadurog ang basag na niyang puso. She can't bear the pain. Habang buhay na lamang siyang KAIBIGAN para sa binata. And she needs to accept it. Isang linggo siyang hindi pumasok sa skwelahan mula nang masaksihan niya ang proposal ni Zaine sa kanyang matalik na kaibigan. Rhea always texted her at sinasabi nitong kelangan nilang magkita dahil may mahalaga itong sasabihin sakanya pero hindi niya iyon pinapansin. Ini off niya ang kanyang cp para walang makaabala sa kanyang paghihinagpis. Wala siyang ganang kumain at hindi rin nakakatulog nang maayos. Parang nangayayat na din siya dahil sa kanyang kalagayan. Nang sa tingin niya ay kaya na niyang harapin ang dalawa ay hinanda niya ang kanyang sarili. Hindi habang buhay ay magkukulong lang siya sa kanyang kwarto para takasan ang sakit. She need to face it. She need to endure the pain. "Bes!" Masayang sinalubong siya ni Rhea mula sa gate nang kanilang school. Pinilit niyang ngumiti dito kahit na nadudurog ang kanyang puso. "Ano bamg nangyari sayo? Ni tawag at text hindi mo sinasagot. Tyaka this past few days hindi kita makontak. May problema kaba?" Ngumiwi siya dito "masama lang yung pakiramdam ko inasthma ako bes" "Alam mo may magandang balita ako sayo" "Babe" Her heart skipped a beat. Halos mabingi siya dahil sa pintig nang kanyang puso. Pinukol niyang ang kanyang mga mata sa binata. Malapad ang ngiti nitong nakatingin sa kanyang matalik na kaibigan. Mahal na mahal niya ito. Pero kelangan niyang maging matatag. Nang mapunta sakanya ang mata nito ay agad nagbago ang mga iyon. Parang blangko ang mga iyon. Na parang hindi na siya kilala nito. Napakalamig nang pakiramdam ni Sharey sa mgs tingin sakanya ni Zaine. "Kami na bes!" Naagaw ang kanyang atensiyon nang itaas nang kanyang matalik na kaibigan ang magkahawak nilang mga kamay. Kahit parang lulubog na siya sa kanyang kinatatayuan ay pinilit parin niyang ngumiti sa dalawa. "Congratulations" With that she step forward at nilagpasan ang dalawa. Kahit ilang ulit niyang sabihin sa kanyang sarili na magiging okay din ang lahat ay parang hindi parin kayang tanggapin iyon nang kanyang puso. "RHE--RHEA?" Halos manlaki ang mga mata nito nang makita siya nang kanyang matalik na kaibigan. Agad tumayo ang kasama nito at mabilis na umalis. Parang may kung anong galit ang namuo sa kanyang damdamin dahil sa kanyang nasaksihan. She saw her bestfriend kissing torridly with other guy! For pete's sake! Paano nalang kapag nalaman ito ni Zaine? "Ahmm..bes!" Mabilis na hinawakan nito ang kanyang palad. "Bes pls. Dont tell to Zaine kung anuman ang nakita mo pls!" Naguguluhan siyang tumingin dito. Ano bang ginagawa nito para lokohin ang lalakinh kanyang minamahal? Gusto niyang sampalin at sabunutan ang kanyang kaibigan pero pinigilan niya ang kanyang sarili. "Why? May mali ba si Zaine para lokohin mo siya nang ganito Rhea?" "No! No! Its not what you think bes! Im--im..mahal ko si Zaine ayoko siyang mawala sakin hindi ko kakayanin Sharey!plz dont tell him! Promise lalayuan ko na ang lalaking iyon kanina basta huwag mong sasabihin sakanya" With that hinayaan niya ang kanyang kaibigan. Hindi niya sinabi kay Zaine ang kanyang nalalaman para mapanatili ang magandang samahan nang mga ito. Pero sa hindi malamang kadahilanan ay palagi niyang nahuhuli ang kanyang matalik na kaibigang si Rhea na sumasama sa ibt ibang lalaki. Doon napagdesisyonan niyang ilapit na iyon kay Zaine. Kaibigan parin naman niya ito. Ilang beses na niyang binalaan ang kanyang kaibigang si Rhea pero hindi ito nakinig sakanya. Hanggang sa nasaksihan niya ang dalawa na parang nag-aaway. Sobrang selos na selos siya dahil kahit alam niyang si Rhea ang mali ay si Zaine parin ang sumusuyo dito. He really loves Rhea. And it hurts dahil alam niyang naglalaro nalang si Rhea. Dumating ang araw nang pagtatapos nila sa kolehiyo. Kahit gustuhin man niyang makasama ang dalawa sa pagcelebrate niya ay hindi pwede dahil busy ang mga ito. Months passed. "Were Engaged!" Tila bombang sumabok iyon sa mukha ni Sharey nang sabihin sakanya iyon nang kanyang matalik na kaibigan. Wala siyang maapuhap na salita mula sa kanyang bibig. Parang kahit anong oras ay pwede nang maglaglagan ang kanyang mga luha. Alam niyang hindi parin tumigil si Rhea sa mga panloloko nito kay Zaine kaya kelangan niyang makausap si Zaine. Hindi niya planong pigilin ang kasal pero gusto lang niyang tulungan ang binata para hindi matali sa isang magulong relasyon. Isang gabi ay sinundan niya si Zaine naabutan kasi niya ang dalawa na nagaaway na naman. "Sino yun?!tell me the truth Rhea! Damn it!" "I told you he's my friend!" Nagtago siya sa isang poste malapit sa dalawa. "Kaibigan? Kahalikan mo?! Kaibigan mo! Tang ina naman Rhea! Bakit mo ba ako ginaganito?! Bakit?!!" Hindi na niya nahintay na sumagot si Rhea at nakita niya ang papalayong sasakyan ni Zaine. Agad niya itong sinundan. Sa isang Club. Doon dinala ni Sharey ang kanyang sarili. Kitang kita niya kung paano lunurin nang binata sa alak ang kanyang sarili. It hurts seeing him like that. Wala na siyang pakialam kung matawag man siyang martir. All she wants to do is to be at Zaine's side. She wants to comfort him. Hugged him. Parang binibiyak ang kanyang puso nang makitang nagpahid ito nang luha. Dahan dahan siyang umupo sa tabi nito. Hindi siya nagsalita. Hindi siya umimik. Pinapakiramdaman niya ang binata. "Is she okay?" Ouch!! Sobrang sakit! Ito ang nasaktan pero si Rhea parin ang iniisip niya. Palalim nang palalim ang sugat nang lanyang puso. "She's fine. Just think about yourself. Umuwi kana" Tumawa ito nang mapakla. "Ikakasal na kami..Sharey.." Parang nagsitayuan ang lahat nang kanyang balahibo nang banggitin nang binata ang kanyang buong pangalan. Tumingin siya dito at nahuli niyang nakatitig ito sakanya. Kung sana siya nalanh ang minahal nito sana hindi siya ngayon nasasaktan nang ganito ngayon. "Don't leave me" Ang sarap sanang pakinggan iyon kung mahal siya nito. Pero hindi. Minsan pa niyang sinulyapan ang binata ay busy na itong walang humpay na inum. Inabot nang ilang oras ay anduon lang siya sa tabi nito habang umiinum. Walang imikan. Binantayan niya ito hanggang sa magsawa ito sa kakainum. Kahit sobrang bigat nang binata ay kinayanan parin niya itong maiuwi sa apartment nito. Halos abutin siya nang 2 oras sa pagalalay dito. Nang mailapag nito ang binata sa kanyang kama ay agad niya itong kinumutan. Pinakatitigan niya ang gwapo nitong mukha. Kahit lasing ito ay hindi iyon nakabawas sa kanyang itsura. Hinaplos niya ang kabilang pisngi nito. "Sana kung maysa lakas lamang ako nang loob nasabi ko din sayo kung ano talaga ang nararamdaman ko. Alam mo bang mahal kita nuon pa?" Napatawa siya nang pagak. Alam niyang hindi naman nito naririnig ang kanyang sinasabi. hinaplos pa niya minsan ang pisngi nito. Ito na siguro ang pinakahuling sandali na mahahawakan niya ito. "Mahal na mahal kita Zaine" umagos ang luha nito. Pinahid niya iyon. Its time to go. Tumayo siya sa gilid nang kama nito. Isang sulyap pa ang binigay niya rito tyaka nagsimulang lumakad pero biglang may pumigil sa kanyang pala pulsuhan at hinila siya nito kaya dumagan siya sa katawan nang binata. "Mahal din kita.." She is about to smile nang may karugtong pa iyon.. "Rhea.." Suddenly.. her heart stop on beating..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD