CHAPTER 2

1545 Words
PAKIRAMDAM niya parang sumabog sa kaloob looban niya ang kanyang puso at parang tumigil iyon sa pagtibok. Ngunit nagulantang ang kanyang katawan nang hilain siya nito palapit sakanya at walang sabi sabing inangkin ang kanyang mga labi. Sharey stop thinking rationale things. Hinayaan niya ang kanyang sarili na tangayin iyon ni Zaine. She likes the feeling the way he kissed and hugged her. Pumikit siya nang marahan at bigla niyang nakita ang mukha nang kanyang matalik na kaibigan.. Hindi tama. Hindi tama ang kanyang ginagawa. She is about to stop kissing him nang bigla biglang huminto ang binata at sinuksok nito ang kanyang mukha sa kanyang leeg. Niyakap siya nito nang mahigpit. Bigla siyang napabulong sa kanyang sarilin kahit ngayon lang sana. Kahit sa huling sandali man lang makasama niya ito bago siya umalis nang bansa. Nakapagdesisyon kasi siyang kumuha nang masteral sa US at aalis siya bago paman ikasal ang dalawa. Gumanti siya nang yakap dito. Mamayang madaling araw nalang siya uuwi. Hanggang sa hinila na siya nang antok. "MGA WALANG HIYA KAYO!" Halos mabingi si Sharey sa lakas nang boses na iyon. Bigla siyang napamulagat at nabungaran ang umiiyak na kaibigan. It's Rhea. At halos manginig ito sa galit habang nakatingin sakanya. Doon lang niya napansin na nasa apartment siya ni Zaine at magkatabi sila sa kama. "Anong ibig sabihin nito!" Biglang bumalikwas ang binata sa tabi niya at bumangon ito upang pakalmahin si Rhea. "Babe! It--its not what you think." Piniksi ni Rhea ang kamay nang binata na nakahawak sa magkabila niyang braso. Sunod sunod ang pagpatak nang luha niya sa kanyang pisngi. "Its not what I think?!!anong ibig sabihin nito? Naglaro lang kayo? Ganun?!!!bakit ka hubad? Bakit kayo hubad!" Doon niya nakita ang kanyang sarili. Wala siyang pang itaas na damit ang natira lang doon ay ang tube niya. Tinignan siya ni Rhea. Napakapit siya sa kumot na nakatakip sa kanyang katawan. "Hayop ka! Kaibigan pa naman kita pero ikaw pala tong ahas! Ahas ka! Ahas!!!" Bigla itong pinigilan ni Zaine na makalapit sakanya si Rhea. Susugurin talaga siya nito. Hindi niya mapigilang umiyak. "Rhea calm down! Pag-usapan natin ito!" "Pag-usapan!?!! Wala na tayong dapat pag-usapan! At ikaw!" Tinuro siya nito. "Alam kung plinano mong lahat ito! Para sirain kami ni Zaine!, bakit ang akala mo ba hindi ko alam na may pagtingin ka kay Zaine! Alam na alam ko Sharey!!!alam ko at hindi ako bulag! Mahal mo ang fiancee ko! Ngayon masaya kana?!" Ngumiwi siya sa kanyang kaibigan. "Hindi Rhea..hindi--" tumawa ito nang pagak "dont fool me Sharey! Lalong hindi ako pinanganak kahapon! I hate you! I hate you both!" Sinalampak nito sa kanyang dibdib ang singsing na binigay niya rito. Ito ang engagement ring nila. Kumuyom ang kamao ni Zaine nang lumabas nang kwarto ang kanyang kaibigan. Bigla niyang dinampot ang kanyang damit at sinuot iyon. "Im--im sorry" Pero matalim na tingin ang pinukol sakanya nang binata. Tingin na kulang nalang ay pwede na itong pumatay. Biglang nanginig ang kanyang katawan nang bigla siya nitong hilain sa braso. "Leave now!" Sinigawan siya nito. Natulos siya sa kanyang kinatatayuan. Kinasusuklaman siya nito. "Leave Sharey hanggat kaya ko pang pigilin ang galit ko! Leave now!" ISANG MALUTONG na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ni Sharey habang umaalalay naman sakanya ang kanyang ina. "Anong kagagahan ang ginawa mo?! Hindi kana nahiyang bahiran nang apelyido nang mga Dela Cruz?! Nasaan ang lalaking iyan nang makausap ko ang masinsinan?!" "Papa! Tama na. May mahal pong iba si Zaine! Hayaan niyo na po siya. Ako na pong bahala!" "Ikaw ang bahala?! Paano kung mabuntis ka? Huwag mong sabihing magiginh bastardo ang apo ko!" Ilang ulit na niyang pinaliwanag ang lahat pero ayaw nilang maniwala sakanya. "Papa! Wala pong nangyari sa amin!" Halos pasigaw na sabi niya. "Pananagutan nang anak ko ang inyong dalaga kumpare" Napatingin siya sa taong nagsalita at kitang kita niya kung gaano kadilim ang mukha ni Zaine sakanya habang nakatingin ito. Halos manliit siya sa kanyang sarili. Hindi na niya maintindihan lahat. "Pag-usapan na natin ito nang masinsinan kumpare." Wika nang ama ni Zaine. "Dapat lang kumpare. Kelangang makasal sila nang anak ko habang hindi pa lumolobo ang tiyan nito" What?! Ipapakasal sila? Hindi siya buntis gaya nang sinasabi nang kanyang aman at mas lalong walang nangyari sakanila ni Zaine. "Papa! Hindi ako buntis!" "Hindi ka buntis sa ngayon pero paano kung magbunga ang nangyari sa inyo?!" Galit na galit ang kanyang ama. "Ilang ulit ko po bang sasabihin sa inyo na wala pong nangyari sa--" "Pakakasalan ko po ang anak niyo" Hindi makapaniwala si Sharey sa lahat nangyayari. Alam niyang galit si Zaine sa kanya pero bakit pumayag itong pakasalan siya samantalang hindi naman siya ang tunay mahal nang binata. Iba ang kutob niya sa nangyayari. May kakaiba. Kelangan niyang makausap ang binata. Kaya nang matapos ang usapan nang kanilang pamilya ay naunang nagpaalam si Zaine sakanila dahil may mahalaga daw itong lakad. Kinuha niya ang pagkakataong iyon upang sundan sa labas ang binata. "Zaine sandali" Walang emosyong tumingin sakanya ang binata. Halos manlamig ang kanyang kamay dahil sa mga tingin nito sakanya. Alam niyang nasasaktan talags ito. Pati naman siya nasasaktan din. "Pwede ba kitang makausap?" Binawi nito ang kanyang tingin sakanya at tumuon iyon sa pagbubukas nang pintuan nang kotse "waka akong oras para diyan may pupuntahan pa ako" Parang binubugbog ang kanyang puso dahil sa pakikitungo nito sakanya. Hindi siya sanay na ganito sakanya ang binata. Sana hindi nalang nangyari lahat nang ito. Sana maganda parin ang samahan nila bilang isang magkaibigan. "Saglit lang sana" "Madaliin mo may pupuntahan ako" "Hindi mo kaylangang gawin ito. Wala kang pananagutan sakin" Ngumisi ito sakanya. "Alam ko namang ito ang gusto mong mangyari hindi ba?! Sige..ibibigay pero huwag kang magsaya. Dahil pinapangako kong hindi magiging madali ang pagpasok mo sa buhay ko!" Mahal na mahal niya ang binata. Pero kahit kelan ay hindi niya sinabi dito ang kanyang tunay na nararamdaman. Alam din niyang mahal na mahal ni Zaine ang kanyang kaibigan. Hanggang sa makaalis sa kanyang harapan si Zaine ay tuliro parin siya. Masakit palang iganito ka nang dati mong kaibigan. Zaine is her closest boy friend. Wala siyang naging kaibigang lalaki maliban sa binata. Kaya nanghihinayang siya dahil sa pagmamahal na naramdaman niya para dito ay ito ang sumira sa pagkakaibigang meron sila. Nabalitaan na lamang ni Sharey na bumalik na sa New York ang kanyang kaibigang si Rhea. Sa mismong araw nang kanilang kasal ni Zaine ay ang naging alis naman ni Rhea. Sobrang guilt ang naramdaman niya dahil hindi man lang sila nagkausap at nagkalinawan nang kanyang kaibigan bago ito umalis. Napatingin siya sa singsing na kanyang suot. Ngayon isa na siyang ganap na Mrs. Forbes. Iyon ang pinakahahangad niya noon. Ang mapansin, mahalin at makasal sa lalaking pinakamamahal niya ngunit ngayong natupad na iyon ay hindi naman siya masaya. Oo, masaya sana siya kung hindi sa paraang ganito. Nasasaktan parin siya dahil kahit anong gawin niya kahit asawa na niya ito pero hindi naman siya mahal. Ibang babae parin ang mahal ni Zaine. Mapait siyang napangiti. Hindi ganito ang pinangarap niya para sa kanilang dalawa nang binata. But! She deserve to suffer. Malaki ang kasalanan nito sa binata and she need to face it! "Papa! Tama na. Hindi ko po kayang gawin ang pinagagawa niyo sakin!" Isang sampal ang dumapo sa kabilang pisngi ni Sharey habang galit na galit ang kanyang ama habang kausap niya ito. Maaga itong nagpunta sa kanilang bahay nang kanyang asawa para lamang sa bagay na iyon. "Tonta! Huwag kang tanga! Pinakasalan ka niya kaya may karapatan kana sa kayamanan nang pamilya niya! Huwag mo akong ginagalit Sharey!" Lumuha siya. Hindi pala para sakanya ang iniisip nang kanyang ama kaya pinilit siyang makasal kay Zaine kundi ang yaman nang kanilang pamilya. Ayaw niyang gawin iyon pero wala siyang magawa. "Kung hindi susundin ang inuutos ko hinding hindi mo magugustuhan abg gagawin ko sa asawa mo!" "Papa huwag po! Huwag niyo siyang idamay! Huwag na huwag mo siyang kakantiin papa! Susundin ko ang gusto niyo kung yan ang gusto niyo." Napangiti nang nakakaloko ang kanyang ama. Walang ibang mahalaga sa kanyang ama kundi ang pera lamang. "Magaling anak! Huthutan mo siya nang madaming pera. Kung kinakailangang gamitin mo ang katawan mo para makakuha ka sa yaman niya gawin mo! Nalulugi na ang negosiyo natin madaliin mo Sharey!" Kahit ayaw niya unti unti siyang tumango sa kanyang ama. Napakahirap nang kanyang sitwasyon. At sobrang awang awa na siya kay Zaine. Nang makaalis ang ama niya biglang lumabas si Zaine sa pintuan. Madilim ang mukha nitong nakatingin sakanya. Sasalubungin sana niya ito ngunit kahit isang salita ay wala siyang narinig dito para siyang hangin nang daanan siya nito at nilagpasan. Halo-halong emosyon ang naramdaman niya. Hndi kaya't narinig ni Zaine ang usapan nilang mag ama kaya ganun na lamang ang galit na nakikita niya sa mga mata nito? Napapitlag siya nang bumukas ang pintuan nang kwarto nito at lumabas doon si Zaine bagong palit ito at sa porma niya ay malamang aalis na naman ito. "Saan ka pupunta?" Pero wala siyang nahintay na sagot mula dito. Parang wala itong narinig. Parang wala siyang nakita. Umalis ito nang hindi man lang ulit sila naguusap. Kelan ba siya huling kinausap nang kanyang asawa? Kelan nga ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD