CHAPTER 3

2707 Words
"NAGLALASING KANA NAMAN" Napangisi siya nang maulinigan ang kanyang kaibigan sa tabi nito. Binigay niya ang isang shoting glass at binuhos doon ang alak. Agad namang tumalima ang kanyang kaibigan at kinuha iyon para inumin. "Anong atin? Bakit ka napatawag?" "I need your help" Nirelax nito ang kanyang braso sa counter at malamlam ang mga matang tumingin sa kanyang kaibigan. "Kung kaylangan mo nang advice patungkol sa pag-ibig wala akong maipapayo sayo dahil puro kaso lamang ang hawak ko at hindi puso. Kung pag-ibig ang problema mo" tumingin ito sakanya "hindi ako ang kaylangan mong tawagan fuckers dapat si Adam" Zaine chuckled. Hinding hindi na siya magpapa advice pa nang dahil lamang patungkol sa pag-ibig. Damn love! f**k s**t! "Fucker! Tsk! Hindi patungkol sa pag-ibig" "What it is all about?" He cleared his throat bago nagsalita. "I need an annulment" Dahan dahang inilapag nang kanyang kaibigan ang shoting glass nito at hinarap siya. "Are you sure?" "Yes. Im really sure of it Montero" Vahrro Montero is well known Attorney. He is a good at any case. Mabilis magpanalo at pulido lahat nang evidence na hinaharap nito sa korte. Kaya mahirap itong kalabanin sa korte kapag siya ang makakalaban nang ibang panig inaayawan agad iyon nang mga ibang attorney's. At pagdating sa yaman he own's the largest Law Firm in Asia at kilala ito sa iba pang bansa. At pagdating sa koneksiyon he has the Largest and Widest connection not only in the Philippines but Worldwide. "Ok. Kelan mo kailangan?" "Asap Montero" Huminga ang kanyang kaibigan. "1 year is--" "One year is too long! I need it ASAP Montero. Hindi mo ba magagawan nang paraan? 3 months?" "6 months. 6 months ang pinakamabilis. Huwag ka nang tumawad fuckers! Annulment ang hinihingi mo and for the regularities it takes 10 years! So wether you like it or not still 6 months fucker!" Tinapik siya nito sa kanyang balikat. Tumango siya dito. 6 months! Six f*****g months ang aantayin niya para mapawalang bisa ang kasal nila ni Sharey. Biglang bumangon ang galit sa kanyang puso. Lalo na nang paulit ulit na sumasagi sa kanyang isip ang sulat sakanya ni Rhea. Kilala niya si Sharey kahit sa ganito sila humantong ay alam niyang baka nagkamali lamang si Rhea sa mga sinabi nito sakanya. "Plinanong lahat ni Sharey ang pagpapakilala sakin sayo. Dahil gusto niya lahat pulido! Plano naming mahulog ka sakin pero Zaine nahulog ako sayo. Mahal na kita. kaya ayoko nang ituloy. Kaya nung sinabi kong ayoko na sakanya binayaran niya ang ilang lalaki para sirain ang relasyon natin. At isa yun sa mga nakita mong humalik sakin. Maniwala ka sakin Zaine kayamanan mo lang ang habol ni Sharey sayo. May lihim siyang pagmamahal sayo pero hindi iyon tunay! Pagmamahal sa pera mo iyon lamang. Mag-ingat ka sa babaeng iyan Zaine huwag kang magpapadala sa pinapakita niyang kabaitan dahil Ahas yan! Mahal na mahal kita Zaine pero wala akong lakas para pigilan ang kasal niyo. Aantayin kita Zaine. Antayin mo din sana ako. Mahal kita! Magkikita ulit tayo. Pangako" Bigla niyang sinuntok ang mesa na ikinagulat nang kanyang kaibigan. "Chill fucker! Tara umuwi na lang tayo" "No Vahrro. Hindi pa ako uuwi" "Then if you dont want to go home be calm" Nagpupuyos sa galit ang kanyang puso lalo at naalala niya ang paguusap nang mag-ama. Papasok na siya sa bahay nila nang marinig niyang nag-uusap si Sharey at ang ama nito. Lahat narinig niya. At malinaw iyon sa kanyang memorya. Tama nga si Rhea. Pera lang niya ang habol nang pamilya ni Sharey at maging ito. Bakit kelangang humantong sa ganito ang magandang samahan nila nuon? Naalala pa niya kung gaano sila ka close nito nuon. Lahat nang problema nila ay alam nang isat isa. He used to protect the girl who own's his heart. It was her. It was her back then. Pero nang makilala niya si Rhea naramdaman nito ang tunay na pagmamahal nito sakanya at sa sobrang sakit na malamang ang babaeng una niyang minahal ay may mahal naman nang iba. He's late! Paano pa niya masasabi dito na mahal niya ito? Yung araw araw na makikita niyang magkasama ang dalawa ay parang pinapatay siya nang paulit ulit. Kaya pinilit niyang ibaling sa iba ang puso niya and he choose Rhea. Nahulog siya dito hanggang sa lumalim ito nang lumalim at parang hindi na niya kayang umahon pa. Kaya nang grumaduate sila hindi nagtagal ay nagpropose ito sa dalaga masayang masaya siya na sa kaunting sandali ay ikakasal na siya sa taong pinakamamahal niya but then again..parang gumunaw ang mundo niya nanb umurong si Rhea sa kasal dahil sa isang pangyayari. Pangyayaring bumago sa samahan nila ni Sharey. Pinikot siya nito. At dahil lasing siya hindi niya matandaan lahat pero isa lang ang sigurado siya. Sinamantala ni Sharey ang kalasingan niya at pinikot siya nito. Gusto niya itong sumbatan. Sigawan. Saktan physically pero hindi niya magawa. Kaya nakaisip siya nang magandang paraan para makabawi sa sakit na pinaranas nito sakanya. Ngayong alam niyang mahal siya ni Sharey he will gonna broke her heart into pieces. Gaya nang pinaranas nito sakanya. Just wait and see! ILANG LINGGO nang hindi umuwi si Zaine sa bahay nila at alalang alala na din siya sa kaniyang asawa. Hindi noya ito makontak dahil nakapatay ang cellphone nito. Naisipan niyang puntahan sa apartment nito. Mataman siyang nakatingin sa pintuan nang apartment nito at dahan dahang binuksan iyon. Nanuot sa kanyang ilong ang amoy alak kumalat sa buong unit nito. "Zaine?.." Tinignan niya ito sa kusina pero wala ito. "Zaine?" Paulit ulit niyang tinawag ang pangalan nang lanyang asawa hanggang sa mapadako siya sa kwarto nito. Hindi alam ni Sharey kung tama ba ang gagawin niyang ito. Nanginig ang kanyang kamay habang tinutulak pabukas ang pintuan at gayon na lamang ang kanyang panlulumo nang makitang nakahiga ang kanyang asawa sa kama at kasama nito ang isang babae. Mahigpit na nakayakap sila sa isat isa. Hindi namalayan ni Sharey ang paglaglag nang kanyang mga luha. Napatakip siya sa kanyang bibig upang hindi lumabas ang tinig nang kanyang pagiyak pero bigo siya, pumiyok siya dahilan para magising ang dalawang taong nakahiga doon. Gulat na gulat ang babaeng kasama nito nang makita siya. Pero walang reaksiyon si Zaine. "Who are you?! Who is she Babe?" Hinintay niya ang sagot ni Zaine "taga linis dito. Matulog muna tayo." Aya niya sa babae habang yakap yakap ito. "Bumalik ka nalang mamaya para maglinis. Umalis kana nakakaistorbo ka samin" Inilang hakbang lang ni Sharey ang paglabas nito sa apartment ni Zaine. Walang paglagyan ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Kahit ilang ulit pa siyang magbago para sa lalaking minamahal ay wala parin iyong silbi. Kinalma niya ang kanyang sarili. Kung ito man ang kabayaran sa lahat nang nangyaring hindi maganda sa pagitan nila ni Zaine ay malugod niyang tatanggapin. Handa siyang harapin ang ipapataw nitong parusa sa kasalanang sinasabi nito. She will be strong cause she needs to endure the pain. Nang makauwi ito sa kanilang bahay ay nadatnan niya ang kanyang ina na naghihitay sa sala. Agad niyang nilagay ang maskarang palagi niyang suot para sa kanyang ina. Ngumiti siya dito nang napakatamis. "Ma napadalaw po kayo?" Humalik ito sa pisngi nang kanyang ina. "Kumusta kayo ni Zaine? Wala pa ba siya?" Napakagat labi siya. "Ahm..baka mamaya pa po iyon uuwi" she lied again..again and again. Dahil ang totoo hindi naman na umuuwi ang kanyang asawa at nahuli niya kani kanina lang na may kasama itong babae sa pad niya. "Anak.." napangiti siya sa kanyang ina. Hinawakan nito ang kanyang palad. "Huwag mong itago sakin ang sakit na nararamdaman mo. Alam ko ang lahat. Alam kong hindi kayo ok ng asawa mo at lalong alam ko na hindi na umuuwi dito si Zaine" "Ma.." bigla siyang umiyak at niyakap naman siya nang kanyang ina. "Ma..bakit po ba kelangan kong masaktan nang ganito? Ganito po ba talaga ang kapalaran ko?" "Tahan na Sharey. Tahan na anak ko. Pagpasensiyahan mo na ang iyong ama. Kung sana kay pwede akong gawin para hindi ka naghihirap nang ganito. Kung sana..kung san.." "kakayanin ko ma. Kakayanin ko. Salamat at palagi kayong nandiyan para sakin." Mahigpit siyang niyakap nang kanyang ina. "I will always here for you anak. Mahal na mahal kita. Mag-iingat ka palagi kapag hindi muna kaya anak mas makabubuti sayong tumigil na" "Mahal ko si Zaine ma. Mahal ko po ang asawa ko" DUMAAN PA ANG LINGGO. BUWAN. Madalang lang umuwi ang kanyang asawa sa kanilang bahay. Minsan na natiyempuhan niya ito sa sala ay buong lakas niya itong kinausap. "Zaine palagi kanalang bang wala dito sa bahay? Palaging nagtatanong si Mama kung nasaan ka daw" Napangisi itong tumingin sakanya. "So?! Anong pakialam ko?" Nanlaki ang kanyang mga mata sa sagot nito. Alam niyang iyon ang isasagot nito pero nabigla parin siya. Masakit parin talaga kapag mismong sa bibig nito nanggaling. "Gusto mong dito ako sa bahay?" Parang nabuhayan siya sa tanong nang kanyang asawa. Tumango siya. Maigi na iyon para naman kapag dumadalaw ang kanyang ina ay makita din naman nito si Zaine. "Fine. That's what you want? I will" Pero ramdam ni Sharey na kakaiba ang ngisi nito sa mukha. Sana. Sana hindi nito gawin ang iniisip niya. Sa sumunod na araw na umuwi siya galing sa kanilang kompanya ay nadatnan niyang andoon ang kotse nang kanyang asawa. Napangiti siya. Andito nga si Zaine. Hindi nga ito umalis. Masaya siya kahit papano na madatnan ang kanyang asawa. Pagpasok nito sa loob tahimik iyon. Pero pag-akyat niya sa hagdan parang may naririnig siyang ingay na nagmumula sa kwarto ni Zaine. Habang papalapit siya nang papalapit bigla siyang nanginig. Iba ang ingay na iyon parang ungol. Parang sasabog ang kanyang dibdib sa lakas nang t***k nang kanyang puso. Nakaawang ang pintuan nang kwarto ni Zaine at mula sa kanyang kinatatayuan ay rinig niya ang pinaghalong ungol nang kanyang asawa at ang babae nito sa kwarto. God! Nagdala nang babae ang kanyang asawa sa pamamahay nila. Tinatagan niya ang kanyang sarili. Pabalibag niyang tinulak ang pintuan at walang sabi sabinh pumasok doon. Masakit makita ang kanilang posisyon at kung anong ginagawa nila. Hindi na niya iyon inintindi at bigla niyang hinaklit ang buhok nang babaeng katalik nang kanyang asawa at hinila iyon. "Malandi ka!" Sinabunutan niya ito hanggang sa kanyang makakaya. Kinalmot niya ang katawan nitong hubad. Wala na siyang pakialam kung pati siya ay nakalmot na din nang babae. "Let go of me! b***h!" Pero isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha at sa lakas nun para siyang mahihilo. Dahil sa lakas nang impact sa kanyang mukha napabitiw siya sa babae at sumadsad ang katawan nito sa gilid nang kama. Nang mag-angat siya nang mukha habang sapo sapo anb kanyang mukha nakita niya kung gaano katalim ang mata ni Zaine na nakatuon sakanya. Sinampal siya nito. Balewala ang sakit nang sampal nito dahil mas malakas ang sakit na nararamdaman nang kanyang puso. "How dare you to enter my room! b***h! Get out! Until I control myself! Get out! Damn you!" Ang bawat salitang binitawan nito ay unti unting pumapatay sa kanyang puso. Dali dali siyang umalis sa kwarto nito at mabilis na pumasok sa sarili niyang kwarto. Doon ay binuhos niya ang lahat nang sakit na nararamdaman niya.for her To love is easy but to be loved back is not. Halos linggo linggong ibat ibang babae ang inuuwi nang kanyang asawa sa kanilang bahay. Buti sana kung ganun lang pero masakit marinig ang ginagawa nang mga ito sa loob nang kwarto. Dinig na dinig niya. Hanggang kaylan niya titiisin ang sakit para lamang sa pagmamahal niya dito?. Umabot na din sa puntong parang nasasanay na siyang naguuwi ito nang babae pero kapag hindi umuwi si Zaine ay hinahanap niya ito. Hinahabol niya ito. Dahil mahal niya ito. Husgahan man siya nang karamihan pero hindi niya iiwan si Zaine. Ngayon pang kasal sila at asawa na niya ito. Gagawin niya lahat mahalin lang siya nito. "Pirmahan mo iyan" Napatigil siya sa pagkain nang pabalibag na nilapag ni Zaine ang isang folder sa kanyang harapan. Binuklat niya iyon. Kunot noo siyang tumingin sa kanyang asawa. "Im sorry..pero hindi ako papayag" itinabi niya ang papeles at tinuloy ang pagkain. "Damn it!" Halos tumilapon ang kanyang kinakain dahil sa malakas na pagtampal ni Zaine sa mesang kinakainan niya. "Sign it! To tell you woman alam na ito nang iyong ama at pumayag na siya" nanlaki ang kanyang mga mata. Totoo? Pumayag ang kanyang ama? Pero bakit? "Shocked?! Well bayad na ako sa ama mo. Binigyan ko na siya nang limang bilyong kapalit nang pagpayag niyang ma-annulled tayo. Now sign it" Limang bilyon? Malaking halaga iyon! "Bakit mo siya binigyan?" Napatayo siya sa kanyang kinauupuan. Napangisi ito sakanya. "Hindi ba iyon naman ang habol niyo sakin?sa pamilya ko? Pera?!" "Hindi totoo yan!" "Then convinced yourself for that woman! Sign it!" Parang kating kati na itong makawala sa kanya. "Bigyan mo ako nang sapat na dahilan kung bakit ko pipirmahan ito." Hamon niya sa kanyang asawa. Sumeryoso ang mukha nito at tumitig sakanya. "Gusto mong sagutin ko talaga yang tanong mo?" Tumango siya dito. "Una sa lahat dahil nabayaran ko na ang ama mon dahil nabigay ko na ang gusto niyp. Ang PERA!" He emphasize the word money! "Pangalawa napilitan lang akonh pakasalan ka. You are my un-wanted wife!" Parang may pumiga sa kanyang puso sa tinuran nito. Unwanted wife! Reality. "Hindi kita mahal. Kapag nakikita kita naaalala ko ang lahat nang masasakit na sandali nang buhay ko! I can't even bear to see you. I cant breath everytime you near me! It hurt so much to see you around. I hate you!" Hinila siya nito sa braso at parang bumabaon doon ang mga daliri nito. Masakit pero tiniis niya. Pero walang mas sasakit sa nararamdaman niya kundi ang salitang kinamumuhian siya nito. "I hate you so much for doing this to me! For ruining my life and makes me miserable! You cant bring back the past! You cant fixed it! So now! Sign it! Because I cant wait to cut the connections between us! Let me go. Let me feel the happiness that you take away from me. Just let me go" Hindi mawari ni Sharey ang sakit na kanyang nararamdaman parang biglang namatau ang kanyang puso. Ganito siya kinamumuhian nang mahal niya na halos isumpa siya nito dahil sa lahat nang nangyari sakanila. Wala sa sariling pinirmahan niya ang papeles at ibigay iyon kay Zaine. "Last question.." Tinignan siya nito "wala ka bang naramdaman kahit na kaunting pagmamahal sakin?" Tumutulo ang kanyang luha sa kanyang pisngi. Nakita niya kung paano ito napalunok at kung paano ito humugot nang malalim na hininga. "Wala." Napatingin ito sa kawalan. "Hindi kita minahal. Hindi kita mahal. Hindi kita kayang mahalin. At hindi kita mamahalin" Napatango siya dito. Marahil ito na ang hinihintay niyang marinig para matauhan siya sa kanyang kahibangan. Mula sa taong mahal niya masakit man marinig ang katotohanan ay para namang nabunutan siya nang tinik sa dibdib dahil sa wakas ay makakalaya na din siya sa mundong kanyang pinagkukublian. "Its time to say goodbye. And hopefully hindi na maglandas ang ating mga buhay sa hinaharap. Goodbye Sharey" Bigla itong napatigil sa pintuan. Humarap ito sakanya. "Siguro naman bayad na ako sa gabing iyon. Sa gabing hindi ko naramdaman ang presensiya mo." "Walang nangyari sa atin" Bakas sa mukha nito ang pagkabigla dahil sa kanyang sinabi. That's the truth! Wala talagang nangyari sakanila. Hubad si Zaine nun dahil nasukaan nito ang kanyang damit maging ang damit niya. Pero kahit minsan ay hindi ito naniwala sakanya. "You can't fool me. Im not born yesterday" Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa maglaho sa kanyang harapan ang lalaking minamahal. Kahit sa huling sandali ay hindi ito naniwala sakanya. Sana makatagpo ito babaeng nararapat para dito. Babaeng kaya pang higitan ang kanyang pagmamahal para dito. At si Zaine ay mananatili sa kanyang puso magpakailanman. Now! She let go the man who almost killed her heart. The man who drained her whole system. But the man whom she want to be for the rest of her life. But that's life. Wala man natira sakanya sa pag-alis nito sa kanyang buhay ay pipilitin niyang magsimula ulit para naman sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD