"YOU DID WHAT?!" Lalong tumalim ang tingin ni Hugh sa pinsang si Zeph dahil sa reaksyon nito sa kuwento niya Naroon siya para bisitahin ito sa clinic nito sa main building ng SVMC. Orthopedist ito at pinatingnan niya rito ang balakang niyang nananakit pa rin dahil sa pagkahulog sa bangko sa pag-iwas kay Becky kagabi. At ang mapang-asar na pinsan niya, sinabihan niya nang huwag tumawa pero pinagtitrip-an pa siya! "Nothing's funny," iritadong wika niya. "Yeah. And I'm not laughing!" pagsisinungaling nito. Itinikom nito ang mga labi nito pero pigil na pigil pa rin ang pagtawa. May kaaaliwan sa mga mata nito at mukhang malapit na itong lumuha dahil katawa-tawa talaga para rito ang ikinuwento niya. Pinandidilatan niya lang talaga ito kaya walang tunog ang tawa nito. It was reall

