NANG ARAW na ng kasal ni Celine ay maaga siyang sinundo ni Hugh sa bahay dahil may pupuntahan daw sila bago sila dumalo sa kasal mamayang hapon. Akala naman ni Becky ay kakain lang sila pero laking gulat niya nang huminto siya sa isang mamahaling boutique sa loob ng isang mamahalin ring mall. Pagpasok pa lang nila ay sumalubong na sa kanya ang mga designer bags, sapatos at magagarang mga damit. Sa buong buhay ni Becky ay hindi pa siya nakakita nang ganoon ka-garang mga bagay. Ni sa panaginip siguro ay hindi siya makakahawak ng ganoon. Maya-maya ay may sumalubong sa kanilang staff. "Hi, Good Morning, Sir. I'm Jessa, how may I help you?" tanong ng binabaeng mukhang manager ng boutique. "Hello," nakangiting bati naman ni Hugh. "I'm looking for a dress that would be as beautifu

