Sa isang malapit na restaurant lang kami ni Kingsley pumunta. Wala akong nagawa nang pati ako ay inorderan niya ng pagkain. Kahit anong tanggi ko ay pinipilit pa rin niya kaya pumayag na lang din ako. "I have a business meeting tomorrow with a foreign investor. Gusto ko ikaw ang sumundo sa kanya bukas sa airport." Napaangat ako ng tingin mula sa pagkakayuko dahil sa sinabi niya. "A-Ako po sir?" Naniniguradong tanong ko. "Sigurado ho kayo?" Bago pa lang ako sa trabaho pero iyon na agad ang ipapagawa niya sa akin. "Yes, I am. You just need to fetch him at the airport. Thats all. Ako sana ang susundo but I have an urgent meeting tomorrow with the board kaya ikaw na lang ang uutusan ko. Donna will be with me. Siya sana ang susundo but she's pregnant." "P-Pero sir, investor ho iyon. B

