Maaga ulit akong nagising katulad kahapon. Kailangan ko kasing agahan dahil pupunta pa ako ng airport upang sunduin ang foreign investor na kameeting ni Kingsley ngayong araw. Habang nagluluto ay inihahanda ko na ang sarili kung paano haharapin ang taong iyon mamaya. Nag-iisip ako ng mga tamang pamamaraan ng pagbati upang hindi ako mapahiya at baka mapagalitan ako ni Kingsley pagnagkataon. Tungkol naman sa unang araw ko sa training kahapon, ang dami na agad nangyari lalo na noong hapong kinausap ako ni Kingsley. Hanggang ngayon ay kabisado ko pa rin kung paano niya ako pagkatitigan. Halos matunaw ako sa klase ng titig niya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin kaya kahit nakakabastos ay nagpaalam ako at mabilis na lumabas sa kanyang opisina. Hindi ko nakayanan ang sitwasyong iyon. "Good m

