Parang wala akong ulong umuupo sa harap ng dalawang lalaking pinagsasaluhan ang baon ko ngayon. Dagdagan pa na maraming empleyado ang nakatingin sa amin na kumakain din dito sa loob ng cafeteria. Bakas sa mukha nila ang pagtataka at gulat. Base sa kanilang mga ekspresyon ay parang ngayon lang nila nakitang kumain dito si Kingsley at may kasama pa itong isang investor. Nagtataka rin sila sapagkat isang baunan na may lamang ulam lang ang kinakain ng mga ito. Mula sa kinauupuan ko'y rinig ko ang mga mahihinang bulungan ng ilan sa kanila. Ang iba'y kung makatingin sa akin ay parang may ginawa akong kasalanan. Hindi ako mangmang para hindi malaman ang ipinapahiwatig ng mga tingin nila. Kung alam lang nila kung ano ang nararamdaman ko ngayon habang kaharap ang dalawang lalaking ito. Sana bum

