"Naku Devin, pasensya ka na at mahina ang bentahan natin ngayon. Kunti na lang kasi ang nasusupply sa atin dahil sa sunod-sunod na pagbagyo." Ani ate Joy nang problemadong tinitingnan ko ang sales ng shop dito sa counter. "Okay lang 'yon ate Joy, ganoon talaga. Wala tayong magagawa. Makakabawi rin tayo." Nitong nakaraang linggo kasi ay medyo humihina na ang kita ng flower shop namin. Dahil nga sa sunod-sunod na bagyo, naapektuhan ang supply ng mga bulaklak. Sayang at malapit na ang undas. Hindi mapupunan ang maraming demands kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon. Sayang din ang malaking kita. "Lumalaki na rin ang gastusin natin sa shop." "Kaya nga ate eh." Nasabi ko na lang. "Pakibantay na lang po muna sandali nitong mga bata ate lalo na si Duke may sinat po kasi siya eh, magdedep

