Dumating ang araw ng kaarawan ni Glenn at tulad nga ng ipinangako ko ay dumalo kami sa party niya na ngayon ay malapit nang mag-umpisa.
Actually kaninang umaga pa kami nandito dahil tumulong pa ako sa pag-aayos ng venue para sa party. Ito na lang kasi ang maitutulong ko at para kahit papaano ay makabawi ako sa lahat ng kabaitan niya sa amin. Ayaw nga niyang patulungin ako subalit pinilit ko siya. Maaga niya kaming pinapunta rito at nakakahiya naman kung hindi ako tutulong.
Kasama niya ngayon ang dalawang bata kaya wala akong dapat ipag-alala sa kaligtasan ng mga ito. Ang ipinag-aalala ko lang ay ang mga ikinatatakot kong posibilidad na maaring mangyari dahil nandito sila sa resort.
What if naipakilala na pala ni Glenn ang dalawang bata sa mga magulang niya. Iyon ang mas ikinatatakot ko. Baka hindi sila maniwala sa sasabihin kong nagkataon lang na kamukha ni Kingsley ang mga bata. Sa dami ng pera nila, kaya nilang magpaimbestiga. But that if they are interested.
Siguro naman hindi nila gagawin 'yon. Kaya dapat kailangan nandiyan ako kapag ipapakilala na kami ni Glenn sa mga magulang niya. Pero ang sabi naman ni Glenn ay pauwi pa lang ang mga ito galing sa Cebu. Eh paano pala kung nakarating na ang mga ito? Napahinga ako ng malalim. I don't know what to do anymore.
"Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" Napapitlag ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Katleen. Kasalukuyang nag-aayos ako ng mga bulaklak para sa buffet.
"Malapit na akong matapos Ms Katleen." Sagot ko at ipinagpatuloy na ang pag-aayos.
"Pakibilis-bilisan na lang Devin. Baka mag-alburoto na naman ang baklang 'yon kapag naabutan niyang hindi pa tayo tapos."
Tumango na lang ako bilang tugon sa kanya. They really hate each other that much. Para silang aso't pusa.
"Iche-check ko muna ang catering. Maiwan na muna kita rito." Muli akong tumango. Tumalikod na siya at umalis.
I heave a deep sigh and continue working. Sa ilang minuto ay natapos na rin ako. Ito na lang din ang natitirang gagawin dahil tapos na rin ang lahat. In four hours span, the party will start.
Ayaw nga sana ni Glenn ang ganitong party but her mom insisted kaya wala siyang nagawa. He told me that he hate formality. Pakiramdam kasi niya nasusuffocate siya. Gusto niya lang ng maliit na celebration. Kaya hiniling niya na lang dito na gawing simple ang party at pumayag naman daw ito. Pero sa nakikita ko sa venue, hindi iyon simple. Kunsabagay, mayaman sila kaya simple lang ang ganooon para sa kanila.
Dahil wala na akong gagawin ay nagdesisyon akong bumalik sa kwarto namin.
Ito pa ang isang ikinahihiya ko kay Glenn, sa tuwing nandirito kami ay binibigyan niya kami ng kwarto ng libre.
"Hey, Mr Callente!"
Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin. Napagsino ko ito kahit hindi ko pa nalilingon. That voice and that familiar scent. Sa kanya lang ang natatanging amoy na iyon.
Gusto ko sanang ituloy ang paglalakad at magkunwaring walang narinig subalit mapaghahalataan ako dahil napatigil na ako. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang lingunin siya na sobrang ikinagulat ko dahil nasa likod ko na pala siya.
Napalunok pa ako nang dahil sa outfit niya. Nakaputing sando siya na fit na fit sa kanya kaya bakat ang malalaki niyang dibdib kahit ang nakaumbok na mga abs sa tiyan. Hindi ko ring maiwasang pasadahan ng tingin ang malalaking braso niya. Kapares ng suot niyang sando ay board short naman ang sa pang-ibaba niya na kulay dilaw. Kahit simple lang ang oufit niya hindi pa rin maikakaila kung sino siya. Siguro kahit basahan lang ang isusuot niya, elegante pa rin siyang tignan.
"Hey! Are you okay?"
Nabalik naman ako sa sarili nang muli siyang nagsalita. "I-Ikaw pala Sir. Magandang tangahali po!" I'm stuttering. Gosh Devin!
Mapaghahalataan ka niyan! Baka isipan pa niyang may gusto ka sa kanya.
"Kanina ka pa ba rito? Where are the twins?" Tanong niya at nilibot ang paligid. Mukhang hinahanap niya ang dalawa.
"Oo sir, kaninang umaga pa kami rito. Hindi ko kasama ang kambal. Na kay Glenn sila ngayon. Tumulong kasi ako sa pag-aayos ng venue." Sagot ko rito.
"Is that so. Mhhh..." tumingin si Kingsley sa wristwatch niya, "Meron ka bang gagawin?"
"Wala naman ho sir." Sagot ko na ikinangiti niya.
"Did you take your lunch?" Muli niyang tanong.
"Hindi pa sir. Kakain na rin ako maya-maya."
"Thats good. I'm going to have my lunch right now and I'm all alone. Can you join me? If that is okay with you tutal hindi ka pa naman nagla-lunch tulad ng sabi mo."
A–Ano raw? Sasamahan ko siyang maglunch? Tama ba ang narinig ko? Isang Kingsley Alegre ang nag-aaya sa akin.
"Ah eh..." Wala akong mahanap na sagot dahil hindi ko rin alam kung papayag ako. Totoo ba talagang inaaya niya ako?
"Can you accompany me?" Muli niyang tanong.
Tumango ako, "s–sige po Sir." Sino ba naman ako para tumanggi? Baka isipin niyang napakachoosy ko. Isang katulad na nga niya ang nag-aya sa akin tapos tatanggi pa ako. Pero kahit naman sino maari niyang ayain. How about his girls? I'm sure willing ang mga ito na sabayan siyang magtanghalian. Bakit ako pa?
Napailing na lang ako sa aking isipan. Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Baka natiyempuhan lang na wala siyang kasama at ako ang nakita niya. Hindi naman siguro ako personal na yayain ni Kingsley para lang maglunch kasama niya di ba?
Ikaw naman kasi Devin kung anu-ano 'yang pinag-iisip mo? Get a grip of yourself!
Minsan nakakalimutan ko na ang galit sa kanya sa tuwing kausap ko siya. Hindi ako magsisinungaling na hindi ako attracted sa kanya. Hindi naman siguro ako makakaramdam ng ganito kung hindi ako attracted sa kanya. Kahit sino naman ay magka-crush agad sa kanya dahil na rin sa itsura niya at sa tindig niya.
Okay lang na magkagusto ako sa kanya dahil alam kong na-appreciate ko lang ang physical appearance niya pero hanggang doon lang 'yon. Ayaw ko na umabot pa sa punto na higit pa roon ang mararamdaman ko. Nakakapangamba. Nakakatakot. Too dangerous.
Imposibleng maramdaman ko iyon sa kanya dahil natatabunan ng galit ang puso ko para sa kanya. Paano ko mamahalin ang isang taong naging dahilan ng paghihinagpis at paghihirap ko.
Pero teka lang, bakit ganito ang pinag-iisip ko? Ano ba 'to?!
I immediately erase those thoughts dahil baka kung anu-ano pa ng papasok sa utak ko. Ewan ko ba pero para na akong praning dahil sa mga pinag-iisip ko.
"You always been like that."
"Huh?"
"Spacing out."
Napatungo na lang ako at humingi ng paumanhin na muling ikinatawa ni Kingsley. Napakasexy ng boses niya habang tumatawa. Wala na ata akong makikitang panget sa kanya.
"I think I'm famishing. We better go now. Lets go."
"Ahm sir, pwede po munang magpalit ako ng damit. Nakakahiya po 'tong suot ko eh?"
"No need to change Mr. Callente. Okay na 'yang suot mo. You look good on it. And you smells good also."
Dahil sa sinabi niya ay muli akong natigilan. Mabango ba talaga ako para sa kanya? Eh mumurahing cologne lang naman ang ginagamit ko.
Hays, sana lang talaga makakain ako ng maayos mamaya. Good luck Devin.
***
Nakakaintimidate ang titig ng mga taong naririto sa loob ng restaurant lalo na ang mga babae. Nagtataka sila base sa klase ng kanilang tingin. Sigurado akong kilala siya ng mga ito. Of course! Siya ang may-ari ng resort at sikat pa kahit hindi siya isang artista.
Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng pagkailang at pagkahiya. Its not a good thing na nandito ako sa ganitong klaseng restaurant kasama ang isang Kingsley Alegre. Okay pa sana kung si Glenn lang dahil kahit papano ay kumportable akong kasama ito. Hindi ko tuloy alam kung makakapagsalita at makakain ako nito ng maayos.
Agad kaming nilapitan ng waiter pagkaupo namin. Nagulat pa ito nang makita si Kingsley. Agad itong nagbigay galang sa kanya.
"Ano pong order natin mga sir?" Pagkuway tanong nito.
Si Kingsley ang unang nag-order. Hindi ko maiwasang hindi purihin ang pagkakabigkas niya ng mga pangalan ng pagkain.
Rough but sexy.
Teka, anong sabi ko?
Gusto kong sampalin ang sarili ko. Palagi na lang akong may nasasabing maganda sa lahat ng sinasabi at ginagawa niya.
Hindi ko pa nararamdaman ang ganito kaya aware ako kung ano ito. Natatakot ako. Hindi malayong magustuhan ko si Kingsley na sa tingin ko ay nararamdaman ko na. I'm not naive with this kind of feeling. Alam kong mali at walang patutunguhan ang umuusbong na pakiramdam na 'to. Sana hanggang dito lang ito. Sana manaig pa rin sa puso ko ang galit para sa kanya.
"Hey, you're spacing out again. The waiter is asking your order." Nabalik naman ako sa aking sarili nang magsalita si Kingsley. Napatawa pa siya habang nakangiti lang ang waiter.
Gaano ba ako nawala sa sarili kung bakit hindi ko narinig ang sinasabi nito?
Kinuha ko ang menu book at naghanap ng oorderin. Siguro afford ko naman ang mga pagkain dito. Pero halos lumuwa ang mata ko nang makita ang halaga ng bawat pagkain. My gosh! Ilang meal na namin ang isang order ng mga ito.
"Don't worry Mr Callente, I will pay for it. Go choose your order." Muling nagsalita si Kingsley. Marahil napansin niya ang naging reaksyon ko sa mga pagkain.
Tumango na lang ako bilang tugon. Nakakahiya. Hindi ka talaga bagay sa ganitong klaseng lugar Devin.
Kahit nahihiya, ay sinabi ko na rin ang order ko. Iyong pinakamura lang ang pinili ko. Utal-utal ko pang binibigkas ito sa waiter.
Sinabing muli ng waiter ang in-order namin bago ito nagpaalam na umalis. Agad naman akong tumingin sa ibang direksyon ng kaming dalawa na lang muli ang magkaharap.
This is really going to be awkward for me. Hindi pa ako sanay na nakakaharap siya ng ganito. Kahit pa noong sila pa ni Devon. Never kong naramdaman na naging kumportable ako sa kanya kahit pa sobrang inis na inis ako sa kanya. Marami pa akong nasasabing hindi maganda pero kapag kausap ko na, nawawala lahat at alam kong dahil iyon sa physical appearance niya at estado ng buhay.
Hindi ko kailangang magdeny dahil totoo naman 'yon. That is reality.
Magsinungaling man tayo o hindi, mabilis tayong nagkakagusto sa mga taong magaganda at gwapo lalo pa't mayaman. It's unfair na kahit anong gawin natin ay nasa kanila talaga ang simpatya ng mga tao. Hindi sa pagiging mean pero marurupok kasi tayong mga tao. We are easy to deceive kasi ang bilis nating maniwala dahil lang sa nakikita natin sa una. We don't perceived whats behind it. We should always put in our mind that everything is not what it seems. Na dapat alamin muna ang totoo.
Hays, ito na naman ako sa mga self thoughts ko. Ewan ko nga kung magkakakonektado ang lahat ngga iniisip ko.
"So, hows your day? Nabanggit mo na kaninang umaga ka pa rito, right? And why you're not with Glenn and your sons?" Pagkuway tanong niya.
Sandali ko siyang tiningnan at tumungo. "Okay naman sir. Tumulong kasi ako sa pag-ayos ng venue para sa party mamaya ni Glenn, kaya hindi ko sila kasama ngayon."
"Is that how you answer when someone's asking you?"
Inulit ko ang ginawa ko kanina. Sandali siyang tiningan at tumungo bago sumagot. "H-Ho?"
"That. You are looking down everytime you answer. You don't know you're being rude by doing that?"
Dahil sa sinabi niya ay agad ko siyang tiningnan. "Pasensya na sir." Muli akong napatungo pero agad kong ibinalik ang tingin sa kanya.
He just chuckled. Palagi na lang siyang ganyan kapag nakikita niya ang mga ganitong reaksyon ko.
I don't know how long I could stand in this kind of situation lalo na't ang makikipagtitigan sa kanya.
"Glenn told me you're still studying. He also told me that you are doing your thesis. Tapos mo na ba ito?"
Wow! I can't imagine he's asking such things like these. Siya ba talaga si Kingsley Alegre?
"You are managing the flowershop while you're studying and parenting a twin alone? H-How were you able to do that?" Curiousness is visible on his face right now.
Talaga bang interesado siya sa buhay ko or I'm just overreacting?
Ito talaga ang hindi ko gusto sa sarili ko, concluding things kaya minsan para na akong praning.
"Wala na kasing pwedeng magmanage ng flowershop sir. Hindi rin pwedeng hindi ako mag-aral dahil hindi ko masisiguradong tatagal ang shop. At tungkol sa kambal, ako talaga ang nag-alaga simula nang mamatay ang kapatid ko at si Mommy. Katuwang ko pa noon ang kapatid ni mommy pero after two years namatay din ito. Wala rin akong kamag-anak na pwedeng tumulong sa 'min kaya ako talaga ang may responsibilidad sa mga bata."
"I'm sorry for your lost."
"Okay lang sir."
"Bilib ako sayo Mr Callente. Doing all of that, its dificult. Hindi lahat ng tao kayang panindigan 'yan. You're a tough man. And you're only in your 20's but you were able to handle that kind of situation. I'm sure the twins will be proud of you."
"Maraming salamat sir."
"You deserve to be praised and complimented." Nakangiting wika niya.
Matipid na lang akong ngumiti. Nagpatuloy kami sa pag-uusap at napalitan na ang topiko tungkol sa business nila. Hindi na ako nagtaka kung gaano kalaki at karami ang kanilang negosyo pero hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha. Siguro kahit sa kasulok-sulukan ng Pilipinas ay meron silang negosyo. Paano kaya nila namanaged ang lahat ng iyon?
Kunsabagay, nasa pamilya naman talaga nila ang pagnenegosyo kahit dati pa. Sikat na talaga ang Alegre sa larangang ito. They are one of the top list for being wealthy.
Ang swerte ni Kingsley na siya ang susunod na C.E.O ng kanilang kompanya at mga resorts. I'm sure sobrang busy niya. Hindi ko nga alam kung bakit nagkaroon ng oras na makasabay ko siyang maglunch ng ganito ngayon at kahit na noong ikalawang pagpunta namin dito. Sinabi pa niyang kaya niyang i-cancel ang mga meetings niya at appointments para sa kambal. Hindi ba talaga siya nagbibiro?
"Are you planning to get a job after you graduate or manage the flower shop instead?" Muli siyang nagtanong tungkol sa akin nang magsimula kaming kumain.
"Balak ko hong magtrabaho sir. Pero kung hindi kayanin, imamanage ko na lang ang shop. Wala rin kasing mag-aalaga sa kambal."
"You can hire a maid for them, you know." Suhestiyon niya. "Bakit hindi ka kumuha ng maid para sa kanila?"
"Hanggat kaya ko silang alagaan ay hindi ko kailangang kumuha pa ng mag-aalaga sa kanila. Besides, hindi naman sila mahirap alagaan sir kaya no need na kumuha pa ako."
Ilang beses na rin akong napaisip na kumuha na lang ng maid para sa dalawang bata. Ang pinag-aalala ko lang kasi ay kung pa'no ko masuswelduhan ito ng tama. Sakto lang kasi para sa bahay, tution fees at sa kambal ang kinikita ng shop. At isa pa, gusto kong hands on ako sa pag-aalaga kina Luke at Duke. Nangako rin kasi ako kay Mommy at Devon na aalagaan ko ng maayos ang mga ito.
"Kunsabagay..." tanging komento niya.
"Kukuha na lang ako kapag pursigido na akong magtrabaho." dagdag ko pa.
"Well thats good."
Wala ng nagsalita sa aming dalawa kaya nagpatuloy na kami sa pagkain.
"Thanks for joining me Mr. Callente. Did you enjoy your food?" Aniya nang matapos kaming kumain.
Tumango ako, "maraming salamat sa lunch sir."
"No need to thank me. The pleasure is mine."
Pinamulahan naman ako ng mukha sa kanyang sinabi. Nakakahiya. Sa akin pa talaga.
So dapat na ba akong maniwala na may ugaling pagka-down to earth si Kingsley?
He's been kind since I met him again. Very different from his personality before.
Hays, hirap pa rin talaga akong tanggapin na nagbago na siya. At hirap pa rin akong makita kung naaalala pa niya ako. Maybe I should conclude that he already forget about me, about us. Hindi nga kami tumatak ng kapatid ko sa pagkatao niya. Dapat ko ng paniwalaan na hindi naging mahalaga sa kanya si Devon kaya ang dali para sa kanya na kalimutan ito na parang hangin lang na dumaan sa buhay niya.
"So, lets go." Tumayo na siya at sumunod na rin ako. Nang nasa labas na kami ng restaurant ay nagpaalam na siya.
"I think we are heading a separate way. So lets parted here."
"Maraming salamat ho ulit sa lunch sir."
"Tch. Maliit na bagay lang 'yon Mr. Callente. So pa'no, I'm going now. Bye!"
Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad sa kasalungat na direksyon kung saan kami dumaan kanina.
Napabuntong-hininga ako. Hanggang ngayon parang hindi pa rin ako makapaniwala na nakasabay ko siyang naglunch.
Nang mawala sa paningin ko si Kingsley ay tumalikod na rin ako at hahakbang na sana nang napatigil dahil sa pagvibrate ng phone ko. Kinuha ko agad ito mula sa bulsa ko.
Si Glenn, tumatawag.
"Hello, Devin." Bungad nito mula sa kabilang linya.
"Hello, Glenn."
"Where are you? Tapos ka na ba diyan? Nasan ka na ba ngayon? May pinapunta akong tao diyan para samahan kang pumunta dito sa bahay namin."
"Wala ako sa venue ngayon. Wala rin ako sa hotel. Nandito ako ngayon sa harap ng isang restaurant."
"Kakain ka?"
"Ah hindi. Actually, katatapos ko lang kumain kasa... K–Kasama ang kuya mo."
Hindi ko na narinig na nagsalita si Glenn. "Hello?"
"Did I hear it right? Kasama mong naglunch si kuya?" Di Base sa kanyang boses.
"Nakita kasi niya ako at sakto namang kakain siya ng lunch kaya inaya niya na lang ako."
"Talaga?! Ayieee. Devin ha! Inaya ka ng kuyang maglunch." Nanuyang saad niya. May ibig siyang ipahiwatig.
"Wala raw kasi siyang kasama."
"Asus... h'wag ka ng mag-explain, okay? Anyways, bumalik ka ulit sa venue. May susundo sayo diyan papunta dito sa bahay. Nandito na kasi si mommy and she already met the twins. We will going to have our lunch na rin."
Halos mabitawan ko ang cellphone dahil sa sinabi ni Glenn. Lumukob ang matinding takot sa buong pagkatao ko.
Tama ba ang narinig ko? Nakilala na talaga ni Mrs Alegre ang mga apo niya?
***