Chapter 7

3620 Words
Halos kapusin ako ng hininga nang makarating ako sa school nina Duke at Luke. Agad kong tinungo ang clinic kung saan naroroon si Luke. Hindi na ako kumatok at deretsong pumasok sa loob. Wala akong nakitang tao pagpasok ko pero nakarinig ako ng mga boses mula sa likod ng puting kurtina sa dulo ng silid. May mga tao nga roon nang buksan ko ang kurtina. Nakita ko si Luke na nakaupo sa kama kaharap ang guro niya, ang nurse at ang kakambal niya. Agad ko siyang niyakap. Doon lang ako nakahinga ng maluwag nang makitang gising siya. "Daddy-tito." Rinig kong wika ni Luke sa pangalan ko. "Anong nangyari sayo baby? Okay ka na ba? Sobrang nag-alala sayo ang daddy-tito mo." nag-aalalang wika ko nang humiwalay ako ng yakap sa kanya. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya. "Okay na po ako Daddy-tito. Huwag na ikaw mag-aalala po. Magaling na si Luke oh. Pero may gasgas po ako sa braso kasi natumba ako kanina." hayag niya at ipinakita sa akin ang braso niyang may gasgas. Kinuha ko ito at sinuri. Mabuti na lang at kaunting gasgas lang ito. "Masakit ba baby?" "Small lang po yan. Hindi naman masakit Daddy-tito eh." Nginitian ko na lang siya at hinalikan ang kanyang ulo. Kahit nakikita kong okay na siya, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala ng husto. Paano na lang kapag mas malala pa rito ang nangyari sa kanya? Ikamamatay ko ang sobrang pag-aalala. Bumaling ako ng tingin sa kanyang teacher at tinanong ito tungkol sa nangyari. "Recess time nang himatayin ang pamangkin mo Mr. Callente. Bigla na lang siyang natumba habang naglalaro sila. Agad namin siyang itinakbo rito sa clinic at binigyan agad ng paunang lunas. Mabuti na lang at mabilis namang nagising ang pamangkin niyo." "Maraming salamat po sa pag-aalaga kay Luke. Baka nahimatay na rin ako kapag mas malala pa rito ang nangyari sa kanya." "Walang anuman Mr. Callente. Kahit naman ako ay sobrang nag-alala kay Luke." Tipid kong ningitian ito at muling bumaling ng tingin kay Luke. Muli ko siyang hinalikan sa kanyang ulo. Kahit nakikita kong okay na siya ay hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko para sa kanya. "Pagpahingahin muna natin ang bata. Marahil napagod lang siya dahil sa sobrang paglalaro kaya siya nahimatay kanina." Ani ng nurse. Lately, napapansin ko na ang bilis ng mapagod nitong si Luke. Marahil sa sobrang ka-hyperan kaya madaling nauubos ang energy niya. Hindi kasi mapirme sa isang lugar eh. "Gano'n ho ba?" "Maiwan ko na muna kayo." Umalis na ang nurse at pagkuway ay sumunod na rin ang guro. Bago ito umalis ay sinabihan kami na kapag okay na si Luke ay pwede ko na raw siyang iuwi kasama na rin si Duke. Excuse muna sila sa kanilang klase ngayong araw. "Daddy-tito, huwag na po kayong mag-worry. Pramis, hindi na ako maglalaro ng sobra." Napangiti ako dahil sa sinabi ni Luke. Marahil nakita niya sa mukha ko ang pag-alala. "Pramis 'yan baby ha. Hindi kakayanin ni Daddy-tito kapag may nangyaring masama sayo o sa kuya mo." "Yes Daddy-tito. Pramis na pramis 'yan. Cross my heart." Bilib talaga ako sa fighting spirit nitong batang 'to. Parang hindi lang siya nawalan ng malay dahil sa ipinapakita niya ngayon. Napatawa naman ako ng mahina dahil umaksyon pa siya ng nangangako. Napatigil naman ako sa pagtawa nang mapansin ang malungkot na mukha ni Duke. Tahimik na siya simula nang dumating ako rito. Sa sobrang pag-aalala kay Luke ay nakalimutan kong may isa pa pala akong anak. Nasa kabiling side siya ng kama habang nakayuko at mukhang malungkot. "Duke, bakit sad ang mukha ng isa ko pang baby ko? Hindi ka ba happy na okay na ang kapatid mo? Halika nga rito." Lumapit siya sa akin na nanatiling nakayuko. Hinawakan ko siya sa kanyang likod. "May problema ba si kuya?" Tumango siya, "sorry po Daddy-tito." Mahinang wika niya. "Oh bakit ka nagso-sorry?" "Oo nga kuya, bakit ka nagso-sorry?" Segundang tanong naman ni Luke. "Bunsoy, sorry din." "Anla! Ba't ka humihingi ng sorry kuya, hindi mo naman ako inaway eh atsaka hindi mo rin inaway si Daddy-tito." "Eh kasi hindi kita nabantayan bunsoy eh. Ayan tuloy, natumba ka tapos nasugatan ka pa tapos andyan ka sa kama. Sorry bunsoy." "'Di mo naman kasalanan kuya eh. Huwag ka na sorry. Atsaka pramisa kuya, mag-iistop na ako magplay kapag sinabi mo. Sorry din kuya ah. Aylabyu kuya." "Pramis babantayan na kita palagi. Lab din kita bunsoy." Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nakikita ko talagang mahal na mahal nila ang isa't-isa. Kahit minsan nagtatampuhan silang dalawa pero agad din naman nilang naayos. Kahit sa kabila ng masamang nangyari sa buhay ko, nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil ibinigay Niya sa akin ang dalawang mababait at kyut na mga chikiting na 'to. Nawala man sina Mama at Devon, may pumalit naman sa kanila. Kaya pinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko sila ng maayos. I will protect them no matter what kahit buhay ko pa ang kapalit. "Pa-hug nga mga baby ko." Sabi ko at niyakap ang dalawa. "Aylabyu Daddy-tito." Halos magkasabay pa nilang wika habang magkayakap kaming tatlo. "Mas lab naman kayo ni daddy-tito higit pa sa buhay niya," I said as I tightening my hug. "Waaah! Di ako makahinga Daddy-tito." Humiwalay naman agad ako sa pagkakayakap mula sa kanila. "Ay sorry baby, lab na lab lang kasi kayo ng Daddy-tito niyo." "Lab ka rin namin Daddy-tito." *** Sabado nang bumisita sa bahay namin si Glenn na sobrang ikanagulat ko. Nakaramdam agad ako ng matinding kaba. Hindi ko inaaasahan ang pagpunta niya rito. Paano niya nalaman ang bahay namin? Hindi naman namin napag-usapan kung saan kami nakatira. "I have my ways Devin. Sana welcome ako rito." Sagot niya nang tanungin ko siya kung paano niya nalaman ang address namin. "Syempre naman Glenn, welcome na welcome ka rito. Nagulat lang talaga ako na nandito ka. Nakakahiya, naabutan mo pang makalat ang bahay. Hindi pa kasi ako nakapaglinis. Pasensya ka na sa bahay namin ah. Maliit lang at medyo mainit pa." Hindi ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko. Hindi ko na kasi nailigpit ang mga nakakalat na papel sa sala dahil madaling araw na akong natapos sa paggawa ng final draft para sa thesis namin. Kailangan ko na kasing maisend ito sa kapartner ko dahil final checking na sa Monday and the week after next week ay start na ng defense para rito. Malapit na ring matapos ang sem na 'to at next sem ay OJT na namin. Sana maipasa ko itong thesis para wala na akong poproblemahin. Pinaupo ko si Glenn sa sofa naming nalipasan na ng panahon dahil sa kalumaan nito habang ako'y isa-isang nililigpit ang mga nagkalat na papel sa lamesita. "It's okay Devin, I should be the one to apologize because I came here early in this morning and without notice. Mukhang naistorbo pa nga ata kita." Wika niya sabay tingin sa lamesita. "Naku okay lang, tapos na rin ako. Hindi ko kasi kaagad nailigpit 'to dahil inuna ko muna ang dalawa. Ano nga pala ang sadya mo rito Glenn?" "Ahh. Ahm, I came here because I just want to personally invite you because I'm having a party at the resort next week for my 20th birthday. I hope you and the twins will come. Don't worry, the party will be a Saturday dahil may pasok rin ako ng Friday which is the exact day of my birthday." "Advance Happy Birthday nga pala Glenn. Nakakahiya naman na personal mo pa kaming inimbita." "Maliit na bagay lang 'to Devin. Gusto ko kasi na nandun kayong tatlo. By the way, where's Duke and Luke?" "Ay, nasa taas sila. Oo nga pala hindi ko pa sila tapos bihisan. Kaliligo lang kasi nila. Ahm may gusto ka bang inumin Glenn? Tubig, juice, kap—" "Okay lang Devin, huwag ka ng mag-abala pa. Besides, malapit nang dumating 'yong inorder ko. Dumeretso na kasi ako rito." "G—Gano'n ba? Nakakahiya naman sayo Glenn ikaw pa 'yong nag-abala eh ikaw 'yong bisita." "We're friends, okay. Sabi ko na huwag kang mahiya sa akin. Much better kung bihisan mo na ang kambal dahil may present ako para sa kanila. Wait, kukunin ko muna 'yon sa kotse." I just smiled and nodded at him. Bakit ba ganito si Glenn? Palagi na lang niyang dinadagdagan ang kaba ko sa tuwing gumagawa siya ng kabaitan lalo na sa mga pamangkin niya. Bakit ba napakabait niya sa amin? Hindi talaga nawawala ang posibilidad na may alam siya. Pagkalabas ni Glenn ay kinuha ko na ang mga papel na nailigpit ko at ang laptap at dinala ito sa itaas. Nilagay ko muna ang mga ito sa aking kwarto bago pinuntahan sa kanilang kwarto ang kambal. Pareho na silang nakabihis at kasulukuyang naglalaro gamit ang mga laruan nila pagpasok ko. Puno ang kwarto nila ng mga ito dahil sa mga binibigay ni RC. "Nagbihis na kami Daddy-tito kasi ang tagal niyo po sa baba. Narinig namin na may kausap kayo. Sino po 'yong kausap niyo Daddy-tito?" Tanong ni Luke habang hawak ang kotse niya kaharap ang kapatid niya na may kotse ring hawak. "Vroom! Vrooom! Andiyan na ako kuya!" Sabay nilang pinabangga ang kanilang mga kotse. "Iligpit niyo na muna 'yang mga laruan niyo dahil may bisita tayo. Nandiyan ang kuya Glenn niyo sa baba at gusto niya kayong makita." Pareho silang napabaling ng tingin sa akin pagkarinig nila ng pangalan ni Glenn. "Talaga Daddy-tito! Si kuya Glenn po?" Tumango ako bilang tugon. "Waaaah! Kuya stop na muna tayo magplay! Bilis kuya, iligpit na natin 'tong mga toys kuya. Dali! Andiyan si kuya Glenn!" Si Luke na mismo ang kumuha ng laruan na hawak ni Duke at nilagay ito sa lalagyan nito. Pagkatapos ay hinawakan niya ang braso ni Duke at hinila papalabas ng kwarto. Napailing na lang ako. Bakas sa kanilang mukha ang excitement. It's been a month since they last saw Glenn that's why they're very excited to see him. Matagal na rin kasi nilang tinatanong kung kailan nila makikita ang kuya Glenn nila at makapunta sa resort. Even Kingsley, they wanted to see him. Magkadugo nga naman sila. Inayos ko na lang ang kama nila at ilan sa mga laruan nila saka lumabas sa kwarto at bumaba. Pagdating ko sa baba, kausap na nila si Glenn. Hawak na rin nila ang bigay nito. Malaking box na for sure laruan ang laman. Usual gift for kids. Napahawak na lang ako sa dibdib ko. My conscience are killing me. Hanggang kailan ko ito kakayanin? "Salamat po kuya Glenn. Ang ganda at ang big-big po nitong robot. Pwede ko bang buksan kuya?" Ani Luke habang nakatingin sa malaking karton na hawak niya. Robot pala ang laman no'n. Napatawa si Glenn sabay kurot ng mahina sa pisngi ni Luke. "It's all yours. Pwedeng-pwede mo ng buksan. Ikaw din Duke, buksan mo na rin 'yang sayo." Pagkasabi ni Glenn ay agad binuksan ng dalawa ang kahon. Napasigaw si Luke sa sobrang tuwa nang makita ng buo ang robot. Sa tansya ko ay 2 feet ang taas nito. Malaki at maganda. Only rich people can afford to buy that kind of toys. "Thank you po ng marami kuya Glenn. Ang ganda-ganda po talaga." "Thank you kuya Glenn." Pagpapasalamat din ni Duke. "Pero 'yong peyboreyt color ko po ang kay kuya." Sabi naman ni Luke nang mapansing magkaiba ang kulay ng mga robot nila ng kapatid niya. Pula ang sa kanya at asul ang sa isa. "Kuya Glenn, pwede pong palit kami ni bunsoy? Gusto niya kasi ang blue po eh." Nakakahiya! Kahit kailan talaga Luke. Gustong-gusto kasi niya ang kulay asul kaya lahat ng laruan na binibili ni RC ay iyon ang kulay. Kahit sa lahat ng mga gamit niya ay halos kulay asul. "No worries. Sa inyo na rin naman 'yan. Pwedeng-pwede kayong magpalit." "Thank you po kuya Glenn." Sabay na sabi ng kambal at nagpalitan na sila ng robot. Mabuti na lang at maunawain at mapagbigay si Duke kay Luke. "Tingnan mo Daddy-tito. May robot kaming big. Bigay ni kuya Glenn na mabait. Ang ganda po diba Daddy-tito?" Sabi ni Luke nang makita niya ako. "Oo Luke. Ingatan niyo 'yan ha. Nakakahiya sa kuya Glenn niyo." "Okay po Daddy-tito." "O sige na, laruin niyo na muna 'yang mga robot niyo. Kakausapin ko muna ang daddy-tito niyo, okay." "Okay po! Tara kuya." Dala ang kani-kanilang robot ay umalis ang dalawa at tinungo ang play area nila na malapit lang din dito sa sala. Nagprovide ako ng space at bumili ng puzzle mat para may mapaglaruan silang dalawa kapag may ginagawa ako. "I'm happy they like it. Akala ko di nila magugustuhan ang binigay ko." Umupo ako sa kabilang sofa na kaharap ng inuupuan ni Glenn. Napabaling din ako ng tingin sa dalawa na naglalaro na ngayon. "Masaya na sila kapag may natatanggap sila. Tinuruan ko silang magpahalaga ng mga bagay, maliit man o malaki." "You're a good parent Devin and a good person as well." Nakaharap na siya sa akin ngayon habang nakangiti. "I'm lucky for having a friend like you. I learned things from you. Isa na roon ang pagpapahalaga sa isang bagay, maliit man o malaki." "Salamat. Maraming Salamat Glenn." Dati, buong akala ko masasama ang ugali ng mga Alegre. Sa sobrang yaman nila at makapangyarihan ay kaya nilang manipulahin ang lahat. Just like what Kingsley did to my sister. Pero hindi pala. When I met them, kabaligtaran pala ang naging pananaw ko sa pamilya nila. Sinakop lang ng matinding poot at galit ang puso ko dahil sa nangyari sa pamilya ko. For years, wala akong inisip kundi ang maghiganti sa kanya, sa pamilya niya. Kung paano ko sila pagbabayarin sa lahat ng ginawa nila sa pamilya ko. But it turns out and I realized na hindi ko na dapat pang gawin iyon kasi wala itong magandang maiidulot sa akin. Walang magandang patutunguhan. Maari pang mawala sa akin ang kambal kapag nagpadala ako sa emosyon ko na ipinagpapasalamat ko na kaya kong kontrolin. Ayaw kong pagdating ng araw na pagsisihan ko ang mga maling desisyon ko because of my emotions. I can't afford to lose the twin. Sa kalagayan at estado ng buhay ko ay wala akong laban sa pamilya ni Kingsley. Oo, galit ako. Galit na galit ang pagkatao ko, pero kasi minsan ang ganitong emosyon ay walang naiidulot na maganda kapag ipanalabas mo. Mas gugulo lang ang lahat at ikakasira pa ng sarili mo kaya pinili ko na lang na kimkimin ang galit na 'to. Para sa kambal. Para sa kanila. I know magiging unfair ito para kina Mommy at Devon pero alam kong nauunawaan at naiitindihan nila ako. Wala ng hahalaga pang kahit anong bagay na higit pa sa kambal. And I know, I already did my revenge to Kingsley. I'm considering this a big one. Malaking paghihiganti na ang pagtago ko ng katotohanan sa mga anak niya. Ang ikinatatakot ko lang ay ang konsensya kong unti-unti ng nananaig lalo na't kapag nagkakasama silang mag-ama. Magaan ang loob nila sa isa at isa kahit kakikilala pa lang nila. The connection that bind them are strong. I can see that Kingsley is a good person like his brother that is why I'm reaching his side also. Kahit kapatid ko pa ang aking papanigan kailangan ko pa ring ikonsidera ang side niya kahit pa malaki ang kanyang kasalanang nagawa rito. Sa buhay kasi ng tao rito sa mundo, kahit alam mo kung sino ang agrabyado, kailangan mo pa ring alamin ang rason ng umagrabyado. Everyone has the right to explain and speak for themeselves. Pero hindi lahat nakikinig. Only people makes the world mean, and that because of cruelty and selfishness kaya kahit posible, malabo pa ring mangyari magkaroon ng kapayapaan ang sangkalupaan. But I'm looking forward to it. Hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari kung bakit humantong sina Kingsley at Devon sa ganoon. Hindi kasi naging malinaw ang mga sinasabi sa akin ni Devon dati. I can't figure it out lalo na't paiba-iba ang mga sinasabi ng mga kaibigan ni Kingsley at ni Devon sa mga sinasabi nila. Dahil na rin siguro sa galit noon ay hindi ko na inalam pa ang tunay nangyari. Pero ngayon, babalikan kong muli ang nakaraan. Kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. Nakakapagtaka kasi na hindi ako maalala ni Kingsley nang magkita dahil imposible namang makalimutan niya ako. We knew each other because of Devon. Five years is a short period of time to forget everything lalo pa't tatatak talaga sa'yo ang pangyayaring iyon lalo na ang taong invlove. And I'm sure ganoon ito kay Kingsley. Hindi ako naniniwalang hindi niya natatandaan. Pero bakit tila wala siyang alam. Wala akong nakikitang kahit anong bakas sa kanyang kilos at salita na naaalala niya ako o ang kapatid ko. Ano ba talaga ang totoong nangyari? Bakit niya nakalimutan? Bakit hindi niya ako magawang irecognized? "Hey, ang lalim ng iniisip mo ah." Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang magsalita si Glenn. "Ha? Eh... Hindi naman." pagtanggi ko. Napatawa naman si Glenn sa naging reaksyon ko. "By the way, natanong kayo ng kuya ko. Bukas pupunta raw siya sa flowershop niyo. Bibili siya ng bulaklak para naman siguro sa mga babae niya." Bigla akong kinabahan sa pinahayag ni Glenn. Pupunta ulit si Kingsley bukas sa flowershop? Parang ayaw ko ng magbukas ng flowershop ko bukas. Napangiti na lang ako ng matipid upang itago ang kabang nararamdaman ko. "And he missed Duke and Luke. Nagtataka nga 'yon kung bakit hindi ko na raw kayo pinapapapunta sa resort. I told him that your busy with your thesis at sinabi ko na makakabalik lang kayo once na matapos ito o di kaya sa birthday ko. I'm sure matutuwa naman 'yon kapag nakita ang kambal." Sandali niyang nilingon ang dalawang bata at muling ibinalik ang tingin sa 'kin bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Kailangan mo na talagang makapunta Devin dahil gusto ka ng makilala ni Mommy. You know what, naikwento ko na rin sa kanya ang kambal. She's excited to see them dahil natuwa siya nang sinabi ko ring nagugustuhan sila ni kuya. Gustong-gusto na kasi ni Mommy na magkaroon siya ng apo kay kuya eh. She's concluding that this is a good start for kuya to appreciate the essence of having a family. Miski kasi siya napiperwisyo na sa pagiging babaero nito kaya ganoon na ang gustong mangyari ni Mommy. So I hope you and the twins will come." "Oo Glenn makakarating kami." Its a waste of time If I will explain my refusal. Pakiramdam ko naging sunod-sunuran ako sa pamilya nila dahil di man lang ako makatanggi ayon sa gusto ko. Ginagamit din kasi ni Glenn ang dalawang bata para mapapayag ako. I'm sure tatanungin niya rin kasi ang kambal. "Great!" "May tao po sa labas daddy-tito!" "Baka 'yan na 'yong pinadeliver kong pizza." "Wow! Pizza daw kuya. Yehey! Kakain kami ng pizza!" *** Tama nga ang sinabi ni Glenn na pupunta nga ng flowershop namin si Kingsley kinabukasan. Heto siya ngayon at kausap ang mga anak niya habang ako ay gumagawa ng bouquet ng rosas na bibilhan niya. Sino na naman kaya ang bibigyan niya nito? I'm sure isa na naman sa bibiktamahin niya. Babaero talaga. "Really? Pupunta kayo sa resort. Thats good!" "Eksayted na nga po ako magswimming kuya eh." "Hayaan niyo, magsi-swimming ulit tayo pagpunta niyo dun. Okay ba 'yon?" "Okay na okay kuya Kingsley." Ningitian niya ang dalawa sabay gulo sa mga buhok nito saka tumayo ng maayos. Nagpaalam siya sa mga ito at lumapit sa akin. Nanigas naman ako sa posisyon ko dahil sa sobrang lapit niya. Pinuno ng mabangong amoy niya ang ilong ko. Nagcompliment ang perfume niya sa natural na amoy niya. Napaka-manly. "Malapit na itong matapos sir." Hayag ko sa mahinang boses. Pinilit kong mag-concentrate kahit naghuhurumentado na ang puso ko dahil sa kaba. Hindi ko siya narinig na nagsalita kaya mas lalong dumagdag ang kaba ko. Muntik ko pang magunting ang isang dalari ko. Get a grip of yourself Devin! Ano ka ba! Anong nangyayari sayo? Saan na ang galit mo para sa kanya?! "You smells good Devin." Pakiramdam ko parang binuhusan ako ng nagyeyelong tubig dahil sa kanyang sinabi. T–Tama ba ang narinig ko? Una ko ring narinig mula sa kanya ang first name ko. "You smell like a girl." Pakiramdam ko hindi ko maigalaw ang katawan ko. Ano ba 'tong pinagsasabi niya? Dahil sa napansin niyang nagulat ako ay bigla siyang napatawa. "Sorry for saying that. I just like your smell. So much for a man scent. Soft and sweet. By the way, are you done with that? Nagmamadali rin kasi ako, I have something to do after giving that flower." Sa kabila ng nararamdaman ay pinilit kong kumilos at inabot sa kanya ang bulaklak. Nahagip pa ng kamay ko ang balat niya at para naman akong nakuryente nang dahil dito. Nakita ko ang pagkuha niya ng pitaka sa kanyang bulsa. Kumuha siya ng pera dito. "I made sure I bring cash before I went here. Baka hindi ulit ako makapagbayad. That's embarrassing." Wika pa niya sabay abot sa akin ang pera, "keep the change." Ibabalik ko sana ang pera dahil sobra ito. "Ahm sir isang libo lang ho 'yan." Tinulak niya ang kamay ko ng akmang ibabalik ko sa kanya ang sobrang pera sa ibinayad niya. "You did a great job. Keep it. I'm going now. Bye!" Bumaling siya sa dalawang batang naglalaro at tinawag ito. "Hey big boys! Aalis na ako! See you all at the party." "Babye po kuya!" "Bye kuya Kingsley!" "Bye! And oh! Mr Callente, wear that perfume at the party. I'm sure lot of guys will approach you." Dagdag pa niya sabay kindat. Tuluyang nagwala ang sistema ko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD