Chapter 6

3111 Words
Tulad ng sabi ni Kingsley ay lumipat kami sa pool area. Hawak niya sa magkabilang kamay ang dalawang bata. Excitement is visible on their faces. Tahimik lang ako habang nakasunod sa kanila. Iniiwas ko na lamang ang tingin upang maibsan ang konsensyang lumulukob sa pagkatao ko. Pero sinong niloloko ko? Hanggat hindi lumalabas ang katotohanan, hinding-hindi ako makakawala rito. Napaawang ang bibig ko nang makarating kami sa pool area. Napakalawak nito. Maraming pool na iba't-iba ang sukat at lalim. The water's blue as sky and clear as crystal. Nakakamangha. Ngayon ko lang ito nakita dahil noong unang beses akong makapunta rito ay hanggang sa covention hall lang ako. Hindi na nakakapagtaka na ganito kaganda ang resort nila. Hindi na nakakapagtaka dahil isa itong five star hotel. Natigil ang paglibot ko ng tingin sa paligid nang marinig ang tili ni Luke. Agad akong nagpanic. Napatingin ako sa kanila. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hinawakan lang pala nito ang tubig sa isa sa mga pool. Napatawa naman si Kingsley na noo'y pinukaw ang atensyon ng ilan sa mga naririto lalo na ang mga kababaihan. Hindi na ito nakakapagtaka. He's the perfect example of a head turner. Napamura ako sa isipan. Bakit ko nakalimutan? Kapag ganito ang klase ng lugar, halos nakabalandra ang katawan ng isang tao at hindi rito pwede ang mga bata. Dali-dali akong lumapit sa kanila pero napatigil ako nang may lumapit na isang babae sa kinaroonan nina Kingsley at ng mga bata. Namilog ang mga mata ko dahil naka-two piece lang ito. Nakita ko ang pagkunot ng noo ng dalawang bata habang nakatitig sa babae. "See you later." Wika ng babae kay Kingsley bago ito umalis. Sa direksyon ko pa ito dumaan. Ito lang ang narinig ko mula sa pag-uusap nila. Nakangisi pa si Kingley habang nakasunod ng tingin dito. Napalitan lang ito ng ngiti nang makita ako. He called my name. Napailing na lang ako sa aking isipan. I already have an idea what will happen next with their conversation. "She's sexy, don't you think?" Tanong nito sa akin paglapit ko sa kanila. Tumango lang ako bilang tugon. He's talking about the girl. "Kuya, sino po ang babaeng 'yon. Ang sexy niya po?" Tanong ni Luke sa kanya. Napasinghap naman ako sa sinabi nito. "Saan mo nakuha ang salitang 'yan Luke?" Saway ko rito. "Hey, its just an appreciation. It's natural for him to say that." Sabat ni King. "Bata pa kasi sila sir. Hindi maganda na gano'n agad ang naiisip nila at nasasabi." Pangangatwiran ko. Kay Luke lang ako nakatingin habang sinasabi ang mga ito. Pero kahit gano'n naiintimidate pa rin ako sa kanya. Just his presence made me feel intimidated. "Sorry, I didn't mean t—" "Ayos lang sir." "Sorry po Daddy-tito. 'Yon kasi ang sinasabi ng mga big boys kapag nakakita sila ng ganoon po eh." Paliwanag naman ni Luke. "Okay, okay. Basta huwag ng mauulit 'yon, naiintindihan mo?" "Opo daddy-tito." "What's the commotion here?" Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita sa likuran namin. "Did I miss something?" Nakangiti nitong tanong. "Nothing important." Si Kingsley ang sumagot dito. Mabuti na lang at dumati itong si Glenn. Hindi ko talaga gustong nakakausap si Kingsley katulad niyon. Natatakot ako sa maari kong sabihin. Ngayon pa na kung ano-anong pakiramdam ang nabubuo sa aking sistema kapag kaharap at kausap ko siya. "Kuya Glenn, maliligo ulit kami sa pool po." Pahayag ni Luke. "Mukhang excited si Luke ah. So ano pang hinihintay natin? Lets swim already!" Nagtatatalon naman si Luke sa sinabi ni Glenn. Inabot nito ang kamay niya at ni Duke at hinila sila nito papunta sa kabilang bahagi ng pool area kung saan ang pambatang pool. Napatawa naman si Kingsley habang nakatingin sa tatlo. "Kuya! Daddy-tito! Halina na po kayo!" Sigaw pa ni Luke sa 'min. "No one can resist their charms. Ang hirap nilang tanggihan lalo na si Luke." Napasinghap ako nang magsalita si Kingsley na ngayon ay nasa gilid ko na. Ramdam na ramdam ko kung gaano siya kalapit sa akin. Tila nanigas ako sa aking kinatatayuan. Kaming dalawa na lang pala ang naiiwan. "Kuya! Devin! Halina kayo!" Si Glenn naman ngayon ang tumawag sa 'min. "We should follow them. Lets go." Nauna ng naglakad si Kingsley. Pagkuway sumunod na rin ako. Pagdating namin ni Kingsley sa pambatang swimming pool ay nasa tubig na ang tatlo. Iilang bata lang ang naririto kasama ang kanilang mga magulang. Some of them were calling the name of Kingsley. Lumalapit, nakikipagshakehands at nakikipag-usap sa kanya. Negosyo nga naman. Hindi naman tumatagal ang usapan dahil nagpapaalam agad si Kingsley sa mga ito. "Let's go." Pumunta na kami sa kinaroroonan ng tatlo at nang makita kami ay agad nilang tinawag. Umahon pa ang kambal at sabay kaming hinila ni Kingsley. Hanggang tuhod ko lang ang pool kaya nakakasigurado akong safe ang kambal pero kailangan ko pa rin silang bantayan. Napatakip ako ng mukha nang simula akong basain ni Luke. Tawang-tawa naman sina Kingsley at Glenn. Ewan ko ba rito sa batang 'to, ako na lang parati ang pinupunterya kapag nasa tubig kami. "Ang kyut nilang tingnan ano?" Wika ni Glenn habang pinagmamasdan namin ang mag-aama. Nakaupo na kami ngayon sa gilid ng pool. Mahigit isang oras na rin kaming naririto. "O-Oo nga." Nauutal na sagot ko sa kanya. Kanina pa ako kinakabahan nang umupo kami rito. Naalala ko kasi na gusto pala niya akong makausap. "You know what, malakas talaga ang kutob ko na si kuya ang ama nina Luke at Duke." Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ni Glenn. Pakiramdam ko tinakasan ako ng dugo sa katawan. Naninikip ang aking dibdib at tila nawawalan ako ng hanging hinihinga. Tama nga ang hinala ko. May alam siya tungkol sa kambal. Hindi ko alam ang sasabihin. Ito na ata ang katapusan ko. Alam na ni Glenn ang katotohanan and later on ipapaalam na niya ito kay Kingsley. Hindi ko inaasahan na ganito kabilis lalabas ang katotohanan. Muli akong nagulat dahil sa malakas na pagtawa ni Glenn. "Hahahaha. You're face was epic. Hahaha. Nagbibiro lang ako Devin. You take it seriously. My gosh! That was so funny." Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kung matutuwa ba ako sa naging biro niya. Napatungo na lamang ako. Gusto ko ng matapos ang araw na 'to para makauwi na kami ng kambal. Natatawa pa rin si Glenn. Sinubukan ko ring sabayan siya pero hindi katulad ng tawa niya ay isang pilit lang ang sa 'kin pero agad akong napatigil. Hindi maganda para sa akin ang naging biro niya. Kung alam niya lang na halos himatayin na ako dahil dito. Mukhang napansin niya na hindi ako nadala sa biro niya kaya tumigil na siya sa pagtawa. "I'm sorry Devin. I'm just kidding. It didn't mean something. I just wanted to make you laugh. Masyado ka kasing tahimik at seryoso sa buhay. Minsan lang kasi kita nakikitang nakangiti. Pasensya ka na." "Okay lang. Sadyang nagulat lang ako." Sabi ko. Mabuti na lang talaga at biro iyon subalit hindi pa rin ako mapapanatag. Jokes are half meant. Kahit pa sabihing biro may ibig sabihin pa rin ito lalo pa't nagbibiro ang isang tao dahil hindi niya kayang ipahayag ng deretso ang gusto niyang sabihin. Sometimes, we joked to avoid rudeness. "Pero pasenya pa rin, mukha kasing hindi ka talaga natuwa eh. I hope I didn't annoyed you." Napailing ako. "Naku hindi. Ako nga ang dapat nagsasabi niyan eh. Baka mainis ka na sa 'kin dahil hindi ako masyadong nagsasalita. Pasensya ka na Glenn ha. Talagang nahihiya lang ako sayo kasi ang yaman niyo tapos pinapansin ninyo ang isang tulad ko. Ang tulad namin." "My God Devin! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na huwag kang mahiya sa amin. And we are not what you think, okay. Hindi sukatan ang estado ng buhay para pansinin at maging kaibigan ang kapwa mo. Iisa lang naman tayo ng mundong ginagalawan at hanging hinihinga. Only people makes the world mean. Ang kikitid kasi ng pag-uutak ng tao kaya we don't value each other to be treated the same." Wala akong masabi kay Glenn. Napakabait niyang tao. Pakiramdam ko nagtitake-advantage ako kahit hindi ko intensyon. Namayani ang katahimikan sa mga sumunod na sandali. "Can I ask you something Devin? This is personal, okay lang ba?" Si Glenn ang unang bumasag ng katahimikan. Napalingon ako sa kanya. Muli na naman akong kinabahan. Malakas ang kutob ko na itatanong niya kung sino ang ama ng dalawang bata. Tumango ako bilang tugon. Kahit ayaw ng isipan ko, ang kahihiyan ko pa rin ang namayani. "Are you sure?" "Ayos lang." "Dahil friends naman na tayo, I hope okay lang talaga kung magtanong ako." Ngumiti na lamang ako. Tanggap ko na talagang magiging parte sila ulit ng buhay namin ng kambal. "You told me that the twins are your twin sister's children, right? Ano ba talaga ang totoong nangyari sa kakambal mo? Sa mga magulang mo?" Napabuntong-hininga muna ako bago nagsalita. Mahirap para sa akin na magsalita tungkol sa pamilya ko dahil sobrang napakasensitibo nito sa 'kin. Pero panahon na rin upang may mapagsabihan ako tungkol sa sakit na matagal ko ng kinikimkim. Nagsimula akong magkwento at mataman namang nakinig si Glenn. Halos mapaluha ako habang nagsasalita. "Bilib na bilib ako sa katapangan at katatagan mo Devin. Kung ako siguro ang nasa kalagayan mo malamang sumuko na ako. I think I'm going to cry. That was a tragic story of yours Devin." "May mga pagkakataon na gusto ko ng sumuko Glenn pero dahil sa kambal pinipilit kong maging malakas. Sila na lang kasi ang natitirang pamilya na meron ako." "I–I'm sorry. Umabot pa sa ganito ang pag-uusap natin. I know its too sensitive for you. Sana hindi na lang ako nagtanong. Pasensya na talaga." Pinahid ko ang mga nangingilid kong luha. Ngumiti ako sabay lingon sa kanya. Ayos na rin na nailabas ko ito. For the first time since the last time, naibsan ang sakit na nararamdaman ko sa sinapit nina Mommy at Devon. "Okay lang Glenn. Dapat pa nga akong magpasalamat sayo dahil gumaan ang pakiramdam ko. Sa mahabang panahon, may napaglabasan ako ng sakit. Salamat sa pakikinig." "Walang anuman Devin. Kaibigan mo 'ko. Pwede kang magkwento sa 'kin ng kahit ano. I'm all ears. Pasensya ka na ulit ha. Ganito lang talaga kasi ako eh. Curious lang ako sa lahat ng bagay lalo na kung tungkol sa mga kaibigan ko." Kaya ba't nagtaka talaga siya na kamukha ng kapatid niya ang kambal? Kunsabagay, sino ba naman ang hindi magtataka kapag nakitang magkasama sina Kingsley at ang kambal. Hindi nagsisinungaling ang mga physical feautures nila. Nang tingnan kong muli si Glenn ay napatawa siya pati na rin ako ay napatawa. Isa si Glenn sa mga kinatatakutan ko na lumabas ang katotohanan, but somehow magaan ang loob ko sa kanya. Weird right? Sa totoo kasi niyan, madali namang makipaglagayan ng loob sa kanya. Maliban sa mabait siya ay marunong din siyang umintindi. Hindi na niya inusisa pa ang tungkol sa ama ng kambal. Marahil ramdam niya na ayaw kong pag-usapan ito. Kung alam lang talaga niya na ang kapatid niya iyo at ang dahilan ng pait na sinapit sa pamilya ko. "Ang drama natin nu?" "Oo nga eh." Pagsang-ayon ko naman. "Kuya Glenn! Daddy-tito! Kain na raw tayo sabi ni kuya Kingsley!" Napatingin kami kay Luke na nakaahon na mula sa pool. Nasa tabi niya sina Duke at Kingsley. "Come on Devin. Gutom na rin ako." Tumayo na kami ni Glenn at tinungo ang kinaroroonan ng tatlo. Tinungo namin ang isang cottage na may nakahanda ng pagkain. Hindi lang basta pagkain, maraming pagkain. Napahinto ako sa nakita. "Wow! Ang daming foods." Manghang wika ni Luke habang isa-isang tinitingnan ang mga pagkain. Ganoon din ang ginagawa ni Duke. Napasapo na lang ako sa aking isipan. "Dito po tayo kakain kuya Kingsley?" "Yes lil boy. Dito tayo kakain at pinahanda ko lahat ng 'yan para sa inyo." "Wow talaga po! Mukhang masarap po ang mga foods. Perstaym ko makakita ng pagkain na ganito at mukhang masasarap kuya." Hindi man intensyon ni Luke ay parang ako ang nahihiya dahil sa mga pinagsasabi nito. "I hope you'll not say anything. Huwag mo ng pag-aksayahan ng laway ang gusto mong sabihin. I told you na ako na ang bahala sa inyo. Lets go." Hindi na lang ako umimik at nagpahila na lang kay Glenn nang kunin niya ang braso ko. *** Pagkatapos naming kumain ay muli kaming inaya ng kambal na maligo subalit hindi na ito sumama sa amin na ikinadismaya ng mga ito. Agad ko namang sinaway ang dalawa. Hindi nila pwedeng pilitin si Kingsley dahil marami itong kailangang gawin. Pero nagkaroon naman ako ng ideya kung ano ang gagawin niya nang makita ko siyang kausap muli ang babaeng nakausap niya kanina sa pool. Nagulat pa nga ako nang halikan ng babae si Kingsley. Nakita ko sila sa isang pasilyo nang magbanyo ako kanina. Umalis agad ako at bumalik sa swimming pool na kinaroroonan ng kambal. Once a casanova, always a casanova. 'Di na talaga sila nagbabago. Hinihiling ko na sana hindi matulad sa kanya ang mga anak niya. Maggagabi nang magdesiyon kaming umuwi. Gusto sana ni Glenn na bukas na lang. Pero hindi kasi pwedeng manatili kami rito. Maliban sa walang tao ang bahay at may gagawin pa akong paperworks ay iniiwasan ko ring makilala si Mrs. Alegre. Nabanggit kasi ni Glenn na uuwi rito sa resort ang kanyang ina na galing sa ibang bansa. Ipapakilalala niya kasi ako rito. Okay lang naman sa akin kung ako lang mag-isa subalit kasama ko ang kambal. Natatakot ako sa maaring mangyari. Paano kapag nakita nito ang kambal? "Sure ka na ba talaga Devin? Sayang naman. May pupuntahan pa sana tayo mamaya." Dismayadong saad niya nang ihatid kami sa labas ng resort. "Pero okay lang dahil may mga importante ka pang gagawin eh." "Pasensya ka na talaga Glenn ha. Marami talaga kasi akong gagawin eh. May tatapusin pa akong paperworks." "No need to apologized Devin. Of course, you need to prioritized that. Nakokonsenya nga ako dahil may mga gagawin ka pala. Sana sinabi mo agad para hindi ko kayo naistorbo. Gusto ka pa sanang makilala mommy pero marami pa namang pagkakataon. I hope you enjoyed!" Bumaling siya ng tingin sa kambal. "Nag-enjoy ba kayo?" "Yes po kuya Glenn. Nag-enjoy at happy po kami ni kuya Duke. Ang saya pong magswimming at masasarap 'yong mga pagkain. Nabusog po ako kuya. Ang laki nga ng tiyan namin ni kuya eh." Napabungisngis pa si Luke pagkatapos sumagot. "Thank you po kuya Glenn ah. Thank you po sa pagkain. Tapos pinasyal mo pa po kami. Ang bait-bait niyo sa amin kuya." Napatigil naman si Glenn nang magsalita ng ganoon kahaba sa kanya si Duke. "Oh my God! Did you hear that Devin? Sinabi talaga niya 'yon?" I smiled at him. "Halika nga rito Duke." Parang nanalo sa lotto si Glenn sa naging reaksyon niya. Niyakap niya si Duke at nang bitawan ay kinurot niya ang pisngi nito. Ganoon din ang ginawa niya kay Luke. "Ang kyut-kyut niyo talagang dalawa. Nakakagigil!" "Thank you for letting me met these kids, Devin. Sobra talaga silang nakakatuwa. I just wish they are my nephews. Ang tahimik kasi sa bahay eh. Mas masaya siguro kapag nagkaroon ng mga bata doon." Hindi ako nagpaapekto sa sinabi ni Glenn bagkus ay nagpasalamat na lang ako. Maliban sa inihatid niya kami rito sa labas ng gate ay ipinahatid pa niya kami sa driver nila. Habang nasa byahe ay napansin ko ang pagiging matamlay ni Luke. Si Duke naman ay nakatulog. "Okay ka lang baby?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Marahil pagod lang siya kaya matamlay. "Okay lang po ako daddy-tito. Lowbat si po Luke daddy-tito." Sagot niya habang nakahawak sa kanyang dibdib. Napangiti naman ako. Ginulo ko na lang ang kanyang buhok. "Magpahinga ka na muna. Alam kong pagod kayo ng kuya mo. Sige na baby, tulog ka na." "Okay po." Hindi ko na ginising ang dalawa nang makarating kami ng bahay. Nagpatulong na lang ako sa driver na buhatin ang kambal. Hindi naman nagising ang mga ito. Pagod na pagod nga talaga sila. Sumikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang kambal na ngayong magkatabi na sa kama naming tatlo. I always saw them being happy kahit na maliliit na bagay lang ang nakukuha at nakikita nila and it makes me happy as well. Ang saya-saya nila habang nasa resort kami ng ama nila kanina. May ikakasaya pa pala sila. Naawa nga ako sa kanila nung kumakain kami dahil unang beses nilang makatikim ng ganoong mga klaseng pagkain. Kasabay ng awa, ang konsensyang kanina ko pa nararamdaman. Hindi dapat nila nararanasan ang ganitong buhay. They deserve better. Mas gagaan at gaganda ang buhay nila kapag nasa puder sila ni Kingsley. I'm selfish for keeping them myself. Nahihirapan sila dahil sa pagiging makasarili ko. Pero may karapatan naman akong ipagkait sila sa tunay nilang ama 'di ba? Walang karapatan si Kingsley na malaman ang katotohanan dahil sa mga ginawa niya. Hindi sapat na sa kanya nagmula ang kambal dahil sa una pa lang ay itinaggi na niya ang mga ito. I heave a deep sigh. Kahit anong tago ko sa katotohanan, lalabas at lalabas pa rin ito and I'm starting to accept all of it. Sana kayanin ko kapag dumating ang oras na lumabas ang katotohanan. Hindi sana ako kamuhian ng mga anak ko. Muli ko silang hinalikan sa noo at humiga na rin sa tabi nila. Niyakap ko sila ng mahigpit at ipinikit ang aking mga mata. Dala ng bigat ng nararamdaman at pagod ay di ko namalayang nakatulog ako. Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa naging linggo. Balik ulit kami sa normal na buhay namin na ipinagpapasalamat ko. Walang Glenn at Kingsley. Kahit papano ay napanatag ang loob ko even though nagtitext at tumatawag si Glenn para kamustahin ang kambal. "Sa halos apat na taon kitang naging kaklase ay never kitang nakitang nakangiti. You're so serious Devin. Tatanda ka agad niyan, promise!" Nginitian ko na lang ang kaklase kong si Lilian. Nagrereview kami ngayon dahil may oral quiz kami mamaya. Sasagot na sana ako nang magvibrate ang phone ko. "Wait lang Lilian ha. Sagutin ko lang 'to." "Go lang." Lumabas ako ng classroom at sinagot ang tawag. Tutal wala pa naman si Prof. "Hello... Opo ako nga po ang parent ni Luke. Bakit ho Ma'am? Anong problema kay Luke?... A–Ano po... Sige Ma'am, papunta na ako." Nanginginig kong ibinaba ang phone at mabilis na pumasok ng classroom upang kunin ang bag ko. "Saan ka papunta Devin?" Kumaripas agad ako ng takbo papalabas ng silid nang makuha ko ito. Hintayin mo ako Luke anak. Papunta na si Daddy-tito. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD