Chapter 5

2379 Words
Hindi ako makakain ng maayos dahil sa kabang nararamdaman ko. Di rin ako mapakali sa kinauupuan ko habang nakatingin kina Kingsley, Luke at Duke na masayang nag-uusap ngayon. Sa kabila ng nararamdaman kong ito, may kung anong humaplos sa puso ko habang nakatingin sa kanila. Hindi nila alam kung anong tunay na relasyon nilang tatlo. Hindi ko alam kung kakayanin ito ng konsensya ko kapag tumagal pa kami rito. "Why didn't you tell me that Luke has a twin brother?" Hindi ako nakasagot sa naging tanong niya kanina. Mabuti na lamang madaldal si Luke kaya ito ang sumagot para sa 'kin. Simula nang dumating siya rito ay nawalan na ng sasabihin ang bibig ko. Ano pa bang aasahan ko sa sarili ko. "Kasi hindi ka po nagtanong kuya Kingsley eh." "Sorry, lil boy. Hindi ko rin kasi alam na may kapatid ka pala." "Okay lang po. Ngayon, alam mo na pong may kakambal ako." "Y-Yeah," tumawa siya na ikinunot ng noo ng bata. "May nakakatawa po ba?" Napatigil siya sa pagtawa at humingi ng paumanhin dito. "W-Wala. I-Its nothing. Sorry." "Sorry ka ng sorry eh hindi niyo naman po ako inaaway kuya eh." Tuluyang napahalakhak si Kingsley ng malakas. Napatingin tuloy ang ibang kumakain sa mesa namin. "I really like these kids Mr. Callente especially Luke. Nakakatuwa sila." Napasinghap naman ako nang tingnan niya ako habang nakangiti. Hindi ko alam pero bakit ang lakas ng epekto ni Kingsley sa pagkatao ko. Tila nakakalimutan ko ang lahat ng poot at galit sa kanya sa tuwing magtatama ang aming mga tingin lalo kapag nakaukit sa kanyang mukha ang isang ngiti. Parang hndi ko gusto ang pakiramdam na ito. Its dangerous. "Naku sinabi mo pa kuya. Nakakatuwa talaga ang mga batang 'yan." Pagsang-ayon naman ni Glenn. "Agreed." Sa aming lima ako lamang ang hindi komportable. Tila napapansin ni Glenn ang kinikilos ko kaya panay ang tingin niya sa akin. Napapakunot ang noo niya at tila nagtatanong din ang kanyang mukha. Nagawa niya lang akong tanungin nang muling nilamon ng pag-uusap ang tatlo. "Are you okay?" Tumango ako bilang tugon. Nakita ko na hindi siya sang-ayon. "Masama ba ang pakiramdam mo? Parang namumutla ka ata. We have a clinic here. Pwede kitang dalhin doon." Umiling ako. "A-Ayos lang ako Glenn. Salamat." "Sigurado ka?" Muli akong tumango. Ngumiti na lang si Glenn kahit kitang-kita sa ekspresyon ng kanyang mukha na hindi siya sang-ayon. Kung alam niya lang kung anong tunay kong nararamdaman. Halos kulang na lang ay atakehin ako sa puso. "You know what, we look identical. Its like you're the little me." Sabay kaming napatingin ni Glenn kay Kingsley na ngayon ay kausap si Duke. "Oo nga kuya. Magkamukha kayo ni kuya Duke ko." Sabat naman ni Luke. Muling lumukob ang matinding kaba sa dibdib ko at pangamba at takot sa pagkatao ko. "Hindi lang naman si Duke, Luke. Kayong dalawa. Kamukha ko kayo. Para ngang mga anak ko kayong dalawa eh." Napatawa si Kingsley sa kabila ng kaseryosohan ng kanilang pag-uusap. "You know what, the first time I saw the twins, si kuya agad ang naisip ko. I was shocked. Kamukha talaga nila ang kuya ko. Inisip ko nga na baka si kuya ang ama ng dalawa eh. Hahaha." Napapitlang ako nang magsalita si Glenn. "Can I ask you something Devin?" Sana pumayag na lang ako kanina na pumunta ng clinic. Hindi sana aabot dito ang pag-uusap na 'to. Ito na talaga ang sinasabi ko. Mali na pumayag akong pumunta kami rito. Dahil sa una pa lang, mali na ang pagkrus ng mga landas namin ng mga Alegre. "A-Ano 'yon Glenn?" Nauutal na wika ko sa kanya. "Ahm. Mamaya na lang siguro Devin. Its too personal at hindi dito ang tamang lugar para pag-usapan iyon. We should finish eating. Hindi mo na nagalaw 'yang pagkain mo." Kunti pa lang ang nababawas sa pagkain ko nang tingnan ko ang pinggan ko. Paano pa ako makakain ng maayos kung okupado na ang isip ko? Hindi ko kayang isubo ang pagkain ko sa kakaisip kung paano ko tatakasan ang sitawasyon na ito. Wala akong maisip na paraan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Nasa'n na pala ang daddy niyo? I mean you're real dad. Sabi niyo kasi kanina hindi niyo totoong daddy si---" "Enough na 'yan kuya. Hindi na tama na tinanong mo 'yan sa mga bata. Devin's here. We should finish eating instead para makapagswimming na ang mga bata." Tila natauhan si Kingsley sa sinabi ni Glenn at hindi na niya natapos ang pagtatanong. "I'm sorry Mr Callente. I'm just interested with the twins. Huwag mo sanang mamasamain ang itinanong ko sa kanila." Pagpaumanhin niya sa akin. "O-Okay lang Sir." Pilit akong ngumiti. Gusto ko pa sanang idagdag na wala siyang karapatang magtanong sa mga anak ko. Kung totoosin, wala siyang karapatan na kausapin ang mga ito. "Okay! Lets continue! Duke, Luke excited na ba kayong magswimming?" Si Glenn. "O-Opo kuya Glenn. Bilisan na nating kumain po. Gusto ko ng magswimming. Yehey!" "Kaya bilisan na nating kumain. Oh ubusin niyo na 'yang mga pagkain niyo."Bumaling si Glenn sa kanyang kapatid. "Ahm kuya. Wala ka na bang gagawin after nito?" "No more. Pero may lakad kami nina Ryuuji but I will cancel it. Gusto ko munang magrelax ngayon. I want to join these kids also." Nakangiting wika nito habang nakatingin sa kambal. "Talaga kuya? Gagawin mo 'yon?" 'Di makapaniwalang tanong ni Glenn kay Kingsley. "Y-Yeah. Why not?" "Sure ka kuya? Wow! Is it real? I still can't believe na pumayag ka ngang kumain kasama namin eh." "Is there a problem with that Glenn?" "Wala naman kuya. I just can't believe it." "I just really like these kids." "O---kay. Lets eat na nga. Kanina pa tayo rito." Nagpatuloy na kami sa pagkain. Kahit walang gana ay pinilit kong kumain. Kung kaya ko lamang pabilisin ang oras ay ginawa ko na. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang makasama si Kingsley ng mas matagal pa rito. *** Sinabihan ako ni Glenn na magpalit na kami ng damit at pagkatapos ay pumunta sa dalampasigan. Doon na lang namin siya hihintayin. Ganoon na rin si Kingsley. Katulad ni Glenn ay hindi pa rin ako makapaniwala na sasamahan kami ni Kingsley ngayon. Para sa isang busy na tao na tulad niya ay napakaimposibleng magbigay siya ng oras para lang magswimming kasama ang tulad namin. He will be the next CEO of their company. His time is precious at sasayangin niya lamang iyon sa mga taong katulad namin. Oo anak niya ang dalawa pero hindi niya alam ito kaya nakakapagtaka na gagawin niya iyon. Napailing na lamang ako. Wala akong karapatang kwestiyunin ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Maniniwala na lamang ako na gusto lang talaga niyang makasama ang kambal. Ganito na talaga marahil ang nagagawa ng lukso ng dugo? Pinagsando at boxer shorts ko ang dalawa para makagalaw sila ng maayos tutal mga bata naman sila. White t-shirt at board shorts naman ang suot ko. Hindi ako komportable ng walang damit. Isa pa ang payat ko para hindi magdamit pang-itaas. Pagkatapos magbihis ay lumabas na kami ng kwarto namin at pumunta roon sa lugar na sinasabi ni Glenn. Nang makarating kami roon ay panay naman ang saway ko sa dalawa dahil pilit sila ng pilit na pumunta sa tubig. Hindi pa kasi dumadating si Glenn at halos kinse minutos na kaming naghihintay sa kinaroroonan namin ngayon. Nakasimangot na ang mukha ng dalawa lalo na si Luke. "What's with the face young man?" Napasinghap ako nang may nagsalita sa gilid ko. Sa boses at presensya pa lamang ay kilala ko na kung sino ito. "Kuya Kingsley!" Sigaw ni Luke at lumapit dito. Nang tingnan ko siya ay halos mapanganga ako lalo na sa kanyang katawan. For pete's sake! He's topless. Natameme ako. Marami na akong nakikitang lalaking nakahubad. Magaganda ang hugis ng katawan lalo na sa bandang dibdib at sa tiyan ngunit hindi ako naa-attract sa mga ito. Pero bakit sa katawan ni Kingsley ay ganito ang nagiging reaksyon ko. From his biceps crossing to his chiseled torso down to his six pack abs, hindi ko alam pero tila inuutuasan ng isip ko ang kamay ko na hawakan at maramdaman ang matitigas na bahagi ng katawan niyang iyon. Nabalik lang ako sa sarili nang mas bumaba ang tingin ko. Nakasuot siya ng board short pero bakit tila nakabakat pa iyon. Napalunok ako pero pagkuway inalis ko ang tingin ko at tumingin sa kabilang direksyon. Ano bang nangyayari sayo Devin! Ano bang pinag-iisip mo? Teka, bakit biglang uminit ang pakiramdam ko? "Gusto niyo na bang magswimming?" Tanong nito sa dalawa. Pakiramdam ko parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang muli siyang magsalita. Bakit ganyan kagaspang ang boses niya at bakit ang lakas ng epekto nito sa 'kin. This is too dangerous. "Yes po kuya. Si Daddy-tito kasi ayaw pumayag. Hintayin po raw muna namin si kuya Glenn." Sagot ni Luke. Nakita ko rin ang paglapit ni Duke. "Hi po kuya." Bati niya kay Kingsley. "Hi there lil boy." Bati rin nito at ginulo ang buhok. "Daddy-tito ang tagal po ni kuya Glenn." Halata ang pagkainip sa boses ni Luke. Bago pa man ako makapagsalita ay nagsalita si Kingsley. "Oh I forgot. Glenn will not be here for the meantime. Tinawag kasi siya ng mom. Since kasama ako rito, pinakiusapan niya ako. Ako na lang muna ang sasama sa inyo. Lets go guys. Lets swim!" Pahayag ni Kingsley na ikinatuwa ng dalawa. Hinawakan niya ang tig-iisangkamay ng dalawa sabay takbo papunta sa dagat. Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa kanila. Ayaw kong aminin subalit nakokosensya ako. Hanggang kailan ko maitatago ang katotohanan? Habang nakikita kong magkasama silang tatlo ay kinakain ako ng pakiramdam na ito. May karapatan akong itago ang totoo dahil malaki ang kasalanang nagawa sa amin ni Kingsley pero bakit tila ako pa ang may mali. Ako pa ang hadlang na makasama ni Kinglsey ang mga anak niya at ganoon na rin sa kanila na makasama ang totoong ama nila. Hanggang kailan ako lalamunin ng poot at galit ko? Sana hindi ko pagsisihan ang pagtago ko sa katotohanan. Sana hindi umabot na sa ginagawa ko ay mawala sa akin ang mga anak ko. Hindi ko kakayanin. Ikamamatay ko. Sumunod na lamang ako sa tatlo na ngayon ay naglalaro na sa dagat. Kailangan ko munang isantabi itong nararamdaman ko. Kailangan ko talagang maging malakas lalo na sa mga sitwasyong katulad nito. Hindi dapat ako nagpapadaig sa takot at kaba. "Huwag pupunta sa ilalim Duke! Dito ka lang." Saway ko kay Luke nang nasa bandang tuhod na niya ang tubig. "Don't worry Devin ako na ang bahala sa kanilang dalawa." Rinig kong sabi ni Kingsley. Ngumiti lang ako bilang tugon. Alam ko namang kaya niyang bantayan ang dalawa pero malikot kasi itong Luke. Baka makaligtaan niyang tingnan at nasa ilalim na parte na ng tubig. "Daddy-tito sali ka sa'min. Ahhhh!" Sinabuyan ako ng tubig ni Luke. Natitili pa siya habang binabasa ako. Sinasalag ko naman ito ng kamay ko. "Tama na Luke. Basa na ako oh!" Hindi siya tumigil at tinulungan pa siya ni Duke. "Kuya Kingsley. Basain po natin si daddy-tito." Wala akong balak na maligo subalit basang-basa na ako. Mas nauna pa akong nabasa sa kanilang tatlo. Wala akong laban kahit ba sinasabuyan ko rin sila ng tubig. Tawa sila rin sila ng tawa kaya napatawa na rin ako. Sa kunting oras ay nakaramdam ako ng saya. Na walang takot at pangamba. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari. "Ayoko na!" Pahayag ko at umalis sa tubig. Napaupo ako sa buhangin habang hinihingal. "Suko na siya! Wala ka pala Daddy-tito eh." Nakapamewang pa si Luke niyan. "Ang daya niyo naman kasi. Isa lang ako at tatlo kayo." "Oo nga naman bunsoy. Walang kakampi si Daddy-tito." Pagtatanggol sa akin ni Duke. "Sige! Kami ni kampi ni kuya Kingsley kuya tapos kayo naman ni Daddy-tito. Okay ba 'yon?" "Game!" "Tara na Daddy-tito! Laro na tayo ng basa-basaan." Tumakbo palapit sa akin si Luke sabay hila sa kamay ko. "Tama na 'yan mga anak. Nakakahiya na kay Sir Kingsley oh." Mabilis kong iniwas ang tingin kay Kingsley dahil nabobother ako sa nakalantad niyang katawan lalo pa't nababasa ito at nasisinagan ng araw. "It's nothing Mr. Callente. I'm enjoying." Nakangiti nitong sagot. Kitang-kita nga sa mukha niya nag-eenjoy nga siya. "Sana hindi kami nakakaistorbo sa inyo Sir." Nangatog ang tuhod ko nang lumapit siya sa kinaroroonan namin. Binuhat niya si Luke sabay gulo sa buhok nito. Ako naman ay napaiwas ng tingin. Sa kabila ng basang katawan, init ang nararamdaman ko at alam kong si Kingsley ang dahilan nito. Gosh! Bakit ang hot niyang tingnan habang buhat-buhat si Luke? Teka. Anong sabi ko? Ano na bang nangyayari sayo Devin! Bakit ganyan ang iniisip mo! "Kahit siguro na busy ako ay hindi ko iisiping istorbo ang dalawang batang 'to. To tell you the truth Mr. Callente, I have five meetings for this day. But I cancelled all of it because of this two." Akmang magsasalita ako nang pigilan niya ako. "No need to worry Devin. I really like your twins. Hindi ako ganito sa mga anak ng mga pinsan ko. Actually, I'm not into kids until I met this kiddos." "M-Maraming salamat Sir Kingsley." Ito na lamang ang naging komento ko. "Kapag magkapamilya ako in the far future," he chuckled, "gusto ko ang tulad nila. I want to have twins also. Pero malayo pa 'yon sa isip ko. I want to enjoy being a bachelor besides I'm still young. Isa lang muna ang iti-take kong responsibility. And that is our company." Gusto niya ang kambal pero paano kapag nalaman niya ang totoo? Magugustuhan pa rin niya kaya ang mga ito o mamahalin kaya niya ang mga ito? Base na kanyang sinabi, mas mabuti pa talaga na hindi niya na malaman ang totoo. Hindi pa siya handa sa isa pang responsibilidad. Malayo pa sa kanyang isip ang pagkakaroon ng pamilya o mga anak. Kunsabagay, ganoon naman kapag isang Casanova. Ang pag-aasawa at pagkakaroon ng anak ang pinakahuling bagay na gagawin nila. "Let's go Devin. Let's play again. Naghihintay na 'yong mga anak mo. Medyo mainit na rin. Later, we'll be switching to the pool area. Mas makakapaglaro ang dalawa room. I want them to enjoy. You should enjoy also. Tara na." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD