Chapter 4

3084 Words
Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Naghuhurumentado ang puso ko sa kaba. Kinakabahang tiningnan ko ang counter. Huwag sanang lumabas ang dalawang bata roon. "A–Ano pong gusto niyo Sir?" Sa halip ay tanong ko. Wala na akong ibang maisip na paraan upang iwasan ang tanong niya. Sana lang mali ang iniisip ko. Sana napapraning lang ako. Sana hindi siya pumunta rito upang kunin sa akin ang kambal. Pero basi sa kanyang pananalita at kilos ay tila wala siyang alam tungkol sa mga bata. Ni hindi nga niya ako nakilala kagabi. Pero napakaimposible namang makalimutan niya ako. Kunsabagay, nakalimutan niya rin ang kapatid ko pagkatapos ng nangyari sa kanila. Ganoon naman talaga ang isang casanova na katulad niya. Kapag nakuha na niya ang gusto sa isang babae, iiwan na lamang niya ito na parang isang basura. Katulad na lang ng ginawa niya sa kapatid ko at mas malala pa ang sinapit nito dahil tumagal sila ng halos isang taon. Hindi rin siya sumagot sa tanong ko at muling nagtanong pero tungkol na ito sa mga bulaklak na ibinibenta namin. Nabawasan ang kaba ko dahil mukhang mali ang mga iniisip ko kanina. Hindi talaga niya ako naaalala at wala siyang alam sa kambal. "Can you make me a bouquet? Choose and decide what are the best flowers in it. Make it special." "Y–Yes sir." Tugon ko at agad na sinunod ang utos niya. Napailing na lang ako sa aking isipan. Paniguradong may babae na naman siyang lolokohin at paglalaruan. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit kailangan pa niyang mag-effort ng ganito para sa isang babae kung isa lang naman ang pakay niya rito? Uso pa pala ito sa kanya? "How's this shop? Glenn told me that this place is doing pretty good." Wika niya habang ginagawa ko ang bouquet. Panay din ang tingin ko sa counter dahil baka biglang lumabas ang dalawa. Bawat segundo ay dinadalangin ko na sana manatili lang sila roon. "O-Okay naman ito at kumikita ng maayos." Nauutal kong wika dahil sa kaba. Sumisikip ang aking dibdib at tila ba nawawalan ako ng hangin. "Thats good. I was empressed by this flower shop especially with your ability and your staff in making such beautiful designs in my party last night. I also heard good comments from my friends especially to Glenn. Your business has difinitely a trademark." Marami pang mga sinabi si Kingsley na tanging tango at ilang salita lamang ang sinasagot ko. Binilisan ko ang paggawa sa bouquet ni Kingsley para makaalis na siya agad rito. Habang ginagawa ko ito ay lumilibot siya sa loob ng shop. Hinahawakan niya ang mga bulaklak at inaamoy ito. Tama nga ang sinabi ni Glenn tungkol sa kanya. Mahilig siya sa mga bulaklak. Mga bulaklak. Tss. But I never heard from Devon that King is into flowers. Wala akong ibang alam tungkol kay Kingsley dahil ayaw ko namang pakinggan ang mga magagandang bagay tungkol sa kanya kahit pa na naging sila ng kapatid ko dahil para sa akin ay isa siyang mapaglaro at nanakit ng damdamin ng babae. Umiling na lang ako upang mapalis ang isipang iyon at pinagpatuloy ang ginagawa. Mabuti na lang at malapit na akong matapos nang pumunta siya sa kinaroroonan ko. Nakita ko ang pagngiti niya nang makita ang gawa ko. He looks satisfied by it. "By the way, nasaan na ang batang 'yon? That Luke. Is he your son?" Muling bumayo ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. "Bakit niyo po ako hinahanap?" Tanong nang munting tinig mula sa likuran ko. Si Luke. Para akong tinakasan ng dugo sa katawan. "Sori po kanina. Hindi ko iyon sinasadya." Lumapit si Kingsley at pinantayan ang taas ng bata. Ningitian niya ito. "Don't worry baby boy. It's okay. I'm the one who should say sorry." Napakamot si Luke sa kanyang batok. "Sori po Mister. Hindi ko masyadong naitindihan ang sinabi niyo. Ang alam ko lang ay sorry." King chuckled. Ginulo niya ang maitim at medyo mahabang buhok ng bata at tunagalog ang kanyang sinabi. "Okay lang po iyon sa 'kin." Muling napangiti si King sa inasal ng bata. Sa kabila ng mga nararamdaman ay may kung anong humaplos sa puso ko habang nakatingin sa kanila. "What's your name agai-- Oh sorry, ano nga ulit ang pangalan mo?" Inaamin ko na hindi masyadong nakakaintindi si Luke ng ingles dahil tagalog ang namulatan niya. Kabaligtaran si Duke na nakakaintindi at nakakapagsalita nito. "Yes po. Pero ang kumpletong pangalan ko po ay Prince Luke Callente and I'm five years old na po." Sagot nito sabay taas ng kanang kamay nito. "Prince Luke huh? A royal name like me." Namamanghang wika ng ama. Kahit sukdulan ang galit ko kay Kingsley ay binase ko pa rin sa pangalan niya ang pangalan ng dalawa gaya na rin ng hiling ni Devon noong pinagbubuntis pa lang niya ang mga ito. "Atsaka meron pa po akong kakamb---" bago pa man matapos ni Luke ang sasabihin ay inunahan ko na ito. "Sir malapit na po itong matapos. Luke halika na rito." Yumuko si Luke kay King bago ito lumapit sa akin. Tama ng isa lang sa kambal ang makita niya dahil hindi ko na kakayanin kapag nakilala pa niya si Duke. I mouthed "behave" to Luke at tumango naman ito. Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang pagtayo ni Kingsley. "You raise him very well. Adorable and most of all a respectful kid. You impressed me again Mr. Callente." Pinilit ko ang ngumiti sa kanyang sinabi. Ngayon, sigurado na akong wala nga siyang alam sa mga bata. Ayaw ko na ring isipin kung bakit nakalimutan niya ako at ang kapatid ko. Ipagpapasalamat ko na lamang iyon. Itinali ko na ang ribbon sa bouquet at pagkatapos ay binigay ko na ito sa kanya. He commented "beautiful" on it. "Sa counter na lang Sir." Sabi ko sabay hila kay Luke papunta roon. Agad na sinilip ko si Duke na tahimik sa paglalaro sa cellphone ko. "Kuya, ako naman!" Biglang sigaw ni Luke sabay agaw sa cellphone dito. Awtomatikong napatingin ako kay Kingsley kasabay ang pagbayo ng dibdib. Mabuti na lang at may katawag siya. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para sawayin ang dalawang bata. Naging maingay kasi ang mga ito dahil pinag-aagawan nila ang cellphone. Muli akong bumaling ng tingin kay Kingsley na ngayon ay papalapit na sa counter. Tapos na niyang kausapin ang katawag. Kinuha niya mula sa kanyang bulsa ang pitaka. Nakasunod naman ang mga mata ko sa galaw niya. Halos mapasinghap ako nang makita iyon. Mabilis akong umiwas ng tingin. Naging maalinsangan ang paligid. Sinaway ko naman ang sarili. Bakit ba kasi napansin ko pa iyon? Pagkatapos niyang bayaran ang bouquet ay agad siyang nagpaalam. Pero paniguradong babalik daw siya para bumili ng bulaklak. Doon na ako nakahinga ng maayos nang mawala siya. Agad akong napaluhod at mabilis na niyakap ang mga bata. Bumuhos din ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bagamat nagtataka, niyakap na lang ako ng dalawa. Saka na sila nagtanong nang bitawan ko sila. ISANG linggo na ang nakalipas nang huli kong makita at makausap si Kingsley pero ang kaba at takot ko ay hindi pa rin nawawala. Bawat araw ay palagi akong nangangamba na baka mawala sa akin ang kambal. Hindi ko na sila tuloy dinadala sa shop. Subalit dahil Linggo ngayon at walang magbabantay sa kanila, wala akong ibang pagpipilian kung 'di isama sila roon. Pinagsabihan ko na lang sila na manatili sa ilalim ng counter kung saan sila pinapanatili. Hinihiling ko na sana walang Kingsley na lilitaw ngayong araw. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga bulaklak nang bigla na lang may nagsalita sa likod ko. "Hi Devin!" Muling lumukob ang kaba sa dibdib ko nang mapagsino ko ito. Si Glenn! Anong ginagawa niya rito? Kung mas natatakot ako kay Kingsley ay mas natatakot ako rito kay Glenn. Malakas ang kutob ko na may alam siya sa pagkatao ng mga bata at umaakto lang ng walang alam. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya. "Hi Glenn. W–Welcome." "Thanks!" Sabi niya at ngumiti. Nilagpasan niya ako, nagsimulang maglakad at inilibot ang tingin sa loob. Nag-aalangang sumunod ako sa kanya. Pakiramdam ko mauubusan ako ng lakas habang papalapit siya sa kinaroroonan ng kambal. "Wow! Ito pala talaga ang shop mo? In fairness ang ganda." Komento niya. "Salamat." Nilingon niya ako at ningitian. His smile is genuine. Pilit naman ang sa akin. Paano pa ba ako makakangiti sa kabila ng nararamdaman kong ito? "So... Where's the twin?" Tanong niya. Inaasahan ko na talaga na hahanapin niya ang kambal. Wala naman akong nagawa kung 'di tawagin ang dalawa. There's no way to stop this. Ang tanging magagawa ko na lamang ay tanggapin at ihanda ang aking sarili sa mga posibleng mangyari. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito kakayanin. "Po?" Boses ni Luke ang narinig ko. Napalingon naman sa counter si Glenn nang lumabas ito mula roon. "Kuya Glenn! Napadalaw po kayo?" Sa mabilis na sandali ay nasa harap na niya ito. "Hi Luke. Kumusta ka?" Tanong niya rito sabay gulo sa buhok ng bata. "Okay na okay po. Kuya Glenn namiss ko pong magswimming. 'Di ba sabi niyo magsi-wimming tayo ulit?" Napatawa si Glenn sa niwika nito. "Of course! Magsi-swimming ulit tayo. Kailan niyo gustong pumunta ulit sa resort namin? Ay teka nasaan si Duke?" Lumabas na rin ang isa at lumapit sa kanila. "Ito na pala ang isang prinsepe e." Tanging nakatingin lamang ako sa kanilang tatlo. Patuloy na kinakabahan at nangangamba. Hindi ako makaimik. "So kailan niyo balak pumunta sa resort?" Muling tanong ni Glenn sa dalawa matapos ang mahabang diskusyon nila tungkol sa mga nangyari noong nandoon kami sa resort. Sabay na napatingin sa akin ang kambal. Alam ko na kung sila lang, gustong-gusto nila ang pumunta roon subalit hihingi rin sila ng permiso sa 'kin. Napalingon din si Glenn sa akin. Siya ang nagsalita para sa kambal. "They want to go to the resort. Pumayag ka na Devin. Ako na ang bahala sa inyo roon. Hindi ka naman gagastos." "Please daddy-tito, payag ka na po. Gusto po namin ulit magswimming ni kuya," dagdag pa ni Luke. "Sige na po Daddy-tito." Segunda ni Duke. Matagal bago ako sumagot. Kalaunan din ay tumango ako bilang tugon kahit labag sa kalooban ko. Tuwang-tuwa ang kambal at nagtatalon pang lumapit sa akin at yumakap. Kahit papaano ay nawala ang alalahanin ko. "They're cute and adorable. Kaya gustong-gusto ko talaga sila eh. " Napatingin ako kay Glenn nang magsalita siya. "Maraming salamat Glenn." "No need to thank me Devin. Ako naman ang may gusto eh. And besides, I'm bored at the resort." "Kami na lang po ang magpapasalamat kuya Glenn. Maraming salamat po." Sabad ni Luke. "You're welcome Luke. So ano, kailan niyo gustong pumunta sa resort?" "Alanganin na kung mamayang hapon Glenn. May mga klase rin kami the whole weekdays. Sa Sabado na lang siguro." "Okay. Kayo ang bahala. Basta anytime welcome kayo sa resort namin. Just call me. By the way, Can I get your number for easy communication. Gusto ko nga sanang hingiin kay Katleen pero dahil magkaaway kami ay hindi ko na lang hiningi. Hate ko talaga ang lintang 'yon lalo na ngayon na nandito si kuya. I'm sure, didikit na naman ang bruhang iyon sa kanya." Everytime na naririnig ko ang pangalang Kingsley ay mabilis akong kinakabahan at pinangangambahan. Paniguradong muling magkukrus ang landas namin ni Kingsley sa muling pagpunta namin sa kanilang resort. Ito na ang ikinatatakot ko dahil paniguradong makikita na niya si Duke. He's little version. *** Sabado, maaga kaming nagising dahil maaga rin kaming aalis papunta sa resort ng mga Alegre. Kagabi pa lang ay nag-ayos na kami ng mga dadalhin para hindi na kami mahirapan ngayon. Sobrang sabik nga ng kambal at hindi na makapaghintay na makapunta sa resort. Gusto na nila ang magswimming. Wala na silang bukambibig kundi ito. Kagabi pinag-iisipan kong mabuti kung tutuloy ba kami ngayon. Maraming mga what ifs na pumasok sa isipan ko. Ang utak ko ay kung anu-ano ng pinag-iisip basta tungkol sa mga Alegre. Katulad nito ay ganoon din ang puso ko. Maraming nararamdaman. Nandoon ang mga takot at pangamba. Siguro kung may kasama lang akong matanda rito ay napagsabihan na akong praning. Iniisip ko lamang ang kambal. Dahil sa lahat ng pwedeng mangyari ay sila ang labis na maaapektuhan at masasaktan. "Halika na po daddy-tito! Ang tagal mo naman eh!" Sigaw ni Luke mula sa labas ng bahay. Itong batang 'to, hindi talaga makapaghintay. "Oo na! Andyan na." Sigaw ko pabalik. Kinuha ko na ang may kalakihang backpack at isinukbit ito sa likod ko. Pagka-lock ng bahay ay agad kaming umalis. Sa taxi kami sumakay since di naman gaanong kalayuan ang resort. Para na rin komportable sa dalawa. Baka maubusan sila ng energy sa byahe pa lamang at hindi nila ma-eenjoy ang swimming mamaya. Habang nasa byahe ay itineks ko na si Glenn na papunta na kami. Mabilis siyang nakapagreply at sabi niya'y maghihintay siya sa entrance ng resort. Hindi ko alam kong maniniwala ako sa kabaitan ni Glenn. We just met at sa unang kita pa lang niya sa kambal ay naging magaan agad ang loob niya sa nga ito. Maybe its the blood that runs through their veins. Hindi ko na siguro kailangan magdoubt sa lukso ng dugo. Pero kung totoosin kasi, he shouldn't be kind to us sa kunting panahon lamang na nagkakilala kami. Subalit wala na akong magagawa. Pagkakataon na ang naglalapit sa amin sa mga Alegre. "Nandito na tayo." Pagpapaalam ko sa dalawa. Napasigaw naman si Luke at sabik na sabik na dumungaw sa binatana ng taxi. "Baba na po tayo daddy-tito." Pahayag niya. Binuksan ko na ang pinto at bumaba na kami. Pagkatapos kunin ang bag ay bibayaran ko na ang taxi. Nag-panic ako nang pagtalikod ko ay hindi ko na nakita ang kambal. 'Yon pala'y nasa entrance na sila at masayang nag-uusap. I sigh in relief. Inayos ko ang gamit at sumunod na sa dalawa. Saktong paglapit ko sa dalawa ay lumitaw si Glenn. Sabik siyang tinawag ng dalawa. Napansin na ako ni Glenn pero inuna niya munang kausapin ang kambal. "Magandang umaga sayo Glenn. Salamat sa pag-imbita sa amin dito sa resort mo." "No need to thank me. Ako ang may gusto kaya hindi ka na dapat nagpapasalamat." Ngumiti na lamang ako at napatungo dahil sa kanyang sinabi. "Kuya turuan mo ulit ako nung tinuro mo sa akin dati ah!" Sabay kaming napatingin kay Luke. Kausap niya ang kanyang kapatid na mataman lang na nakikinig sa kanya. "Oo bunso, tuturuan ka ng kuya." "They're too excited." Natatamwang wika ni Glenn. Nakatingin siya sa kambal at pagkuway bumaling na siya ng tingin sa akin. "How was your week Dev?" "Maayos naman." Tanging sagot ko lang. Napatango-tango siya. "Good. So halina kayo. I will show your room para naman makapagpahinga na ang kambal at mamaya makapagswimming na sila." Tatalikod na sana si Glenn nang pigilan ko siya. "Ahm Glenn. Hindi naman kailangan pang bigyan mo kami ng room. Sobra na iyon Glenn." "Hindi iyon sobra Devin. Para naman sa kambal iyon. For they feel comfortable." "Pero pwe—" "No buts Devin. This is what I want and for the twins. Lets go!" Hindi na ako nakapagsalita nang tumalikod na siya. Inaya na niya ang kambal at nauna silang naglakad. I sigh in defeat. Wala na akong magagawa. Muli kong inayos ang pagkakasukbit ng bag sa likod ko at sumunod na lamang sa kanila. *** "Wow kuya Glenn! Ang ganda po ng room niyo po." Natawa si Glenn sa naging reaksyon ni Luke pagpasok namin sa loob ng isang kwarto. Bumungad sa amin ang may kalakihang kwarto. Kulay puti ang pinta ng nito at halos may kulay ng punti o di naman may touch ng kulay puti ang lahat ng gamit sa loob. Malinis, maayos at mabango ang buong kwarto. "It's not my room Luke. Sa inyo ito ngayon." "Ahm Glenn baka nagkamali ka lang ng bigay sa amin ng kwarto." Nginitian ako ni Glenn. "Ito 'yon Devin. Hindi ako nagkakamali." "Waaaah! Daddy-tito! Tingnan niyo 'yong bowl sa banyo po. Ang linis ng tubig. Parang pwedeng inumin." Napatingin kami ni Glenn sa may bandang banyo. Bukas ito at nasa loob si Luke. "Nakakatuwa talaga ang mga anak mo." "Salamat." Tinulungan kami ni Glenn sa pag-aayos ng mga gamit. Tahimik lang ako dahil ang kambal ang kausap niya. Hindi kasi nauubusan ng mga tanong si Luke kaya walang pagkakataon na nakakausap ako ni Glenn. Pagkatapos naming mag-ayos ay inaya na kami ni Glenn sa labas. Akala ko ipapasyal niya kami subalit dinala niya kami sa isang restaurant dito sa resort nila. "I didn't tell you baka kasi sabihin mo namang nakakahiya. Lets go, pasok na tayo." As if I have a choice anymore. Napabuntong-hininga na lamang ako. Panay ang tingin ko sa loob. It's been a long time since nakapasok ako sa ganitong klaseng restaurant. Simula nang masalimuot na pangyayari sa aming buhay ay di na rin ako muling nakapasok sa ganitong lugar. "Di pa po ba tayo kakain kuya Glenn?" Tanong ni Luke. "Huwag ganyan Luke. Matuto kang maghintay. Nakakahiya sa kuya Glenn mo." Pabulong na saway ko kay Luke na katabi ko lamang. Natawa si Glenn. "It's okay Devin. Alam ko namang gutom na ang mga bata." Bumaling siya kay Luke. "Sorry Prince Luke ha. O-order na rin tayo. May hinihintay lang tayo. Kapag hindi siya dumating within five minutes ay mag-oord---" "Sorry I'm late. May tinapos lang akong business meeting." Umupo ito sa bakanteng upuan sabay tingin sa akin. Parang tinakasan ako ng dugo nang magtama ang mga tingin namin. "Hi there Mr. Callente. Ikaw pala ang sinasabing bisita ni Glenn. Nice to see you here. Oh! Kasama mo pala 'yong anak mo. Prince Luke right?" Tanong niya kay Luke na ngayon ay nakakunot ang noo. Tila iniisip niya kung kilala niya ito. Bago pa man makapagsalita si Luke ay muling nagtanong si Kingsley nang bumaling ang tingin niya sa katabi ni Luke. Kumunot ang kanyang noo. Ito na ang ikinatatakot ko. Naghuhurumentado ang puso ko sa matinding kaba. "Who's that kid beside you Glenn?" Hindi maalis ang tingin ni Kingsley kay Duke na ngayon ay kunot-noong nakatitig din sa kanya. "He's Prince Luke's twin brother kuya. Prince Duke ang pangalan niya." "M–May kakambal pala ang anak mo Mr. Callente? Why I didn't saw him in your shop?" "Daddy-tito, bakit parang magkamukha sila ni kuya?" Bulong na tanong sa akin ni Luke. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD