Nagtatalo ang katawan at isip ko kung papasok ba ako sa convention hall. Simula nang tumawag si Glenn upang imbitahan ako ay hindi na nawala ang matinding kaba sa dibdib ko.
Matagal bago ako nagdesisyong pumasok sa loob ng hall. Nanginginig pa ang paa ko habang humahakbang.
Tinanong muna ang pangalan ko at after macheck na nandoon ako sa guest list ay pinapasok agad ako.
Sumalubong sa akin ang malamyos na saliw ng musika ng pagbuksan ako ng glass door. Katamtaman din lamang ang liwanag na binibigay ng mga ilaw sa paligid.
Natuod naman ako sa kinatatayuan nang makita ang mga taong naroroon. Tila nanliit ako sa aking sarili. Mararangya ang mga kasuotan ng mga tao sa loob lalo na ang mga kababaihan.
Hindi ako nababagay sa klase ng pagtitipon na kagaya nito. Hindi na dapat ako pumunta. Sa loob-loob ko.
Agad akong napatalikod at lalabas na sana nang pigilan ako ng isang boses.
"Hey Devin! Ikaw ba 'yan? Mabuti naman at nakarating ka. I thought you will decline."
Humarap ako sa taong 'yon. Ang gwapo nito sa suot nitong suit. Hindi mo aakalain na isa pala siya sa tulad ako.
"Sir Glenn. Good evening." Bati ko sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay. Bahagya akong tumungo. "S-Sorry Glenn. Good evening." Nakalimutan ko na ayaw niya pala ng formality.
"That's better. By the way, you look handsome tonight. I'm sure maraming lalapit sayo at magpapakilala." Napatungo ako sa kanyang sinabi.
"Salamat."
"Don't be like that. Nagmumukha tuloy akong matanda. No need for formality Devin. Magkasing-edad lang naman tayo eh. And we are in the same track."
Nang tingnan ko ang mukha niya ay malapad na ngiti ang nakaukit dito. Hindi ako makapaniwala na pinapansin talaga ako ng isang Glenn Clyde Alegre. Buong akala ko noon ay napakasuplado niya. Na masama rin siya dahil isa siya sa tinaguriang b!tch noong high school kami. Nabalitaan ko pa na may nabully ito. Maybe he changed. O pili lang ang taong binibigyan niya ng kabaitan.
Pinilit ko ang mapangiti sa kabila ng naghuhurumentado kong puso.
"Sana dinala mo 'yong mga pamangkin mo. I really like them. They are cute and adorable. But it's okay, makikita ko rin naman sila next time, right? Wait Devin, can I ask you a favor?"
"S-Sure."
Nangangako ako sa sarili ko na hindi na dapat magkaroon pa ng papel sa buhay namin ang mga Alegre. Ngunit tila ba mapaglaro ang tadhana dahil unti-unti kaming pinaglalapit nito sa kanila.
Ito na 'yong kinatatakutan ko. Pero sana hanggang dito na lang. Hindi na sana malaman pa nila o ni Kingsley ang tungkol sa totoong pagkatao ng kambal.
"Pwede ko ba silang bisitahin sa inyo?" Nagulat ako sa naging pabor niya. Sobra na akong kinakabahan sa mga kinikilos ni Glenn. Tila may alam siya.
"Don't get me wrong Devin ha. I just really like the twins. I told you how much I want to have pamangkins right? Wala naman akong masamang intensyon sa kanila. Ewan ko ba kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanila lalo na kay Luke. He reminds me of myself. Ganyan na ganyan ako noong bata pa ako." Bahagya siyang tumawa. "Makulit at maingay. Kahit naman siguro hanggang ngayon ay ganoon pa rin ako." Pagpapatuloy niya.
Hindi agad ako nakasagot pero sa huli pumayag na rin ako at alam kong pagsisihan ko ang desisyong ito sa huli. Ano pa ba ang magagawa ko. Sa akin ay ayaw ko talaga na makilala at malaman pa nila ang tungkol kina Luke at Duke subalit kalaban ko na ang pagkakataon. Hindi habang buhay maitatago ko ang katotohanan.
Alam ko balang araw ay tatanungin din ako ng mga pamangkin ko sa totoo nilang ama. Sinadya ko kung bakit nagpakilala ako bilang kapatid ng ina nila. Hindi ko man hihilingin na mangyari, pero baka dumating ang panahon na iisipin nila na sinungaling ako. Subalit dahil na rin sa pagtatago ko sa kanila ay parang ganoon na rin ang ginagawa ko.
Nagawa ko lamang iyon dahil hindi inako ni Kingsley ang pagbubuntis ni Devon noon na dahilan din paghihinagpis ko ngayon. Kaya wala siyang karapatan sa mga anak ko.
"The party will start in a few minutes. Let's go. Mamaya ipakikilala kita kay mommy. She wanted to meet you also. But first, ipakikilala muna kita sa mga friends ko." Agad siyang tumalikod at naglakad pagkatapos niyang magsalita.
Hindi ako kumilos kaya nilingon niya ako ng at muling inaya. "Lets go!"
Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod sa kanya.
Hindi pa rin nawawala ang matinding kaba ko at mas nadadagdagan pa ito habang papalapit kami sa harapan lalo na nang makaharap namin ang kanyang mga kaibigan. Mga kaibigan na kagaya rin namin.
"Kiel, Harly!" Tawag niya sa mga pansin nito. Napaharap ang mga ito sa amin lalo na sa 'kin. Tutok ang mga mata nito sa akin na parang kinikilatis ang buong pagkatao ko. Napayuko na lamamg ako.
Ilang beses na ba ako nakaramdam ng pagkahiya sa araw na 'to?
"Guys, I want you to meet Devin. New found friend ko. A owner of a flower shop. They're Kiel and Harly, Devin. They are my best since I don't know."
Wala akong ideya kung bakit ipinapakilala ako ni Glenn sa kanyang mga kaibigan. At wala din akong ideya kung bakit siya ganito kabait sa 'kin.
Mabait din ang mga kaibigan ni Glenn. Kung sa unang tingin aakalain mong lalaki sila. Kaya marahil naging magaan agad ang loob ko sa kanila dahil katulad ko rin sila.
Nagsasalita lang ako kapag tinatanong nang mag-umpisa kaming mag-usap. Kahit ginawa na nila akong kaibigan ay hindi pa rin ako komportable. Panay din ang tingin sa paligid na ngayon ay napupuno ng mga mayayaman at makapangyarihang tao.
Mabuti na lamang din at pinakilala ako ni Glenn sa kanyang mga kaibigan dahil kahit papano ay hindi lumala ang kabang nararamdaman ko.
Nalaman ko na school mate ko pala si Kiel. Third year Civil Engineering Student. Kaya pala pamilyar siya sa akin dahil nakikita ko siya sa school. Si Glenn at Harly naman ay sa isang university din dito sa lugar namin nag-aaral. Pareho rin silang Third year. Pare-pareho rin naman kami ng course ngunit magkaiba lang ng mga major.
Mayamaya pa'y tumigil ang tugtog. Kasunod nito ang pagsasalita ng isang tao sa microphone. Marahil ito ay ang emcee.
Sa kadihilanang iyon kaya dumagundong na naman ang dibdib ko. Ito na. Makikita ko na siya. After all these years, makikita ko na ang taong kinamumuhian ko.
"He's here Devin. Makikita mo na ang kapatid ko."
"Good evening ladies and gentlemen! Are you all having a great time? Well we hope you do, after all it is what this event is all about. Tonight's event is spearheaded by the CEO of Alegres' group of company and Golden Dove Business Tycoon Awardee, none other than Gregory Alegre Senior." Tumigil sa pagsasalita ang emcee upang bigyang pugay sa pamamagitan ng palakpak ang ama ni Glenn na sinundan ng mga bisita.
"Almost 6 years ago, when Mr. Alegere Senior's family decided to migrate to Canada, to send their heirs to a prestigious school and allow them to experience innovations at its best. But, just like a tree who bears good fruits, they all go back to where they are rooted. 3 years after, the two children of the Alegre returned home to pursue their dreams and studies. In the comfort of their parents, one of them suceeded and the other one is doing good with his studies. On the other hand, the main goal of this preparations we have tonight is to welcome back the older son of the Alegre family. For the past 6 years, he spent most of his days and hours learning and experiencing much about their family business. And after years of acquiring knowledge and skills in the business world, he is now back and ready to handle the empire of the Alegre. The king has finally return! Let us all give our warm welcome applause to the next CEO of Alegre Group of Companies and Alegre Internationale! The gorgeous and sexy bachelor of his generation! The guy behind the face of the Alegre empire! The king himself! Mr. Kingsley Andrew Alegre!"
Muling nagpalakpakan ang mga tao habang ako'y matinding kaba ang bumalot sa buong pagkatao lalo na nang unti-unting nakikita ko ang taong dahilan ng nararamdaman kong ito.
Napatuon ang lahat ng atensyon ko sa kanya habang unti-unting napapalitan ng galit ang buong pagkatao ko.
Ibang-iba na siya matapos ang ilang taon. He changed a lot. He looks serious, mature and responsible now. Hindi katulad noon.
Subalit bumalik ang lahat ng masasamang alaala. Lahat ng kasamaang ginawa niya sa kapatid ko. Lumipas man ng ilang taon ay nanatili pa rin ang galit ko sa kanya.
Ngumiti siya nang makarating sa gitna ng stage. Kung titingnan ko ang lahat ng kababaihan at mga kagaya ko, malamang ay hinahangaan na nila ang taglay nitong kagwapuhan. Kung hindi dahil sa galit, sana'y humanga na ako sa kanya ngayon.
Hindi ko namalayan na may tumatakas na palang mga luha mula sa mga mata ko habang nakikita ko na masaya ang dahilan ng paghihinagpis ko ngayon.
"And now, let's her a word from him."
"Good evening everyone. First of all I would like to thank dad and mom as well as my brothers who prepared all of this for me. For six years of being away from the philippines, I almost forgot the look and the feel of my homeland. Yet, I am rooted here and here is where my family is and so here is where I will stay. So as of today, you will be seeing more of me in the coming days! But, tonight is the night for fun. So let us just enjoy the party and leave all endeavors in the future! Enjoy all!"
"Ahm magc-cr lang ako." Umalis na agad ako at hindi na hinintay pang magsalita ang tatlo.
Sa loob ng cubicle ko binuhos ang lahat. Hanggang ngayon masakit pa rin sa akin ang pagkawala ng dalawang pinakamamahal kong babae. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng sakit. At hanggang ngayon hindi ko pa rin napapabayad si Kingsley sa lahat ng ginawa niya sa kapatid ko.
Napaka-unfair na sa kabila ng ginawa niya ay wala man lang akong nakitang pagsisisi mula sa kanya. In fact, he's already successful and happy with his life.
Tumigil ako sa pag-iyak. Hindi na lang pwede na ganito ako palagi. Na nagiging mahina sa tuwing naiisip ko si Devon at si Mommy. Kailangan kong maging malakas para sa mga pamangkin ko. Alam kong hindi na hangad nina mom at Devon ang maiganti ko sila sa mga ito.
Nang mamatay si mommy at Devon ay sa akin nila ipinaubaya sina Duke at Luke. Kaya hindi dapat ako magpapaapekto ng ganito.
Wala akong pakialam kung muling papasok sa buhay namin si Kingsley. Dahil kahit pa iisa-isain ko ang lahat ng nangyari noon, ay wala talaga siyang karapatan sa mga anak ko. Isa siyang iresponsableng tao. Hindi man lang niya inisip ang maaring pagdaanan ng kapatid ko noon. Wala siyang puso't kaluluwa. Sabagay, meron pa bang ganyan ang katulad niyang pinaglalaruan lamang ang puso ng mga babae.
Nang masigurado ko na hindi na ako iiyak ay lumabas na ako ng cubicle at inayos ang sarili ko sa harap ng salamin. Pagkatapos ay lumabas na ako at bumalik sa table kung saan ako nanggaling kanina.
Naestatwa naman ako sa aking kinatatayuan nang makita ko siya sa kalapit na table at kausap ang mga businessman at ilang makapangyarihang tao.
"Why are you standing there?" Nagulat naman ako nang may sumulpot sa tagiliran ko. Si Kiel. "Kanina ka pa namin hinihintay. Akala namin nilunod ka na ng banyo. By the way, ang swerte mo dahil gusto kang makilala ni kuya Kingsley."
Napanganga ako sa kanyang sinabi. B-Bakit ako gustong makilala ni Kingsley?
Muling napatuon ang atensyon ko sa kanya. Binalot na naman ako ng matinding kaba.
"Pero sakto namang umalis ka at pumunta ng banyo. Baka mamaya magkakakilala na ako."
Gusto kong tanungin si Kiel kung bakit ako gustong makilala ni Kingsley pero hindi ko na ito natanong dahil hinila niya na ako pabalik sa table namin kanina.
"Ang tagal mo naman sa c.r Dev. Kuya wanted to meet. He asked me kasi about the flowers so told him everything. I told you mahilig sa bulaklak ang kapatid ko." Bungad sa akin ni Glenn nang makarating kami roon.
"Pasensya na." Pagpaumanhin ko.
"It's okay mamaya naman babalik si kuya rito. Atsaka ipapakilala rin kita mamaya kay mommy. You're so lucky Devin. Getting my family's atention, will give you a big opportunity lalo na't sila pa ang nakapansin sayo."
Alam kong malaking opurtunidad ito para sa Flower shop ko ngunit natatakot ako dahil malaking opurtunidad din ito para mapalapit sila sa kambal.
Nanatili lang kami sa table at nagpatuloy sa pag-uusap tungkol sa mga sari-sariling buhay. Well, sila lang dahil nakasunod ang mga mata ko kay Kingsley.
Hindi ko naman mapigilan na ikuyom ang kamao. Gustong-gusto ko siyang sulungin at sapakin.
"You like him?" Napatingin ako sa katabi kasabay ang pagkunot ng noo ko sa naging tanong niya. "Si kuya. Do you like him? Kanina ka pa kasi titig na titig sa kanya. Sabagay, sino naman ang hindi magkakagusto sa kanya. Kahit naiinis ako diyan sa kapatid ko, hindi ko naman maikakaila na gwapo siya. No wonder he's the one of the top 10 most handsome elite bachelor in the country. Kahit pa naman dati ang dami na niyang national awards. Almost perfect na sana kaso babaero lang. Hindi man lang niya ginamit sa tama ang binigay sa kanya. Kaya nga hinihiling ko na sana makabuntis na siya para magbago na ang kuya kong 'yan. He's hard as rock. Hindi na namin siya kasi mapagsasabihan."
Nagpatuloy ako sa pagkukwento si Glenn tungkol kay Kingsley. Hindi ko gustong marinig ang tungkol sa buhay nito pero ayaw ko naman maging rude kay Glenn.
Marami akong nalaman tungkol sa kanya sa nagpalala ng galit ko. Habang nagpapakasaya ito sa ibang bansa, kami naman ay nagdurusa.
Ano man ang narating ni Kingsley ngayon, kahit sobrang successful niya, isa pa rin walang kwentang tao para sa akin. Hindi matatabunan ng lahat ng ito ang kasamaan niya.
Ilang beses kaming nagpaglit ng mga topic hangang sa tumigil kami sa pag-uuaap nang tawagin si Glenn marahil assistant ng kanyang mommy.
Nagpaalam din ako kina Kiel at Harly upang tawagan si Ate Joy na nasa bahay at binabantayan ang kambal.
Lumabas ako ng convention hall. Kinuha ko agad ang cellphone at tinawagan si Ate Joy.
"Hello Devin."
"Hello Ate Joy. Kamusta ang mga baby ko?"
Mabuti na lang at pumayag si Ate Joy na bantayan muna sina Luke at Duke. Kasama niya ang kanyang asawa ngayon sa bahay namin.
"Nakatulog na sila Devin kanina pa. Ikaw, kamusta ang event?"
"Okay naman ate Joy. Maraming salamat pala sa pagbabantay sa dalawa ah."
"Naku anak, maliit lang naman na bagay ito."
"Maraming salamat pa rin po. O sige ate Joy, bababa ko na ito. Kinamusta ko lang ang mga anak ko. Bye ate."
"Bye. Ingat sa pag-uwi Devin. Teka lang anak magpapasundo ka ba mamaya?"
"Naku huwag na ate Joy. Magpahinga na lang kayo. Kaya ko ng umuwi mag-isa."
"Gabi na anak baka kung mapa'no ka."
"Okay lang ate Joy. Huwag na kayong mag-alala, magtataxi na lang po ako."
"O siya kung 'yan ang gusto mo anak. Mag-iingat ka ha."
"Opo. Sige po bye."
Pinatay ko na ang tawag at binaba ang cell phone. Matagal akong nanatili sa kinalalagayan ko. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagdesisyong pumasok sa hall.
Wala na sina Kiel at Harly sa pwesto namin nang bumalik ako. Nakita ko sila na may kausap na ibang tao. Hindi pa rin bumabalik si Glenn dito. Gusto ko kasing magpaalam na dahil medyo gumagabi na. Irarason ko na lamang na masama ang pakiramdam ko. At isa pa, parang hindi ko pa kayang harapin. Parang ang bilis ng pangyayari. At kung hindi dahil sa pagkakataon wala akong balak harapin si Kingsley?
"Devin," napalingon ako kay Glenn na sana hindi ko na lang ginawa.
"He's the one kuya. Meet Devin Callente, the owner of Fleurs Beniés Flowershop. Devin, meet my kuya, Kingsley Andrew Alegre."
"Please to meet you Mr. Callente." Pakilala nito sabay lahad ng kamay. "You know what, you look familiar. Have we met before?"
Hindi sana ako dadalo sa event pero napilit ako ni Glenn. Lalo pa't sinabi niyang gusto akong makilala ng kanyang Mommy. I have all the decision to decline but I have this feeling that I need to attend the party. Baka kasi kapag tumanggi ako, gugulo ang lahat.
Sumalubong sa akin ang malamyos na saliw ng musika nang makapasok ako sa bulwagan. Natuod ako sa kinatatayuan nang makita ang mga taong naroroon. Tila nanliit ako sa aking sarili. Mararangya ang mga kasuotan ng mga ito lalo na ang mga kababaihan.
Hindi rin ako mapakali dahil nag-iisip ako ng sasabihin kapag nakaharap ko na si Mrs. Alegre. Gusto raw ako nitong makausap. Kahit hindi ako nito kilala, kinakabahan pa rin ako. Hinihiling ko na sana na magiging maayos lang ang lahat para sa akin mamaya.
Ipinaalam ko kay Glenn sa teks ang pagdating ko. Ilang sandali pa'y nakita niya ako. Pagkuwa'y iginaya niya ako sa isang mesa. Ipinakilala niya ako sa mga taong nandoon. Mga kaibigan at kakilala niya. Sandaling kinausap niya lang kami at mayamaya pa'y nagpaalam na siya sa amin dahil kailangan siya sa harap.
Napakalagayan ko ng loob ang mga kaibigan ni Glenn. Mababait ang mga ito. Ilan sa kanila ay kaklase niya. Sa kanila ko rin nalaman na kumukuha pala siya ng Architecture at nasa ikaapat na taon na.
Ilang sandali pa'y natigil kami sa pag-uusap nang tumigil ang tugtugin kasunod ang pagsasalita ng emcee.
"Good evening ladies and gentlemen! Are you all having a great time? Well, we hope you do! After all it is what this event is all about. Tonight's event is spearheaded by the CEO of Alegres' group of company and Golden Dove Business Tycoon Awardee. None other than, Gregory Alegre Senior." Tumigil sa pagsasalita ang emcee upang bigyang pugay sa pamamagitan ng palakpak ang ama ni Glenn na sinundan ng mga bisita.
Mahaba ang naging introduction para kay Kingsley. Pinaliwanag ng emcee kung ano ang napagdaanan niya sa halos anim na taong paninirahan sa America. Kung paano siya nag-aral ng mabuti at naghanda para sa paghawak niya sa kanilang kompanya hanggang sa tinawag siya paakyat sa stage.
"Let us all give our warm welcome applause to the next CEO of Alegre Group of Companies and Alegre Internationale! The gorgeous and sexy bachelor of his generation! The guy behind the face of the Alegre empire! The king himself, Mr. Kingsley Andrew Alegre!"
Muling nagpalakpakan ang mga tao nang umakyat sa entablado ang lalaking sumira sa buhay ng kapatid ko. Ang lalaking naging dahilan kung bakit napuno ng galit ang puso ko.
"And now, let's hear a word from him." Anunsyo pa ng emcee.
"Good evening everyone. First of all, I would like to thank Dad and Mom as well as my brother—Glenn who prepared all of this for me. For six years of being away from the Philippines, I almost forgot the look and the feel of my homeland. Yet, I am rooted here and here is where my family is and so here is where I will stay. You will be seeing more of me in the coming days! But, tonight is the night for fun. So let us just enjoy the party and leave all endeavors in the future! Enjoy all!"
Ibang-iba na siya ngayon. Malaki ang pinagbago ng pisikal na itsura niya. Mas naging gwapo, matangkad at matikas na siya. Pero may iba akong nakikita sa kanya. Nawala na ang playful na Kingsley na kilala ko. Nakikita kong mas tila naging seryoso na siya at responsable. Pero para sa akin, isa pa rin siyang masamang tao.
Tumayo ako at pumunta ng banyo. Doon ko binuhos ang lahat ng hinanakit ko. Naalala ko bigla si Devon. Hanggang ngayon masakit pa rin sa akin ang pagkawala niya. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng sakit. Hanggang ngayon hindi ko pa rin napapabayad si Kingsley sa lahat ng ginawa nito sa kanya.
Napaka-unfair na sa kabila ng ginawa ni Kingaley ay wala man lang akong nakitang pagsisisi mula sa kanya. In fact, he's already successful and happy with his life.
Tumigil ako sa pag-iyak. Marahas kong pinahid ang luha sa mga pisngi. Hindi pwede na ganito ako palagi. Na nagiging mahina sa tuwing naiisip ko sina Devon at Mommy. Kailangan kong maging malakas para sa mga pamangkin ko. Hindi ko sila pwedeng biguin.
Nang masigurado ko na hindi na ako iiyak ay lumabas na ako ng banyo at bumalik sa mesa kung saan ako nakaupo kanina.
Wala na si Kingsley sa stage pagbalik ko. Ang ama niyang si Gregory Alegre na ang nagsasalita. No'n ko lang din nakita ito at ganoon na rin ang may bahay nito na nakaupo sa isang mesa na harapan kasama si Glenn at Kingsley.
Nang matapos ang ilang mga speeches ay nagsimula na ang mga tao sa pagpapakilala.
Gusto ko na sanang umuwi dahil parang hindi pa ako handa na makilala si Mrs. Alegre. Hindi ko rin gusto ang katotohanang isang hangin lang ang hinihingahan namin ni Kingsley. Hindi ko na siya kayang makita pa. Napupuno ako ng galit at sakit. Sa tuwing nakikita ko kasi ang pagmumukha niya, naaalala ko ang ang lahat ng paghihirap ni Devon na dinanas nito sa kanya.
Hindi nagtagal ay bumalik si Glenn sa pwesto namin. Agad niya akong nilapitan at sinabing ipapakilala ang pamilya niya. Nanghina ang buong katawan ko.
Akala ko ba sa kanyang Mommy niya lang ako ipapakilala? Bakit sa buong pamilya pa niya? At bakit niya gagawin iyon? Isa lang naman akong owner ng maliit na flowershop. Para namang makakaimpluwensya ako ng malaki sa business nila.
Tinanong ko iyon kay Glenn at sinabing huwag na lang akong ipakilala sa mga ito.
"Nakapangako na ako kay Mom e. Don't worry, mabait siya. She wanted to meet you. Atsaka oppurtunity na rin ito para sa shop mo, right? Kilala mo naman siguro ang Alegres? Malay mo, magiging isa ka sa mga affiliate nila."
Of course! Sinong hindi makakakilala sa kompanyang 'yon? Isa sila sa pinakamalaking events organizing company. Mga bigtime ang customers nila. Alam kong malaking oportunidad ito para sa flowershop ngunit natatakot ako dahil malaking oportunidad din ito para mapalapit ang mga Alegre sa kambal.
Pagpunta namin sa harapan may ibang kausap ang Mommy niya at mukhang hindi pwedeng istorbuhin. Pinigilan ko si Glenn nang akma niya itong lapitan. Magsasalita na sana siya nang tinawag ng kung sino ang pansin niya. Sabay kaming napabaling ng tingin doon.
Si Kingsley!
Napangiti ng malapad si Glenn at hinila ako papalapit sa kapatid niya.
Hindi niya na pinagsalita ang kapatid dahil pinakilala niya agad ako rito.
"He's the one I'm telling you, Kuya. Meet Devin Callente, the owner of Fleurs Beniés Flowershop. Devin, meet my brother, Kingsley Andrew Alegre."
Napatitig sa akin si Kingsley. Muntik na akong mapasinghap nang magtama ang aming tingin.
"Please to meet you Mr. Callente." Pakilala nito sabay lahad ng kamay sa akin. Nag-atubili akong abutin ito. Nagtaka ako dahil hindi man lang ako nito nakilala. Kunsabagay, bakit niya matatandaan ang taong tulad ko?
O baka naaalala na niya ako pero nagpapanggap lang siya. Umiiwas sa maaring isumbat ko sa kanya. Magaling siyang umakto. Nakuha nga niya ang loob namin noon nang maging sila ni Devon. Akala namin nagbago na siya. Pero palabas lang pala ang lahat. Pagkatapos niyang makuha ang gusto sa kapatid ko, itinapon niya lang ito na parang basura.
Nang mangunot ang noo nito at babawiin na sana ang kamay, inabot ko ito. May kung anong dumaloy na kuryente mula rito at kumalat sa buong katawan ko.
"P–Please to meet you." Nauutal kong sagot. Gumuhit naman ang ngiti sa kanyang labi.
"You look familiar. Have we met before?" Tanong niya.
"No." Umiling-iling ako.
Ako rin ang unang bumitaw sa pagkakahawak. Nakita ko pa ang bahagyang pagngiwi niya nang bitawan ko ang kamay niya.
Walang-wala lang ito kumpara sa lahat ng ginawa niya. Kanina ko pa siya gustong banatan pero inisip ko ang magiging kahihinatnan kapag gumawa ako ng gulo.
Hangad ko ang makapaghiganti at pagbayarin si Kingsley subalit sa lagay at estado ng buhay ko, hindi ko magagawa iyon. Wala akong sapat na lakas. Sisirain ko lamang ang buhay ko at malaki pa ang posibilidad na mawala sa akin ang mga bata.
"You didn't tell me that your friend' quite strong. Napahigpit ata ang pagkakahawak niya sa kamay ko." Aniya at napatawa. Napatungo ako at napakuyom ng kamay.
"Don't mind that. By the way Mr Callente, I like the arrangement of flowers. It was the first thing I noticed when I entered the hall."
Nagpasalamat lang ako at hindi na nagsalita pa. Si Glenn na ngayon ang nakikipag-usap sa kanya.
"Mawalang galang na sa inyo. Kailangan ko na palang umuwi. Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko. Thank you for inviting me here. Sorry Glenn, mauuna na ako ha."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila dahil tumalikod na ako at nagmamadaling umalis. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Glenn ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Bahala na't maging bastos ako sa paningin niya. Hindi ko na kaya pang pakiharapan si Kingsley. Sobrang bigat na ng dibdib ko.
Bigla ko namang naalala ang mga huling katagang sinabi ni Kingsley noon nang sabihin ko sa kanya ang pagbubuntis ni Devon.
"She's not a virgin when we did that thing. She's a slut! Kaya sigurado akong hindi ako ang nakabuntis sa kanya."
Sinapak ko siya no'n sa mukha. Ang sama-sama niya. Paano niya nasasabi ang mga 'yon sa kapatid ko na wala namang ginawa kung 'di ang mahalin siya? Mali ang lahat ng binibintang niya rito.
Kung alam niya lang ang mga pinagdaanan namin ng mga panahong iyon. Malalim na sakit ang naidulot nito sa akin lalo ng mawala sina Mom at Devon.
They say, time can heal a wound. Pero bakit hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit? Mas bumukas pa ito nang makita ko ang taong may dahilan nito.
Gagaling lang siguro ang sugat kapag nakita ko nang miserable ang buhay ni Kingsley. Nagdurusa. Baka sa ganitong paraan, maghilom lahat ng sugat dito sa puso ko.
"WELCOME po dito!" Napalingon ako sa entrance nang marinig ko ang boses ng kambal. Nakita kong napangiti ang customer at ginulo pareho ang kanilang buhok. Ganito sila kapag nandito sa shop na ikinatutuwa naman ng mga customer.
Napangiti na lang ako at pinagpatuloy aang pag-aayos sa mga bulaklak na ididisplay namin sa buong araw. Ang pamangkin ni Ate Joy na si Brandon ang katulong ko ngayon. Nagpapart-time ito sa shop tuwing Linggo kung saan day-off naman ng mag-asawa.
"Sorry po Mister! Hindi ko po ikaw nakita."
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang marinig ko ang boses ni Luke. Paglingon ko, nakita ko ang isang nakatalikod na lalake sa direksyon ko. Mukhang nabunggo ito ng bata.
Dali-dali akong lumapit para sana humingi ng paumanhin. Pero nang makita ako ni Luke at tinawag ang pansin ko, napalingon sa akin ang lalake. At ganoon na lang panlalaki ng mga mata ko nang mapagsino ito.
Anong ginagawa niya rito? Ang kambal! Kukunin ba niya sa akin ang mga bata? Binalot ako ng matinding kaba. Diyos ko. Tulungan po Ninyo ako.
"Daddy-tito! Sorry po. Hindi ko po sinasadyang mabangga siya." Ani Luke na nasa tabi ko na. Inutos ko agad sa bata na pumunta ng counter na sinunod nito.
"Good morning! Devin, right?"
"Ako nga S-Sir." Nauutal na sagot ko.
"Nice meeting you again." Nilibot niya ang tingin sa buong shop. "So this is your shop? Nice place especially the flowers itself." Nakangiting komento niya sabay balik ng tingin sa akin.
Ako naman ay tila gulat pa rin na makita siya rito. Nabanggit sa akin ni Glenn na mahilig daw ang kapatid sa mga bulaklak pero hindi ko inaasahan na sa shop ko ito pupunta. Mas marami pang magagandang flowershop ang nagkalat sa buong lugar. Paano niya natunton ito? May kinalaman ba rito si Glenn?
"The kid who just bumped at me, is he your son?"
***