Naitulak ko si Kingsley nang sabihin niya iyon. Gulat na gulat ako sa mga narinig ko mula sa kanya. Hindi! Hindi ako naniniwala. Hindi maari. Hindi maari na ako ang taong iyon. Hindi ako naniniwala sa kanya. Naguguluhan naman ang kanyang mukha dahil sa pagtulak ko sa kanya. Paulit-ulit akong umiiling habang umaatras. Unti-unti siyang humahakbang sa akin pero pinipigilan ko siya. "B-Bawiin mo ang sinabi mo Drew. Hindi pwedeng ako ang taong iyon. Nagsisinungaling ka lang. Nagsisinungaling ka lang." Nanginginig ang aking boses. Kasabay nito ang paglandas ng luha sa magkabilang pisngi ko. "Vin..." Bigkas niya sa pangalan ko kasabay ang panglalambot ng kanyang mukha. Nandoon pa rin ang pagtataka rito sa naging kilos ko. "Hindi mo ako mahal Drew. Bawiin mo 'yan! Bawiin mo ang sinabi

