Kinabukasan, agad akong naghanda para sa pagkikita namin ni RC. Bitbit ang bag na naglalaman ng halaga na hinihingi niya ay pinuntahan ko na ang lugar na sinabi niya. Isa ito sa mga factory nilang sumara dahil na rin sa pagkakalugi ng kompanya niya. May kalayuan ito sa kabihasnan at halos isang kilometro naman ang layo mula sa dagat. Kinakabahan man dala ng matinding takot ay kailangan kong gawin ito para sa kaligtasan ng mga bata. Bago pumasok sa naturang pabrika ay tinawagan ko muna ang numerong ginamit kagabi ni RC. Agad itong sinagot ng kabilang linya. "Nandito na ako." Walang paligoy-ligoy na saad ko. "Good. Dala mo na ba ang pera?" Tanong nito. "Oo." Ayon sa kondisyon ni RC ay magdadala ako ng tao upang kumuha sa mga bata pero hindi mga pulis. Kapag sinuway ko raw ang s

