"What's with the face?" Tanong sa kanya ng kaibigang si Yvo nang makaupo siya sa upuan niya. Ang ibang mga kaibigan niya ay tinanguan lang siya at bumalik sa kanya-kanyang ginagawa. "Don't mind me." Tanging sagot niya at deretsong tumingin sa harap. "Okay." Hindi na nagtanong si Yvo sa kanya. Alam ng kaibigan na kapag ganitong naiinis siya ay hindi niya gustong tinatanong pa. Naiinis kasi siya dahil nakakuha na naman siya ng isang matalim na titig kasabay ang isang irap mula sa baklang 'yon, and hates that. Wala pang gumagawa sa kanya ng ganoon. Halos lahat ng mga babae at bakla sa campus nila or even outside ay napapagawi ng tingin sa kanya kapag dumadaan siya. Hindi sa pagmamayabang pero siya ang pinakagwapo sa kanilang magkakaibigan at siya palagi ang nangunguna pagdating sa mga

