"Anong ginagawa mo rito sa bahay namin?" Mataray na tanong ko kay Kingsley nang pagbukas ko ng gate ay siya ang iniluwa nito. "It should be Merry Christmas just so you know, o kahit good evening na lang. Bakit ba ang taray-taray mo pa rin sa akin hanggang ngayon? Nakipag-ayos na ako sayo ah. At saka ang pasko ngayon oh." "I-I don't care." May ikokontra pa sana ako pero nawala na sa isip ko nang lumapit sa akin si Kingsley. Pigil-hininga naman akong nakatitig sa mukha niya. Gusto kong sampalin ang pisngi ko upang magising ako sa iniisip ko. Hindi ko dapat ito nararamdaman eh. Halos dalawang buwan ko na itong dinadala. My gosh! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ang lakas-lakas ng apog ko na sabihing hinding-hindi ako magka-crush kay Kingsley tapos ito lang pala ang mangyayari. Kinai

