Mabuti na lang at hindi binigyan ng ibang kahulugan ni Devon ang nakita niyang pagyakap sa akin ni Kingsley noong pasko. Halos araw-araw ko pa siyang tinatanong para makasigurado. Hanggang nagbagong taon ay hindi pa rin ako makamove-on dahil doon. "Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko nang mapansin ang pagiging tahimik ni Devon. Ilang araw ko na ring napapansin ang pagiging malungkutin niya. Nagulat naman ako nang yakapin niya ako at biglang umiyak. "Why are you crying? Don't tell me, sinaktan ka ng lalaking 'yon?" Histerikal ko namang tanong at niyakap na rin siya. Hindi siya nagsalita bagkus ay umiyak lang siya ng umiyak. Gusto ko man siyang tanungin ay pinili ko na lang na hintayin siyang tumahan para makausap ko siya ng maayos. "So ano na? Uupakan ko na ba ang lalaking iyon?"

