Chapter 1

2165 Words
"Luke! Duke!" Tawag ko sa dalawang bata. Mukhang pinagtaguan na naman ako. "Walang ice cream ngayong linggo kung walang lalabas!" Pagkasabi ko nun, bigla na lang silang lumitaw sa harap ko buhat kung saan. Napailing-iling ako. Mga mukhang ice cream talaga. "Anong flavor ng ice cream Daddy-Tito?" Usisa pa ni Luke nang lapitan ko sila. "Bibilihin ko 'yong paborito niyo kapag naligo na kayo." Saad ko. Nagsisigaw ito sa kagalakan at ito na mismo ang humila sa kapatid papuntang banyo. Si Luke at Duke ay identical twins. Anak sila ng namayapa kong kakambal na si Devon na binawian ng buhay pagkatapos silang isilang. Dahilan nito ang maraming kumplikasyon. Labinlimang taon lang din kasi ito nang ipinagbuntis ang kambal. Sa amin naiwan ni Mommy at ng kapatid niya ang pangangalaga sa mga bata. Pero makalipas lang ang isang taon, nagkasakit si Mommy ng mayuma. Lumala ito hanggang sa hindi na maagapan. Pagkalipas ng isang taon, binawian siya ng buhay. Sobrang sakit niyon para sa akin na halos ikinasuko ko na. Pero tinatagan ko ang loob dahil may dalawang bata pa ang umaasa sa akin. Naging katuwang ko noon sa pag-aalaga si Tita Divina. Grabeng hirap ang pinagdaanan namin dahil pareho kaming walang alam sa pag-aalaga ng bata. Isa pa't nag-aaral ako ng kolehiyo. Muntik-muntikan na na rin akong huminto. After a year, nagkasakit din si Tita. Breast cancer. Matagal na pala niya itong tinatago sa amin. Hindi na rin ito naagapan at pagkalipas lang ng isang taon, sumunod siya sa kanyang kapatid. Halos gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa itaas kung bakit Niya ako pinaparusahan ng ganito. Sa dinami-dami ng tao, ako pa ang nakakaranas ng ganito. Pero hindi ko naman pwedeng kwestyunin iyon. Inisip ko na lang na pagsubok lamang ang lahat ng ito at makakaya ko ring lagpasan. Dalawapu't taong gulang ako nang maiwan talaga sa akin ang kambal. Mabuti na lang nasa tamang edad na ako at hindi kinuha ang mga ito ng taga-DSWD. Limang taon na sila ngayon at parehong nag-aaral ng kinder. Naiwan sa akin ang flowershop ni Mommy na pinagkukuhanan ko naman ng panggastos sa pag-aaral ng kambal. Swerte na wala akong gastos sa tuition fee ko as college student dahil scholar ako ng isang organization kaya sakto lang ang mga gastusin para sa mga bata at sa bahay. Nawala rin kasi sa amin ang lahat lalo na ang ibang negosyo namin dahil ginamit ang mga iyon para sa panganganak ni Devon, sa pagkamatay nito, sa pagkakasakit ni Mommy at Tita at ganoon na rin sa mga burol nila. Mabuti na lang at hindi naipagbili ang flowershop. Iyon kasi ang hinabilin sa akin ni Mommy na kahit anong mangyari ay huwag ko itong isusuko. Ngayon, nakatira kami sa isang maliit na bahay na kasya lang kaming tatlo. Payak ang aming pamumuhay at nakakaraos naman sa pang araw-araw. Hands-on ako sa pag-aalaga ng mga bata. Hindi ko nga alam kung bakit nakayanan kong pagsabayin ang pag-aaral at pag-aalaga sa kanila pati na rin ang paghawak sa negosyo namin. Tinutulungan din kasi ako ng bestfriend kong si RC. Kapag wala siyang ginagawa sa kompanya niya ay binibisita niya ang kambal. Napamahal na rin ang mga ito sa kanya. Iyon lang ay iniispoil niya kaya minsan nagiging matigas ang ulo. Pagkatapos ko silang paliguan at ayusan ay inihatid ko na sila sa kanilang school. Pumasok na rin ako sa university kung saan ako nag-aaral. Nasa ikaapat na taon na ako sa kursong Business Administration at isang semester na lang ay matatapos na ako. Hindi ako tumigil sa pag-aaral dahil nangako ako kay Mommy noon na makakapagtapos ako. Isa pa ay para rin ito sa kambal. Hindi ako pwedeng dumepende lang sa flowershop. Dapat makapaghanap ako ng maganda at stable na trabaho. Lumalaki na rin kasi ang kambal kasabay ang paglaki ng gastusin nila at sa bahay. Pagkatapos ng klase ko ng araw na iyon ay sinundo ko na agad ang mga ito sa kanilang school. Lahat ng klase ko ay nilagay ko sa umaga dahil umaga lang din ang klase ng dalawa. Ang buong maghapon ay nilalaan ko sa pagtulong sa pagbabantay ng flowershop namin. Dinadala ko na rin doon ang mga bata. Pagkakuha ko sa kanila, pareho nilang ibinida sa akin ang nakuhang stars dahil sa pagsagot daw nila ng tama sa mga tanong ng kanilang teacher. Ginulo ko ang kanilang buhok at sinabi kung gaano ako ka-proud sa kanila. Hindi na ako magtataka kung saan nila namana ang pagiging matalino. Magaling sila sa school kahit minsan ang titigas ng ulo. Nagpapasalamat din ako na hindi sila nag-aaway. Mapagkumbaba rin kasi silang pareho lalo na si Duke. Pagkatapos naming kumain ng pananghalian sa isang karenderya ay pumunta na kami sa flowershop. Doon, naabutan kong may kausap sa telepono si Ate Joy. Isa sa mga empleyado ng shop at malayong kamag-anak na pinagkakatiwalaan na rin namin. Minsan kapag may mga events sa school lalo na kapag gabi ay sa kanya ko iniiwan ang dalawang bata. Kung busy ito, doon naman sa pinsan niyang si Aling Pacita. Deretso ang dalawa bata sa loob ng counter at doon naglaro. Pagkababa ng telepono, ipinaalam agad sa akin ni Ate Joy ang pinag-usapan ng tumawag na customer sa kanya. Sabi niya, kami raw ang napili ng customer na iyon na mag-ayos ng mga bulaklak sa venue ng isang event. Natuwa ako. Kinuha na naman kami. Minsan na kasi kaming naimbitahan at nakipagcollaborate sa isang event organizer na mag-ayos ng mga bulaklak sa isang malaking event at nagustuhan nila ang pagdedesensyo namin. "Kailan at saan po ba ang event na ito?" Tanong ko sa kanya. Kinuha niya ang maliit na papel na marahil pinagsulatan niya ng impormasyon kanina at inabot ito sa akin. At ganoon na lamang ang pagkabog ng dibdib ko nang mabasa at bigkasin ang nakasulat na lugar kung saan ang magiging venue. "Alegre's Resort and Hotel." ARAW ng Biyernes, nagpadeliver kami ng mga bulaklak sa bago naming supplier na sakto sa inorder ng customer naming event organizer. Bukas na iyong event at bukas din ay pupunta kami sa roon. Isasantabi ko muna ang pansariling isyu. Kakalimutan ko muna ang galit na nandito sa puso ko. Hindi ko kasi pwedeng baliwalain ito dahil ang event organizer na ito ay isa sa mga bigtime customers namin. Hindi ko na rin pwedeng ikansela dahil pumayag na kami. Para naman ito sa flowershop at sa mga bata. Ayaw ko ring isipin nito na napaka-unprofessional namin kung sakaling babawiin namin ang pagpayag. Isa pa't kailangan namin ng exposure para makilala kami. "Daddy-Tito, bakit iiwan mo naman po ulit kami kina Aling Patita bukas?" Untag ni Luke na nasa tabi ko. Nangunot ang noo ko. Mukhang narinig nito ang pinag-usapan namin ni Ate Joy. "Aling Pacita." Pagtatama ko. "Aling Patita!" Ulit niya. Napailing na lang ako. "Magtatrabaho kasi ang Daddy-Tito niyo bukas. Hindi ko naman kayo pwedeng isama dahil walang magbabantay sa inyo do'n atsaka bawal ang mga bata." Paliwanag ko sabay gulo sa buhok niya. "E gusto po naming sumama Daddy-Tito. Promise, behave po kami ni Kuya. Cross my heart." Pamimilit pa nito at nag-sign of the cross pa. "Sorry baby, pero hindi talaga pwede e. Kina Aling Pacita muna kayo, okay? Babalik naman agad ang Daddy-Tito niyo kapag natapos na kami." Napasimangot si Luke at napahalukipkip pa. Kinurot ko ang kanyang pisngi. "Baka awayin naman kami ng mga kapitbahay ni Aling Patita." "Aling Pacita. Huwag ng malungkot ang baby ko. Ibibili ko na lang kayo ng burger pagbalik ko, okay ba 'yon?" Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko at nagtatalon sa tuwa. Agad niya itong ibinalita sa kapatid. Napangiti na lang ako at napailing. Mabilis talagang utuin si Luke kapag pagkain na ang pinag-uusapan. Kung hindi lang sana sa lugar na iyon ang event ay isasama ko silang dalawa. Ayaw ko lang talaga silang ilapit sa mga Alegre. Isa pa't walang karapatan ang mga ito sa kanila dahil una pa lang ay itinanggi na sila. Pagpatak ng alas singko ay nagsara na kami ng shop. Pag-uwi ng bahay, namataan namin ang isang pamilyar na kotse sa harap ng gate. "Tito RC!" Nagsisigaw na lumapit sa kanya ang dalawang bata. Binuhat niya si Luke na parati niyang ginagawa. Ito kasi ang magaan at mas maliit sa dalawa. Ewan kung bakit hindi sila magkasing-laki. Pareho naman silang nagva-vitamins at parehong malakas kumain. "Miss ka na ng mga 'yan. Ang tagal na kasi ng huli kang dumalaw dito. Parati nga ako kinukulit na tawagan ka." Hayag ko kay RC nang makalapit sa kinaroroonan nila. "Oo nga e. Naging busy kasi ako lately. Kaya nang magkaroon ng oras ay dumalaw agad ako rito." Paliwanag niya. "Kumusta?" "Maayos naman. Ang mabuti pa pumasok na tayo sa loob para doon na makapagkwentuhan. Maraming ikukwento ang dalawang 'yan sayo panigurado." Pagkapasok sa loob ay agad inusisa ng dalawang bata ang mga dala ni RC. Hinayaan ko na lamang sila at dumeretso agad ako sa kwarto para magbihis. Paglabas ko ay naglalaro na silang tatlo ng kung anong laruan. Nainiis ako sa kay RC sa tuwing nagdadala siya ng kung anu-ano para sa mga bata. Hindi ko naman din mapigilan dahil sabi niya, iyon lang ang kaligayahan niya ngayon. Hindi ko kasi maibigay sa kanya ang gusto niya. Minsan sumasagi sa isip ko na papasukin siya ng tuluyan sa buhay ko pero pinipigilan naman ng puso ko. Kahit kasi anong gawin ko, hindi talaga ito kayang tumibok para sa kanya. Gwapo siya. Matangkad. Matikas ang katawan at higit sa lahat, mayaman. Pero wala talaga. I really can't. First year college nang magkakilala kami. We became friends. After a year umamin siya sa akin na gusto niya raw ako. Nagulat ako ng sobra. Hindi ko alam ang gagawin. Ilang buwan din kaming hindi nag-usap. No'ng mag-usap naman kami, sinabi ko sa kanya na wala pa sa isip ko ang makipagrelasyon dahil focus ako sa pag-aaral ko at sa pag-aalaga ng mga pamangkin ko. If ever na sinagot ko naman siya, baka hindi rin kami tumagal. Mas mabuti ng magkaibigan na lang kami atleast ito, panghabambuhay. Besides, I'm not ready yet. Sa ngayon, focus muna ako sa pag-aalaga sa mga anak ko. Sila ang prayoridad ko ngayon at mas importante sila sa anumang bagay. Tulad ng nakagawian kapag nandito si RC sa bahay, nagmovie maratahon kami. Nakadalawang pelikula lang kami ay nakatulog na ang dalawang bata. Nagpatulong naman ako kay RC na ihatid ang mga ito sa kwarto. Hindi na rin namin tinapos ang pinanood pagbalik sa sala. Nagpaalam na rin sa akin si RC. Nang maihatid ko siya sa labas, binuksan na naman niya ang tungkol sa aming dalawa. Binalot ako ng matinding ilang. "Alam kong hindi ka pa handa at alam kong hindi mo pa kayang suklian kung ano man ang nararamdaman ko sayo. Pero kaya kong maghintay Devin. Kaya kitang hintayin kung kailan ka na handang magmahal." Malumanay niyang sabi. Puno ng sinseredad ang kanyang boses. Naaawa ako sa kanya. Alam kong marami na siyang naitulong sa akin. Siya ang naging karamay ko simula nang mamatay sina Mommy. Pero hindi ko talaga siya kayang pagbigyan pagdating sa bagay na iyon. But I always be grateful to him. "Hindi ko alam ang sasabihin." "You don't need to say anything. Gusto ko lang ipaalala sayo na nandito ako na palaging nagmamahal sayo. Nandito ako at maghihintay parati sayo." Hindi na ako nakapagsalita. Napatungo na lang ako. "O pa'no 'yan, mauuna na ako." Pagkuwa'y paalam niya. Tumango lang ako bilang tugon. Nang makapasok siya sa kanyang kotse, doon na ako nagpasalamat. Ngumiti naman siya bago isinara ang pinto. Napabuntong-hininga ako. Sana mahanap na ng puso ko na mahalin din si RC. Iyong mamahalin ko siya dahil mahal ko siya. Hindi iyong mamahalin ko siya dahil sa awa. Magiging unfair iyon sa kanya. Bakit ba kasi ako pa? Isang bakla lang naman ako. He deserve someone better and I'm not that person. Kinabukasan ay maaga kong ginising ang mga bata. Pinaliguan ko na rin sila at inayusan. Ihahatid ko kasi sila kay Aling Pacita dahil ito muna ang magbabantay sa kanila habang nasa venue kami. Palabas kami ng gate at saktong tumawag ito. Bumagsak ang balikat ko nang sabihin nito na hindi muna mababantayan ang kambal dahil nagkasakit at naospital daw ang asawa nito. Kahapon pa raw naisugod dahil inatake ng highblood. Nanlumo ako. Paano na 'to ngayon? Hindi ko alam kung sino pa ang pwede kong pag-iwanan sa mga bata. Hindi naman kasi pwede kay RC. Alam ko kasing may pupuntahan siya ngayong araw. Hindi ko rin pwedeng ipagkatiwala ang kambal sa ibang kapitbahay namin. Mag-aalala ako ng sobra at baka hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko. Malungkot kong tiningnan ang kambal. Hangga't maari ay ayaw ko silang magkaroon ng koneksyon sa mga Alegre. Pero wala na akong ibang pagpipilian kung 'di ang isama sila. Sana hindi lang mangyari ang kinatatakutan ko. Wala sanang makakakilala sa mga ito. Hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin ang mga anak ko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD