Kabanata 24 Isang malakas na tulak ang iginawad ko kay Ahmet para lamang makaalis sa kanya ngunit kahit anong lakas ng tulak ko ay hindi ako nagtagumpay dahil mas lalo niya rin akong niyakap. Ang mukha niya ay nasa leeg ko na ngayon at amoy na amoy ko ang alak sa kanya. “Ahmet!” sayaw ko sa kanya sabay tulak ulit. Pero parang wala atang narinig si Ahmet kaya muli ko siyang tinawag. Tanaw ko si Dane na nasa pintuan na para bang naghihintay hanggang sa nakita ko si Vito kasama si Amber na galing sa loob. Sinubukang pigilan ni Dane ang dalawa ngunit huli na dahil lumabas na ang dalawa at kaagad na umalingasaw ang sigaw ni Vito. Kita ko ang paikang ikang lakad ni Amber at muling tinulak ko si Ahmet ngunit parang nakadikit na talaga siya sa katawan ko. “Bakit mo niyakakap ang Mama ko?!”

