Kabanata 23 “Mama, mama, gising aalis na tayo. Wala na ang lalaki rito.” maliit na boses kong narinig dahilan para magising ako. Agad kong minulat ang mga mata ko at nakitang si Vito iyong gumigising sa akin. Napabangon ako sa aking hinihigaan at laking gulat kong matagpuan ang sarili sa sofa. Kaya pala sobrang ganda sa pakiramdam ang pagkakahiga ko. Ngunit huling pagkaalala ko ay nasa kama ako ni Ahmety, ngayon dito? Tinignan ko ang paligid at nakompermang wala nga si Ahmet sa buong paligid. Nang dumapo iyon kay Ahmety ay nakita ko siyang kumakain ng prutas, wala ng nakalagay sa kamay niya at hindi ko maintindihan kung bakit. Wala akong alam sa nangyari dahil tulog ako. “Mama, alis na tayo, habang wala pa siya at tulog pa ang bata.” muling wika ni Vito. Hinanap ko si Amber at nas

