Kabanata 22 Nang nakarating kami ng hospital ay kaagad naming hinanap si Ahmet ngunit hindi ko alam ang pasikot sikot ng hospital. Ito iyong hospital na dating nirekommenda sa amin na p’wedeng makatulong sa operasyon at pagpapagamot ni Gianet ngunit dahil pribadong hospital ito at masyadong mahal ay hindi na kami kumagat pa. Naging successful naman kahit papaano ang operasyon niya at nadugtungan ang buhay ng kapatid ko. “Nakapunta ka na ba rito, Amber?” tanong ko sa bata kung sakali ay alam niya kung nasaan si Ahmet. Sinubukan kong magtanong sa mga nurse ngunit wala daw silang nakuhang impormasyon na pumasok si Ahmet. Wala rin naman akong number niya kaya hindi ko siya matatawagan. “Dito ako nagpapagamot pero hindi ko po alam kung saan…” sagot naman niya. Muli akong sumubok na mag

