Kabanata 21 “What the hell did you do to my daughter?!” muling sigaw ni Ahmet sa akin. Kita ko ang ugat sa kanyang leeg at parang isang maling sigaw lang ay magbubuga na siya ng apoy. Gano’n katindi ang galit niya dahil sa tinamo ng anak niya. Nanginig ang pang ibabang labi ko. Bakit ako ang sinisisi niya? Bakit hindi si Jenny? Hindi niya nga alam kung ano ang totoong nangyari tapos ako ngayon ang parang sinisisi niya. He didn’t even ask for truth. Naghalo ang takot at galit sa kaloob looban ko. Umiling ako bago nagsalita, “Wa-wala akong kinalaman sa na-nangyari sa kanya, tanungin mo si Jenny.” sabay turo ko sa babae. “Siya ang may alam ku-kung bakit nagkasugat ang bata!” buong tapang kong sagot kahit na sobrang kinakabahan na ako at baka mabaliktad pa ang nangyari at sa akin lahat

