Kabanata 18 Bakas sa mukha ko ang pagkagulat dahil sa hindi inaasahang pagkakataon. Iyong bata ay tumingin sa akin, maganda siya at parang may kaunting make up, mukhang may dinaluhan siyang importanting event. Her eyes are the same color with his father, agad akong umiwas sa kanyang kuryosong matang nakatingin sa akin. Bumalik ang mata ko kay Ahmety nang maramdaman ko siyang hinila niya ang suot kong palda. Yumuko at kinuha ang kamay niya bago nagmadali na inilisan ang lugar na iyon. Pagkabalik na pagkabalik ay kita kong nakalinga linga rin ang ulo ni Dane na para bang hinahanap kami. Nang tuluyang dumapo ang mata niya sa akin ay kita kong nanlaki ang kanyang mga mata. “Sh-it, may nakita akong pamilyar na mukha,” aniya pagkalapit namin ni Ahmety. “Papunta sila sa CR, sigurado akong

