Chapter Two

1570 Words
MULA sa kung saan sa loob ng kuwarto na iyon, narinig ni Ken ang pagtunog ng cell phone. Alam niyang isa sa mga miyembro ng pamilya niya ang caller base sa ringtone na in-assign niya.   Nag-angat siya ng ulo mula sa pagkakasubsob sa dibdib ng katalik para sagutin ang telepono. Pero biglang hinawakan ni Olga ang ulo niya at siniil ng halik ang kanyang mga labi. Kanina lang sila nagkikilala ni Olga Medina sa Metrowalk Starbucks after office hours. She was commercial model at newcomer actress. She was tall and sexy, sweet, witty, and had a beautiful angelic face. Malaki ang pagkakahawig nito sa ex-girlfriend ni Ken kaya kaagad nitong nakuha ang interes niya nang maki-share ito sa table kanina. Nakipag-flirt siya sa babae kahit nasa coffee shop sila. She had shown signs na interesado rin sa kanya kaya pagkatapos magkape ay nag-offer si Ken na ihatid ang babae sa apartment nito.  They made small talk and ended up making out at the top of her bed. Hinawakan ni Ken sa mga kamay si Olga at inilayo ang mukha rito. “Just a second, darling, I have to take that call,” malambing na sabi niya. Hindi niya inalintana ang kahubdan at mabilis na bumangon sa kama. His family was the most important thing in his life. Ano man ang ginagawa ay sadyang itinitigil niya para sa mga ito. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa ng slacks na nasa sahig. “Kate? What’s up?” bati niya sa kapatid nang sagutin ang tawag. “Where are you, Kuya?” “Uhm… somewhere. Bakit ba?” “Trish was just arrived last night. Nandito kami ngayon sa bahay nila, may get-together ang barkada. Kanina pa ako nagti-text sa ’yo, ah. Bakit hindi ka sumasagot?”  “Hindi ko pa nabasa ang text mo.” Nakaramdam siya ng kasiyahan sa nalaman. Trisha was one of his closest friends that he treasured a lot. “Nasaan ka ba kasi?” tanong pa ni Kate. “Papunta na ako riyan,” sa halip na sagot niya. Ilang buwan na ang nakararaan nang huli niyang makita si Trisha kaya missed na niya ito. Kung nalaman lang agad niya ang pagdating ni Trisha, siguradong wala siya sa apartment ni Olga. “Okay, drive carefully,” sabi ni Kate at nawala na sa kabilang linya.  “I have to go,” baling ni Ken kay Olga habang ibinabalik sa bulsa ng slacks ang cell phone. “What?! Dito ka na matulog, Ken.” Napatingin siya sa babae. Nakabuyangyang sa kama ang kahubdan nito na  nag-aanyaya ng kaligayahan. Napapailing na nag-iwas siya ng tingin. Inilapag niya ang hawak na slacks sa kama at nagtuloy sa banyo. Habang naliligo ay ang magandang mukha ni Trisha ang nasa isip. Excited na siyang makita ang dalaga. Kinalakihan niyang kalaro ito at ng kapatid niya. He had been attracted to her for as long he could remember. She was beautiful with an average height, sexy and very talented. She acted and talked with poise and grace pero may pagka–sporty rin tulad niya kaya magkasundong–magkasundo sila. Pareho silang panganay. Kung ito ay parehong lalaki, siya naman ay parehong babae. Nanggaling si Trisha sa sikat at maimpluwensiyang pamilya. Ang late grandfather nito sa father side ay dating heneral ng AFP at retired three–star general naman ang Daddy Tyrone nito na pinamamahalaan ang sariling security and detective agency. Ang grandfather naman ni Trisha sa mother side ay naging sikat na matapang na broadcaster noong panahon nito at ang mommy nito na ninang niya ay ang sikat at award–winning broadcaster at TV host na si Trina Del Prado–Escobar. Trisha’s brothers Ethan and Troy who were also his friends were also celebrities. Kahit ang dalaga ay dati ring naging sikat nang maging isa ito sa mga host ng isang cooking show sa malaking TV station bago nagdesisyong muling mag–aral at magtrabaho sa States. Pero hindi pinalalim ni Ken ang nararamdamang para kay Trisha kahit halos ipagtulakan na sila ng pamilya at mga kaibigan nila sa isa’t–isa. Hindi dahil sa natatakot siya sa impluwensya ng pamilya nito. Like him, she had a cool and very nice family. Alam kasi niya kung gaano pinahahalagahan ng mga magulang nila ang pagkakaibigan ng mga ito na nabuo noong high school pa lang ang mga ito. Naisip ni Ken na mas maganda kung mananatili silang magkaibigan ni Trisha dahil kung mauuwi sa romantikong relasyon ang magandang samahan nila at hindi mag-work out, siguradong lahat ay maaapektuhan na puwedeng ikasira ng magandang samahan ng pamilya nila. Kaya huwag na lang. Sigurado siyang naisip din iyon nina Paolo at Jay–Jay nang magkagusto ang mga ito kina Jane at Kate pero lubha sigurong mas malakas ang tawag ng pag–ibig sa dalawa kaya pinalaya ng mga ito ang nararamdaman. But he was far different from his two best friends; the two were one–woman men and were always serious in their relationship while he was into casual and short affairs. High school pa lang si Ken ay likas na sa kanya ang pagiging pilyo at lapitin ng mga babae. At mismong si Trisha ay nasaksihan iyon. Schoolmate sila ni Trisha noong high school, fourth year high school siya at second year naman ito nang masaksihan kung paanong nagpang–abot at nag–away ang dalawa niyang girlfriends. Kinantiyawan siya ni Trisha noon pero alam niyang bumaba ang tingin nito sa kanya dahil sa nangyari. May balak pa naman sana siyang ligawan ang dalaga noon at naghihintay lang siya ng tamang panahon pero hindi na niya itinuloy dahil siguradong aayawan siya nito at pagdududahan ang sinseridad na magpapakatino na siya. Nagtakda pa siya ng batas sa sarili na off-limits sa dalaga. Mula sa ilalim ng buhos ng shower ay naramdaman ni Ken ang malambot na katawan ni Olga na yumakap sa kanya mula sa likuran. Nilingon niya ang babae. “Hey, I have to go, remember?”           Hindi sumagot si Olga. Sa halip ay hinahalik–halikan ang kanyang likod. Napabuntong-hininga siya. Kabisado na niya ang tipo ni Olga. The woman was wild and had a good stamina in bed. Kahit ilang oras na silang magkasama ay bitin pa rin ito. Para lang matapos na ay pinagbigyan niya ang babae sa gusto nitong mangyari. Humarap siya rito at muling sinibasib ng halik ang namamaga pang mga labi nito. Ilang minuto ang lumipas. Lumabas na siya ng banyo at mabilis na nagbihis. Nagsusuklay na siya ng buhok nang lumabas ng banyo si Olga na nakatapis lang ng tuwalya.           “Akala ko, dito ka na matutulog,” sabi nito habang lumalapit sa kanya.           “Hindi puwede, Olga. May pupuntahan pa ako.” Napabuntong–hininga ang babae. “Can we see each other again?”       Humarap siya rito at kinintalan ng halik ang mga labi nito. “Let’s see,” aniya at naglakad na palabas ng silid. Dere-diretso siyang lumabas ng apartment. Pagsakay sa kotse, kinuha muna ni Ken sa backseat ang sports bag na lagi niyang dala at kumuha ng isang malinis na polo shirt at mabilis na nagbihis. Gusto niyang maging presentable sa paningin ni Trisha kaya nagshower pa siya kanina. Nakakahiya kung makakitaan siya nito ng bakas sa milagrong ginawa kanina kasama ni Olga. Pagkatapos mag-spray ng cologne ay ibinalik na niya ang sports bag sa backseat at binuhay ang makina ng kotse. Nag–drive siya papunta sa Dasmariñas Village kung saan nakatira ang karamihan sa kanyang mga kaibigan.     Dahil malapit lang ang apartment ni Olga sa Dasmariñas Village, idagdag pa na alas–diyes na noon ng gabi, madaling nakarating si Ken sa mansiyon ng mga Escobar. Mga nagkakasayahang mga kaibigan at mga pinsan ang kaagad nabungaran ng binata sa maluwang na teresa sa first floor.           “Kaya pala ngayon ka lang, eh. Napasabit pala kung saang kandungan,” kantiyaw ni Gabe.           “Loko, galing ako sa site,” pagsisinungaling ni Ken.           “Kung galing ka sa site, dapat amoy-semento ka at hindi bagong shower,” tudyo pa ng pinsan niya. Nagkibit–balikat siya. Wala nang dahilan para mag–deny pa. Alam naman ng mga ito ang reputasyon niya pagdating sa babae. Napagawi ang tingin niya sa front door at nakitang nakatayo roon si Trisha. Mukhang kanina pa ito roon at narinig nito ang sinabi ni Gabe. Bigla siyang nakaramdam ng kahihiyan dahil malinaw na mas inuna pa niyang mambabae kaysa makita ang dalaga.   Gayunman, hindi nakaligtas sa mapanuri niyang mga mata na lalo pa itong gumanda. Umiiling–iling at nakapaymewang si Trisha nang lapitan niya ito. “Inuna mo pa talagang mambabae kaysa makita ako, ‘no?” nakataas ang isang sulok ng mga labing sabi ni Trisha.   Alam niyang nagbibiro lang ito pero nakaramdam pa rin siya ng guilt. “Sorry, hindi na mauulit,” sincere na sabi niya. Mabilis niya itong hinalikan sa pisngi at niyakap. “I’ve missed you.”           Gumanti rin ito ng mas mahigpit na yakap. “I’ve missed you, too.” Bahagya siya nitong tinulak sa balikat nang maghiwalay sila. “From now on, habang nandito ako, bawal ka munang makipag–date sa iba dahil ako muna ang partner mo.”           “Sure, sweetie!” malugod na sabi niya. At inakbayan niya ito papasok sa loob ng bahay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD