Chapter Three

1643 Words
PASADO ALA-SAIS na ng gabi nang matapos si Trisha sa pagre–revise ng  pending paper works sa main branch ng kanyang Italian restaurant, ang El Escobar. Itinayo niya ang restaurant ka–partner ang dalawang nakababatang kapatid na sina Ethan at Troy ilang buwan pagkatapos niyang maka–graduate ng HRM. And that was six years ago.  Maayos namang napangasiwaan iyon ng mga kapatid niya pati na ang isa pang branch sa Greenbelt 5 habang wala siya sa bansa kahit na abala rin ang mga ito. Ethan was an actor, TV host, a product endorser and an entrepreneur. And Troy was still in college, one of the famous UAAP basketball player and also a product endorser. Pagsakay sa kotse ay saka pa lang nakaramdam ng pagkahapo si Trisha. Ini–on niya ang car stereo at isinalang ang CD ng classical Filipino musician na si Tamara. Sumandal siya sa kinauupuan para makapag–relax. That classical music never failed to calm her. Napulot lang niya ang CD na iyon sa kuwarto ni Ethan ilang taon na ang nakararan at hindi na niya ibinalik. Pagkalipas ng ilang sandal nang ma-relax na, inilabas niya ang cell phone na kanina pa nakasilent. Napakunot-noo siya nang makita sa screen ang santambak na missed calls ni Jane. “Seriously, Jane, twenty missed calls?” kunot–noong tanong agad ni Trisha nang sagutin ng kaibigan ang tawag.  “My goodness, Trish, where are you?” “Sa main branch ng resto. Bakit ba?” “Nasa QC ka pa?” Nasa Araneta Center ang main branch ng El Escobar. “How about your date tonight? Huwag mong sabihing nakalimutan mo na.” “Ngayon na ba ‘yon?” Napahawak siya sa noo. Ngayon lang niya naalala na napapayag nga pala siya nina Jane at Kate na makipag-blind date matapos siyang mataasan ng score ng mga ito sa videoke nang mag–get together sila noong isang gabi. “Oo, kaya bilisan mo nang umalis.” “I-cancel na lang kaya natin?” Tumingin siya sa suot na wrist watch. “Six-forty na, siguradong mata-traffic pa ako nito.” “Here we go again. Pumunta ka, ipapasabi ko na lang kay Paolo sa ka–date mo na male–late ka.” Bago pa siya muling makapagsalita si Trisha para magdahilan ay nawala na si Jane sa kabilang linya. Napabuntong–hininga siya. Wala na talaga siyang lusot. Pinasadahan ni Trisha ng tingin ang suot na damit. She was wearing a knee-length pink tube dress na pinatungan ng dark pink blazer at black strappy sandals naman ang suot niya sa paa. Hindi naman inappropriate ang outfit niya para sa isang date at hindi rin siya pinawisan dahil nagkulong lang siya sa opisina buong maghapon. Pero kung may oras pa, she would take a shower and change her outfit. Nagdesisyon si Trisha na umalis na para magpunta sa  venue ng first ever blind date. Sigurado kasing aawayin siya ng mga kaibigan kapag hindi niya sinipot ang inihandang arranged date ng mga ito. Palibhasa Lunes at ma-traffic, halos alas-otso na ng gabi nang makarating si Trisha sa Amelia’s Seafood and Restaurant sa Ortigas. Kaagad siyang sinalubong ng headwaiter at inihatid sa table na naka-reserve sa kanila ng ka-date. Nadatnan niya roon ang isang bouquet ng red roses. “Nasaan na ang ka- date ko?” kunot–noong tanong niya nang makaupo. “Nakaalis na ho s’ya, Ma’am Trisha. May emergency raw ho kasi,” magalang na sagot nito. Nadismaya siya sa narinig. Akala pa naman niya ay nakahandang maghintay sa kanya ang ka–date kahit na anong oras pa siya dumating. Well, bawas pogi points agad iyon sa lalaki. “Do you want to order, Ma’am Trisha?” tanong ng headwaiter. Kilala siya sa restaurant na iyon dahil bukod sa pag–aari ng pamilya ni Jane ang restaurant, nag – OJT rin siya roon noon ng ilang buwan. Gutom na nga siya dahil hindi siya nakapag–merienda kanina. Nagdesisyon siyang mag-dinner doon kahit nag- iisa. “Si Chef Lorenz ba ang nasa kitchen?” tukoy niya sa dating boss na matanda sa kanya ng limang taon at naging kaibigan din niya. “Yes, Ma’am.” Nag–order siya ng steamed garoupa, java rice at mango juice. She loved Chef Lorenz’s steamed garoupa. Isa iyon sa binabalik–balikan sa restaurant. Balak niyang sumilip sa kusina mamaya bago umalis. “Paki–serve na lang pagbalik ko,” aniya at tumayo para pumunta sa ladies’ room. Paglabas ng ladies’ room, isang matipunong dibdib ang nabangga niya. “I’m sorry.” “I’m sorry.” Sabay pa silang nagsalita ng lalaki. Nagtaas siya ng tingin at nagkagulatan sila ng nakabangga. “Trish!” “Ken!” Sabay rin nilang nabanggit ang pangalan ng isa’t-isa. Nagkatawanan sila. Mabilis siyang hinalikan ni Ken sa pisngi bilang pagbati.  “What are you doing here?” “Well, I’m here for a date but my date had to go somewhere, may emergency raw kaya hindi na ako nahintay,” paliwanag niya. “Date huh? Katatapos lang ng meeting ko. Paalis ka na ba?” “No. Actually, magdi–dinner pa lang sana akong mag–isa.” Itinuro niya ang table na naka-reserve sa kanya. “I see. Punta lang ako sa sandali sa men’s room, sasamahan kita. I’ll be your substitute date,” nakangiting sabi nito. Natuwa siya sa narinig. Ken had always been a gentleman. “Sige.”     “THANK you for spending time with me, Ken,” nakangiting sabi ni Trisha nang ihatid siya ng binata sa kotse niya paglabas nila ng Amelia’s. Inabot sila ng mahigit tatlong oras sa restaurant. Napasarap kasi ang kuwentuhan nila habang sumisimsim ng wine. Sila yata ang pinakahuling customer na lumabas ng restaurant dahil sasakyan na lang nila ang naiwan sa parking lot. “You know what, we should do this more often,” sabi ni Ken habang nakatayo sila sa gilid ng driver’s seat. “You mean just you and me? Ayoko nga, baka next time, may bigla na lang humablot sa buhok ko dahil akalain ng isa sa mga girlfriends mo na girlfriend mo rin ako,” biro niya. Pero hindi natawa si Ken. “Wala akong girlfriend, Trish. Yes, I have flings and companion every now and then but those women were also on the hunt. Sinisiguro ko rin sa ’yo na walang makakapanakit sa ’yo kapag kasama mo ako.” Napangiti siya sa huling sinabi ng binata. “I know.” Ken was a savior and a protective kind of guy which she admired. Over pa nga kung minsan na labis na kinaiinis ni Kate at ng mga pinsan nito. May tendency pa kasi si Ken na maging war freak sa oras na makanti ang kahit sino sa barkada. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. “Sigurado ka ba na kaya mo pang mag–drive?” nag–aalalang tanong ni Ken.  “Iiwan ko na lang ang kotse ko rito, ihahatid na kita.” “Ano ka ba? Okay lang ako, hindi ako lasing. Hindi mo ako kailangang ihatid.” “Okay.” Yumuko siya sa loob ng kotse at inilagay sa passenger seat ang bag at ang bouquet na iniwan ng ka–blind date niya kanina para sa kanya. Pagkatapos ay muli niyang hinarap ang kaibigan. “I’ll go ahead. Good night and thank you again, Ken,” paalam ni Trisha habang nakapatong ang mga kamay sa pinto ng kotse. “Good night!” Inilapit nito ang mukha sa kanya para halikan siya sa pisngi pero wala sa loob na naipihit niya pakanan ang mukha kaya sa mga labi niya dumampi ang mga labi nito. Kapwa sila natigilan. “Trish,” anas ni Ken nang bahagyang humiwalay ang mga sa kanya.  Naghinang ang kanilang mga mata. Nagulat si Trisha nang bigla siya nitong hapitin at halikan sa mga labi. Parang bigla siyang nanghina at nanlambot ang mga tuhod. Hindi niya magawang itulak ang binata at ilayo ang mga labi. Kusa pa siyang napapikit. Banayad lang sa simula na tila tumitikim ang paraan ng paghalik nito sa kanya, hanggang sa kusa na niyang naibuka ang mga labi dahilan upang lumalim pa ang mga halik nito. He was a good kisser. Natagpuan na lang niya ang sarili na tumutugon sa halik nito at mahigpit na rin siyang nakayakap sa leeg nito. “You don’t know how much I’ve been wanted to kiss, Trish,” anas ni Ken nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Bigla siyang napadilat. He’s been wanting to kiss her?   Halos hindi mapaniwalaan ni Trisha ang narinig. She was about to speak but he claimed her lips again. Buong puso naman siyang muling tumugon sa mga halik nito. Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa tagpog iyon hanggang sa sabay silang biglang napapitlag nang makarinig sila ng sunod–sunod na busina na nanggaling sa isang sasakyan na dumaan. Narinig pa nila ang tawanan ng mga sakay noon na halatang napanood sila bago tuluyang makalayo.  Biglang natauhan si Trisha sa inasal. How could she kiss a friend in public? And for goodness’ shake! It wasn’t just a simple kiss! At sa mismong parking lot pa. Paano kung nakuhanan sila ng CCTV ng restaurant? Itinulak niya si Ken. “Trish…” sambit ng binata na parang naguguluhan din sa bilis ng pangyayari. “I got to go.”  “Ihahatid na kita.” Mabilis siyang umiling at tinabig ang kamay nitong gustong humawak sa kanya. Nagmamadaling sumakay na siya ng kotse at nag–drive palayo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD