CHAPTER -19

1260 Words
Namalayan na lamang ni Cindy na pinipindot na niya ang password ng Pinto ng unit ni Mike, hindi niya alam kung bakit duon siya dinala ng kaniyang mga paa. Nang maka pasok ay nilibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng silid, wala parin iyon pag babago mula una at huling makita niya iyon. Napadako ang tingin niya sa kulay gray na malaking sofa, duon ay nakikita niya ang dalawang tao na masayang nag lalambingan, napa dako naman ang kaniyang tingin sa harapan ng television at duon ay nakikita niya ang dalawang tao na masayang nanunuod habang kumakain ng popcorn at kung minsan ay nag hahalikan pa ang mga ito. Hinakbang niya ang kaniyang mga paa hanggang sa dalhin siya ng kaniyang sarili sa kusina at duon ay nakita naman niya ang dalawang tao na masayang kumakain habang nag susubuan. Muling hinakbang niya ang kaniyang mga paa at napa hinto siya sa mini sala at duon ay nakikita niya ang dalawang tao ruon na masayang nag kukulitan habang kini-kiliti ng lalaki ang babae. "Hahaha Mike, tamana! Ano ba 'yung niluluto ko baka masunog" tumatawang wika ng babae habang patuloy nito nilalayo ang mukha ng lalaking pasaway na nang hahalik sa leeg nito "Babe naman eh kiss lang nga eh ang damot damot mona" naka busangot na sabi ng lalaki na ikina tawa naman ng babae "Hahaha ang pangit mo Mike, tumigil kanga hahaha ano ba, 'yung niluluto ko baka masunog" tumatawang sabi ng babae nang kilitiin ito ng kasama "Cindy naman eh ayaw pa mag pa kiss, hindi naman ako bad breath ah" ungot pa ng lalaki "Hahaha ewan ko sa'yo kapag nasunog ang niluluto ko huwag kang kakain ha" ani ng babae at tumakbo ito patungong kusina. Masaya naman iyon sinundan ng lalaki at patuloy na nag kulitan. Hanggang sa mawala sa paningin ni Cindy ang dalawang tao na iyon kaya naman ay pumunta siya sa kwarto ni Mike at habang nag lalakad siya ay patuloy sa pag agos ang kaniyang mga luha, hindi niya mawari kung para saan ang mga luha na iyon basta ang alam lang niya ay masaya siya Nang maka rating sa silid ni Mike ay muli na naman niya nakita ang dalawang tao ruon, nag hahalikan at ng mapatingin siya sa kama ay duon nakita niyang nag sasalo sa init ng pag mamahalan ang dalawa. Kahit saan niya ibaling ang kaniyang tingin ay nakikita niya ang kaniyang sarili kasama si Mike Masaya at puno ng pag mamahal ang bawat sulok na malilingunan niya, duon niya napag tanto ang masasayang ala-alang pinag samahan nina Cindy at Mike Umiiyak na naka ngiti ang dalaga. Sobrang saya niya dahil muling nanumbalik ang kaniyang mga Ala-ala at muling tumibok ng normal at mabilis ang kaniyang puso. Kaya naman ay naupo siya sa isang kulay pulang Sofa at kinuha niya ang kaniyang maliit na kutsilyo na naka tago sa gilid ng kaniyang suot na Four inches block boots. Nang makuha ay hiniwa niya ang kaniyang kamay upang pakiramdaman ang kaniyang sarili at kumpirmahin ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Pikit pata niyang hiniwa ang kaniyang palad at halos mapa mura siya dahil sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman. Imbis na masaktan at matakot ay sobrang saya ng kaniyang kalooban dahil sa wakas ay hindi na siya manhid, nasasaktan na siya. Naka ngiti siya habang lumuluha, pagka tapos ay napa baling siya sa isang larawan ni Mike na naka display lamang sa tabi ng kaniyang kina uupuan. Kinuha niya iyon at pinaka titigan tsaka dinala iyon sa kaniyang labi upang hagkan ang larawan ng pinaka mamahal na nobyo. Humiga siya sa sofa habang yakap yakap ang larawan ni Mike at hinayaan ang kaniyang sarili na tangayin siya ng antok at dahil narin sa labis na pagod ng kaniyang katawan ay tuluyan na siyang naka tulog. Alas-nuwebe ng gabi ng magising si Cindy mula sa napaka lalim na pagkaka tulog. Napaka gaan ng kaniyang Katawan kaya naman ay naka ngiti siyang bumangon. Sa una ay nag taka pa siya kung bakit siya naroroon sa condo unit nila ni Mike, pero nang maalala niya kung bakit ngaba ay muli siyang napa ngiti dahil sa isiping magaling na muli siya "Awtch!" Daing niya ng maka ramdam siya ng pag kirot sa kaniyang palad, at muli ay naalala niyang sinaktan pala niya ang kaniyang sarili upang kumpirmahing magaling naba talaga siya at hindi nga siya nag kamali Kahit nasasaktan ay para siyang tanga dahil paulit ulit niyang pinipisil ang kaniyang sugar tapos aaray naman siya pagka tapos ay muling ngi-ngiti ibinalik narin niya ang hawak na larawan ni Mike tsaka naisipan niyang puntahan ang kaniyang daddy upang sabihin ditong magaling na siya pagka tapos ay naisip niya rin puntahan si Jhomar upang harapin ito dahil napaka dami niyang tanong dito. Lalo na't nag sinungaling ito sa kaniya Pagka tapos niyang mapuntahan ang kaniyang daddy ay nag paalam siyang muling aalis, masayang masaya ito dahil sa magandang balitang sinabi niya pero hindi parin ganap na masaya ang kanilang pamilya dahil hindi parin nahahanap ang kaniyang pamangkin subalit hindi naman sila tumitigil sa pag hahanap sa anim na taong gulang niyang pamangkin. Naka rating na siya sa bahay ni Jhomar subalit napansin niyang napaka tahimik at madilim ang buong kabahayan at palagay niyang walang tao ruon kaya hindi na siya pumasok pa Samantala sa kabilang dako naman ay kasalukuyang nasa Monteregno mansion si Jhomar upang maka harap ang demonyitang matanda. Hindi niya alam kung saan nito dinala ang kaniyang ina. Kapag nakaka usap naman niya ang kaniyang ina ay pili pili lamang nasasagot nito bantay sarado ito kaya hindi niya ito maka usap ng maayos. At hindi niya matukoy kung saan ito dinala ng matanda. "Sinabi kong maging mata ka sa mga Apollo bakit hindi mo sinabing may balak silang umatake sa block scorpion! " singhal ng matanda at dinuro nito ng hawak na tungkod ang binata "Hindi ako kabilang sa grupo nila kaya wala akong alam sa mga plano nila. Hindi mo naman sinabing mag paka tsismoso ako, tsaka sabihin mo muna kung saan mo dinala si Mama, baka sakaling ayusin kopa ang trabaho ko" kalmadong tugon ni Jhomar at hindi man lang ito nakikitaan ng takot "Walang modo! Letche umayos ka JoJo baka hindi ako maka pag timpi ay tapusin ko nalang ang buhay ng walang kwenta mong ina" wika ng donya "Madam pardon, pero kailangan niyo ho malaman ito" aligagang wika ng tauhan at ipinakita ang hawak na iPad. "Punyeta! Ang sabi ko sa inyo bantayan niyo sila. Bakit niyo hinayaang maka balik sila ng bansa. Mag sikilos kayo at huwag kayong babalik dito hanggat hindi niyo kasama ang apo ko. At tapusin niyo narin ang Cindy na 'yon lahat kayo umalis sa harapan ko!" Galit na singhal ng Donya, kararating lamang niya galing ng ibang bansa tapos ngayon malalaman niyang umuwi ng pilipinas si Petra at isinama pa nito ang kaniyang apo. Natatakot siyang baka mag kita sina Cindy at Mike, ayaw niyang muling mahumaling si Mike sa babae, ayaw niyang bumalik ang ala-ala nito. Talagang inuubos ng Petra na iyon ang kaniyang pasensya, si Petra ang ginamit niyang mag panggap bilang asawa ng kaniyang apo pero sadyang napaka tigas ng ulo nito at talagang hindi na ito sumusunod sa kaniya. "JoJo, may ipapagawa ako sa'yo kapalit ng iyong ina" wika ng matanda "What?" Tiim bagang wika ng binata kahit sa loob loob niyang ayaw niya itong sundin at may iba siyang Plano upang mabawi niya ang kaniyang ina. "Patayin mo si Petra bago payun kumanta sa mga Apollo" wika ng matanda //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD