Kina umagahan, papunta na si Cindy kung nasaan ang area na ibinigay sa kaniya ni Sebastian. Naka abang naraw ang mga ito sa daan kung saan hinihintay ng mga ito ang pag daan ng kotseng kina lululanan ng kaniyang kapatid na si Sherin at kasama nito ang kaibigan nitong nag nga-ngalang Elma.
ilang minuto lamang ng maka rating na siya duon at pag dating niya ay natapos na ang laban ng mga ito. At laman niyang ligtas na ang kaniyang kapatid, subalit wala ruon ang kaniyang pamangkin kaya nag taka siya kung bakit wala duon ang mga bata. Ang akala niya ay kasama rin ni Sherin ang anak nito
Nakita niyang ipinasok na sa isang kotse ang babaeng may pakana raw umano ng pag papadukot sa mga bata at sa kaniyang kapatid maging sa kaibigan nito
Nilapitan niya ang dalawang lalaki na sina Fego at Paulo upang tanungin ang mga ito "nasa'an ang mga bata?" aniya, subalit tinignan lamang siya ng mga ito habang naka kunot nuo.
"Anong nangyari sa'yo?"ani ni Fego
"Why?" Nag tatakang tanong ng dalaga
"Tignan mo ang sarili mo" ani ni Paulo sabay pakita ng phone nito na naka front cam, kaya duon ay nakita niya ang mga natuyo ng talsik ng dugo sa kaniyang pisngi.
Nakuha niya iyon kagabi, bago niya iniwan ang mga kalaban na gusto siyang patayin ay nilaslas niya muna ang mga leeg ng mga ito hanggang sa hindi magka hiwalay ang lalamunan ng mga ito ay hindi niya tinigilan. Para lamang siyang kumakatay ng kambing kagabi kaya hindi niya namamalayan na tumatalsik na ang mga dugo niyon sa kaniyang mukha at kasuotan. Pag-katapos ay muli na naman siyang nag maneho hanggang sa mapadpad siya sa isang napaka dilim at napaka tahimik na lugar.
Duon ay hininto niya ang kaniyang motor tsaka nag lakad sa damuhan at nahiga. Napaka lamig ng simoy ng hangin at napaka dami rin bituin sa kalangitan. Hanggang sa hindi na niya namamalayan na unti-unti na siyang tinatangay ng antok at duon ay naka tulog na siya. Nagising lamang siya dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha
Nang mapansin niya kung nasaan siya ay napapa iling na lamang siya tsaka nag patuloy sa pag mamaneho upang maka punta sa lugar na sinabi sa kaniya ni Seb. Mabuti na lamang ay nag text na ito sa kaniya. Kahit wala pa siyang sinasabi sa mga ito
"Ah wala ito, ang tanong ko ang sagutin niyo" sabi niya tsaka balewalang nag sindi ng sigarilyo, isa na naman iyon sa nadiskobre nina Paulo dahil sa pag kakaalam nila ay ayaw ni Cindy nuon ang amoy ng sigarlyo pero ngayon heto naninigarilyo sa harapan nila ang dalaga.
"ibang grupo ang kumuha sa mga bata, pero si Adi ang nag pautos, kung wala ka ng itatanong Cindy aalis na kami" ani ni Fego ng makitang napag iwanan na sila ng mga kasama.
Samantala sa kabilang dako naman ay malakas na hinagis ni Donya Mitsin ang hawak na basong may alak dahil sa sobrang galit. Palpak na naman ang mga tauhan na ipinadala ng Block scorpion
Galit na galit siya dahil nasasayang ang perang binabayad niya sa grupo nayun samantala puro palpak naman dahil hindi mapatay patay ng mga ito ang nag iisang tao lamang, na labis niyang kina mumuhian.
"Mga walang silbi Chiko! Napaka dami na ng pinadala mo, hayun naging malamig na bangkay na. Isang babae lang hindi pa nila mapatumba. Akala koba magagaling 'yang mga tauhan mo!" Singhal ni Donya Mitsin sa kabilang linya.
"Huwag mong sisihin ang mga tauhan ko, kung hindi mo inilayo 'yang magaling mong apo hindi babalik sa dati ang Cindy na 'yon. Ngayon mas lalong lumakas siya kaya sinasabi ko sa'yong ipakita monang buhay 'yang apo mo para bumalik ang dating mahinang Cindy. huwag mong guluhin ang isip ko tanda, dahil may problema rin ako tsssk! Pinadalhan ako ng mga Apollo ng Warning card" wika ng lalaki sa kabilang linya.
"Pwes! Hindi kona 'yan problema Chiko! Problema mona 'yan" ani ng donya at itinapon ang hawak na Cellphone
"Bwisit! Aaarg, punyeta bakit hindi kapa mamatay-matay babae ka!" Gigil na sabi ng matanda.
"Butler Jin, kamusta ang mag inang Petra at Mico pinapa bantayan moba silang mabuti?" Baling ng matanda sa kaniyang pinag kakatiwalaang tauhan
"Yes madam, hindi pa sila lumalabas ng mansion mag mula ng magising ang Young Master" tugon nito
" bantayan niyo sila kahit saan sila mag punta, balitaan niyo ako dahil kayo ang maiiwan dito" ani ng Donya.
Samantala pagka tapos mahuli ng mga Apollo ang babaeng nag padukot sa mag kaibigang Elma at Sherin, umaga palang ay lumabas na si Cindy upang mag tungo sa babaeng may kagagawan kung bakit nawawala parin ang kaniyang pamangkin. kasalukuyang sakay ng sariling motor si Cindy patungo sa haunted house. Nasa lilib iyon ng kagubatan kaya iniwan niya muna ang kaniyang motor tsaka nilakad niya ang papunta sa bahay na kina roroonan ng babae.
Nang maka rating ay biglang dumilim ang kaniyang awra at napaka tiim bagang siya sa nakita. Dahil nakikita niya sa kaniyang harapan na kinakalagan ng isang Jeppy Dalgan ang babaeng may kasalanan sa kanila.
"Ano satingin mo ang ginagawa mo?" Malamig na sabi niya sa lalaki. Halatang nagulat ito at nabitawan ang kadenang naka paikot sa leeg ng babaeng nag nga-ngalang Adi.
Pansin ni Cindy ang kaba at gulat sa mukha ng lalaki subalit wala siyang pakealam dito dahil naka tuon lamang ang kaniyang pansin sa babaeng naliligo ng sariling dugo.
Pagka tapos niyang pasadahan ito ng tingin ay sa isang iglap lamang ay pinugutan niya ito ng ulo.
Nakita niyang gulat na gulat ang lalaki sa kaniyang ginawa, gusto lamang niya sana pahirapan ang babae subalit nag bago ang kaniyang isip ng makitang tinutulungan ito ni Jeppy kaya naman ay hindi na siya nag dalawang isip ay gamit ang kaniyang samurai katana ay tinapos na niya ang babae.
Bago niya iniwan ang lalaki ay nakita paniya ang ulo ng babae na naka dilat pa ang mga Mata nito tsaka mahina niya iyon sinipa papunta sa gawi ng lalaki bago tinalikuran ito.
ilang araw ang lumipas, abala ang lahat dahil sa paparating na labanan ng dalawang grupo, nagka sabay sabay narin ang problema ng mga Apollo dahil hinaharap pa ng mga ito ang problema ng kaibigan nilang si Kiel dahil sa nawawalang asawa nito.
Pito lamang ang kumikilos sa mag kakaibigan dahil wala pa sa sariling pag iisip ang kaibigan ng mga ito na si Kiel, dumaranas ito ng matinding depression kaya naman ay hindi na sila tumanggi ng sabihin ni Cindy na tutulong siya sa mga ito.
Hanggang sa isang araw kasalukuyang nasa Santiban Mansion si Cindy upang kamustahin ang kaniyang kapatid at alamin kung ano na ang balita sa pag hahanap sa kaniyang pamangkin. Nang matapos niyang makumusta ang kaniyang kapatid ay nag lakad lakad muna siya upang hanapin si Kesha subalit dinala siya ng kaniyang mga paa patungo sa labas at duon ay nakita niya ang mag kakaibigan.
Napansin niyang seryosong nag uusap ang Apat na lalaki sa Pool area, sina Paulo, Romuel, Fego at Jego naisip niyang lumapit sa mga ito subalit kaagad rin siyang napa hinto sa pag hakbang ng marinig niya ang kaniyang pangalan. Kaya naman ay nag kubli muna siya sa likod ng malaking flower vase at pinakinggan ang pag uusap ng mga ito.
"Dapat naba natin sabihin sa lahat lalo na kay Cindy na nakita natin siya at naka harap?" Rinig niyang sabi ni Fego
"Kahit hindi natin sabihin kay Vanessa makaka rating parin sa kanila ang balita. Pero dapat saatin parin mismo nila unang malaman pero ang inaalala ko hindi pa magaling si Cindy baka masaktan niya si Mike" wika naman ni Jego
"Wait! teka lang, teka lang sigurado ba talaga kayong si Mike iyon eh kayu rin nga ang nag sabing hindi niya kayo kilala" wika ni Paulo
"Sigurado kaming siya 'yon kitang kita namin ang tatak Apollo niya sa likod ng tenga niya. At sa likod ng palad niya ng maki pag handshake siya kay Mr Del Castro" wika ni Romuel
"Kung ganuon dapat mapag usap usapan natin 'yan lahat, dilikado si Mike lalo na kung malaman ng mga ibang kalaban, baka katulad Nina Vanessa, Anne at Alena ay nagka amnesia rin siya" wika ni Paulo
"Cindy anong ginagawa mo diyan? " wika ni Mrs Paulyn ang umagaw sa pansin ng apat at lalo na si Cindy na ngayon ay halatang namumutla ito.
"Na- nothing I'm sorry" nauutal na sabi ng Dalaga at nag madaling umalis ruon, hindi na niya pinansin ang pag tawag sa kaniya ng mga ito basta na lamang niya pina harurot ang kaniyang motor palayo sa ruon.
Habang nag mamaneho ay napaka bilis ng pag t***k ng puso ni Cindy, lumuluha narin ang kaniyang mga mata at hindi niya mawari kung bakit parang nakaka ramdam siya ng kaginhawaan at kaligayahan sa isiping buhay si Mike
//Continue