CHAPTER -17

2264 Words
"Ikaw naman napaka sungit mo, sorry na naka limutan kolang, sige napo huwag ng magalit Master samahan mulang ako kumain, birthday na birthday ko eh inaaway mo na naman ako" wika ni Jhomar at hinakbayan nito ang naka simangot paring si Cindy "Tsss" asik ng dalaga sabay alis sa braso ng binata sa kaniyang balikat "Sungit, hakbay lang eh ang damot" mahinang sabi ng binata at lumabi ito. tsaka pinag hila na ng upuan ang dalaga Habang kumakain ay panay parin sa pag dadaldal si Jhomar at kahit ni isang sulyap o salita ay hindi magawang ibigay sa kaniya ni Cindy dahil naka focus lang ito sa pag kain at parang wala itong naririnig "Oh diba? Magaling talaga ako tapos varsity basketball pa ako nun, hey nakikinig kaba?" Wika ng binata ng mapansing umiinom na ng tubig ang kausap. "I'm done, ikaw ba tapos kana dumaldal? Tapos na akong kumain ikaw kahit isang kutsara hindi pa nabawas sa pagkain mo" wika ni Cindy at ng akmang tatayo na ito ay mabilis itong hinawakan ni Jhomar sa kamay upang pigilan "Wait, ikaw naman d'yan kalang wala akong kasama dito eh, sige na kakain na ako basta huwag mo muna akong iwan" ani ng binata at parang napaka masunuring bata mabilis ang bawat pag subo nito. Habang si Cindy naman ay lihim na napapailing sa style ng binata, ewan baniya kung bakit naging malapit siya dito samantala puro kalokohan lang laging pinag ga-gagawa. "Sa garden lang ako, bilisan mo na d'yan baka pati pag kain kakausapin mopa at tatanungin mopa kung pwede na silang kainin. Tsss ayaw kitang panuorin kumain kaya bilisan mona d'yan at sumunod ka nalang" saad ng dalaga at nag lakad na ito. Napanguso naman si Jhomar dahil mag isa nalang siya sa lamesa at hindi pa siya tapos kumain "Happy birthday self, haayst huwag kayong mag alala hindi kayo masasayang" wika ng binata at parang tangang kinakausap ang mga pag-kain Tatlong oras ang nakaka lipas, kasalukuyang nasa Sala si Cindy habang nag papahinga at nanunuod ng horror movie. hinihintay niyang matapos maligo ang binata dahil nag yaya na naman itong maki pag laro ng bowling. Kanina lamang ay nag laro sila ng basketball dahil gusto raw nitong ipakita sa dalaga kung gaano ito kagaling mag laro ng basketball. Subalit napahiya rin ang binata dahil hindi nito akalain na bukod sa pakiki paglaban ay magaling rin palang mag laro si Cindy. Nang makita ni Cindy na natapos na ang kaniyang pina-panuod ay naisipan niyang mag ikot-ikot muna sa pamamahay ng binata. Apat na beses na siyang naka punta ruon subalit hindi paniya napupuntahan ang ibang bahagi ng bahay nito Habang nag lalakad si Cindy ay pinag-sawa niya ang kaniyang mga Mata sa magagandang painting na mukhang collection pa iyon ng binata at na-alala niyang nabanggit rin pala sa kaniya ni Jhomar na nag pe-painting rin pala ito. Sa kaniyang pag lalakad ay hindi niya namamalayan na dinala na pala siya ng kaniyang mga paa sa tapat ng isang Pinto. Hindi alam ni Cindy kung anong nag udyok sa kaniyang buksan iyon basta namalayan na lamang niyang nabuksan na niya ang pinto at tumambad sa kaniyang paningin ang napaka daming libro. Kaya napag tanto niyang isa pala iyong library Hinakbang niya ang kaniyang mga paa upang mag tingin-tingin pa duon. Hanggang sa mapa gawi ang kaniyang mga mata sa isang glass table at kaagad niyang napansin ang dalawang brown envelope na naka patong ruon Nilapitan niya iyon, kahit alam niyang bawal mangealam ng mga gamit na hindi niya pag mamay-ari subalit hindi niya alam kung bakit parang may bumubulong sa kaniya na lapitan iyon at tignan ang lamang ng mga envelope na 'yon. Nang maka lapit ay hindi alam ni Cindy kung bakit bigla na naman tumibok ng malakas ang kaniyang puso, pakiramdam niya ay meron siyang madidiskobre sa loob ng Library na iyon. Dahan-dahan niyang binuksan ang bown envelope at inilabas ang mga laman niyon. Ganuon na lamang ang laking pag tataka niya ng makita niya ang mga larawan ng otso Apollo. Sa kaniyang pag tataka ay binuksan paniya ang isa pang brown envelope at duon nga'y tumambad sa kaniya ang mga information tungkol sa mga Apollo maging ang tungkol sa kaniya. Subalit ang labis na nag pagulo sa kaniya ay ng makita niya ang larawan ng isang lalaki. Ang lalaking palaging nag papakita sa kaniyang panaginip ilang gabi na ang nakaka lipas ay lagi niya nakikita ang lalaki na iyon. Alam niyang malaki ang bahagi ng lalaking nasa larawan sa buhay niya bilang isang Cindy na mapag mahal, hindi sa kagaya niya ngayon na walang paki ramdam kaya hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng nag mahal at minamahal. "Mike" sambit niya sa pangalan ng lalaki na ngayon ay tinititigan niya ang gwapong larawan nito. "Anong---Cindy what are you doing here at" wika ng pamilyar na tinig at kaagad rin itong natigilan ng makita nito kung ano ang hawak hawak ng dalaga "Jhomar, what the fvcking meaning of this?" Malamig na sabi ni Cindy at matalim na tingin ang ipinukol nito sa namumutlang binata. "Cindy, amm let me explain---- "Explain what? Sino kaba talaga? Lahat ng information namin nandito. Anong ibig sabihin nito? Bakit mo kami pina imbistigahan at ano ang mga ito bakit ka meron niyan!? " sunod sunod na sabi ni Cindy sabay hagis ng mga papeles sa pag mumukha ng binata. Naruon rin sa papeles ang kaugnayan nina Jhomar at Mike, lahat ng mga taong malapit at naging mahalaga kay Mike ay pina imbistigahan lahat ng binata. Gusto lang malaman ng binata kung sino ang may kagagawan sa pagka comatose ng kaniyang kuya Mike, oo alam niyang buhay pa si Mike pero gusto niya itong ipag higanti kaya ginagawa niya ang lahat upang matuto sa lahat ng tinuturo ni Cindy kung paano maki pag laban. "Walang masamang ibig sabihin niyan, gusto kulang malaman kung sino sino ang mga taong naging malapit sa kuya Mike ko" paliwanag ng binata na ikina laki naman ng mata ni Cindy Maging si Jhomar ay nagulat rin sa kaniyang huling binanggit, huli na upang itago niya ang katotohanan kung sino talaga siya dahil bukong buko na siya. "Now tell me, who are you pinlano mobang pumasok sa buhay namin para ano?--- "Wala akong masamang intensyon Cindy, ang mga 'yan wala lang ang mga 'yan gusto kulang alamin ang tungkol sa mga taong malapit kay- kay Ku-kuya Mike, believe me Cindy walang masamang ibig sabihin niyan, nangako ako kay Kuya na pro-Protektahan kita at ibabalik sa dati katulad ng sinabi ni Kuya Mike saakin" pag amin ng binata "Kuya? Kuya mo si Mike" ani ng dalaga at bakas sa mukha nito ang labis na gulat subalit kaagad rin nawala ang gulat na iyon dahil napalitan ng mala demonyong ngisi ang pinakawakan ng dalaga nang maisip ang huling binanggit ng binata Bigla ay muling naalala ni Cindy ang mga sinabi sa kaniya ni Kesha nung araw na mag tanong siya tungkol kay Mike Monteregno. Kung paano ito namatay at duon nga'y nalaman niya rin ang tungkol sa pag donate sa mata at puso ng lalaki sa nag nga-ngalang JoJo. "Step-brother ko s'ya -- "Ikaw ba si JoJo ,ang mga Mata mo At puso ni Mike sa'yo rin ba napunta?"paninigurado ng dalaga, nakita niyang tumango si Jhomar bilang pag tugon kaya napa takip siya ng bibig. JHOMAR POV Hindi ko alam kung bakit ako tumango sa tanong niya saakin, eh hindi naman iyon totoo. Maling sagot kulang sa kaniya ay mapapa hamak ang nanay ko, diko alam kung nasaan naka lagay ang Device kung bakit nalalaman lahat ni Donya Mitsin lahat ng pinag uusapan namin ni Cindy. kaya wala akong nagawa kundi mag sinungaling sa tanong na iyon. Pero ang nga sinabi ko kanina tungkol sa mga nakita niyang information ng mga Apollo ay totoo, totoong nag iimbistiga ako Gusto kung sabihin sa kanilang buhay si Mike at sabihin lahat ng nalalaman ko, subalit hindi naman pwedeng gawin iyon dahil ang nanay ko ang mapapa hamak. Damn sorry kuya Mike kung kailangan kung mag sinungaling sa huling tinanong ni Cindy saakin. Samantala hindi mapaniwalaan ni Cindy ang kaniyang mga nalaman buhat sa binata, naisip niyang niloko lang siya ng binata at pumasok sa buhay niya upang imbistigahan tungkol sa pagka wala ni Mike. Kasalukuyan na siyang nag mamaneho pauwi subalit ang kaniyang isipan ay bumabalik sa mga sinabi sa kaniya ni Jhomar. Marami pang sinabi sa kaniya si Jhomar subalit hindi niya iyon mapa kinggan at biglang namanhid ulit ang kaniyang mga kamay. Gusto niyang tapusin na ang buhay ni Jhomar kanina subalit nag pigil lamang siya kaya mas pinili niyang umalis na lamang upang hindi niya ito masaktan. Nasa ganun siyang pag iisip ng biglang mag ring ang kaniyang Cellphone, sinagot niya iyon at ni-loudspeaker ng makitang ang daddy niya ang tumatawag. "Dad--- "Cindy pumunta ka dito." "Why dad? " "Ang pamangkin mo at si Sherin. Kasama sa mga nawawala" pag babalita ng nasa linya halatang problemadong problemado ito "Anonng nawawala dad? " "I mean may dumukot sa kanila, pumunta ka dito Cindy tulungan mo ang mga Apollo na hanapin ang kapatid mo at pamangkin mo" "Okey dad"aniya at pinatay na ang tawag. Ilang minuto lamang ay naka rating na siya kung nasaan ang hotel kung saan ginanap ang party umano ng isang anak ni Jeppy Dalgan. Nakilala na niya ang mga ito subalit hindi naman naging malapit ang mga ito sa kaniya. "Dad" aniya ng makita niya ang kaniyang ama, kasama nito ang mga matatandang Santiban at Salvi maging ang mga magulang ng ibang Apollo ay naruruon rin. "Cindy princess, kakaalis lang nina Vanessa alam na nila kung nasaan ang kapatid mo. Si Sheryl wala pa kaming balita, please iha help them" "Yes dad umuwi na po kayo" aniya at hinalikan sa nuo ang ama bago niyakap pagka tapos ay nag paalam narin siyang umalis ruon upang sumunod sa mga Apollo Gamit ang kulay itim na paburitong motorcycle na kung tawagin ay T12 Massimo, ang isa sa most expensive motorcycle na nag kaka-halaga ng Nine hundred, Eighty thousand Dollars at iyon ang pinaka paburito ng dalaga dahil binili kaniya iyon sa Italy Habang nasa daan ay kaagad gumana ang malakas na pandama ng dalaga, dahil nadama niyang may panganib na naka abang sa kaniya sa mga oras na iyon. At hindi nga siya nagka mali dahil may dalawang kotseng humahabol sa kaniya at mabuti na lamang ay naka suot siya helmet at hindi iyon natatablan ng bala, kaya safe ang ulo niya. Wala siyang problema kung tamaan man siya sa katawan dahil hindi naman niya mararamdaman ang sakit, patuloy parin sa mabilis na pag papatakbo ang dalaga at gayun rin ang dalawang sasakiyan. Hangaang sa napapa-gitnaan na ng mga ito ang dalaga, gamit ang kanang kamay ay kinuha niya ang baril sa kaniyang bewang at gumanti si Cindy sa mga ito. Naki pag barilan siya sa mga ito at lahat ng napapakawalan niyang bala ay hindi nasasayang dahil asintado lahat iyon sa mga kalaban na bumabaril sa kaniya. Pa ekis, ekis at mabilis ang kaniyang pag mamaneho kaya hindi siya matamaan ng mga ito. Nang mapansin ng dalaga na paubos na ang kaniyang bala ay muli niyang kinuha ang small guns niya na ang bala ay nakaka lason naka lagay iyon sa magka bilang binti niya at dahil maliit lamang iyon ay medyo nahihirapan siya sa kaniyang posisyon, upang mapadali ay mabilis ang naging kilos niya tumayo siya sa kaniyang motor habang mabilis iyon sa pag takbo. Pagka tapos niyang makuha ang mga gusto niyang makuha sa kaniyang katawan ay naupo siya patalikod at dahil kabisado naman niya ang kaniyang motor ay ang mga paa niya ang komokontrol niyon habang ang dalawang kamay niya ay may hawak na small gun at nakiki pag barilan sa mga kalaban na gusto talaga siyang patumbahin. Bang! Bang! Bang! Bang! Halos putukan lamang ng mga baril at ingay ng gulong ng mga sasakiyan ng mga ito ang tanging naririnig sa katahimikan ng gabi, umabot na sila napaka dilim na daan dahil wala man lang kahit isang posteng ilaw ruon. Kaya naman tanging ang dalawang kotse at motor lamang ng dalaga ang nag sisilbing ilaw sa kadiliman at kahabaan ng daan na iyon Mas lalong binilisan ni Cindy ang kaniyang pag mamaneho lalo na't paubos na ang kaniyang bala. Nang maka rating sa kalsadang may mga poste ng ilaw ay huminto sa gitna ng kalsa ang motor na sinasakiyan ng dalaga. tsaka hinanda ang kaniyang maliliit na double blade at itinapon iyon sa kalsada upang mabutas ang mga gulong ng dalawang kotse ng kalaban. Malayo sa gawi niya iyon. kaya ng papalapit na ang dalawang sasakiyan ay tsaka niya hinanda ang kaniyang T12 bago ngumisi ang kanang sulok ng labi niya. Lalo na ng makita niyang halos mag banggaan ang dalawang kotse dahil nabutas ang mga gulong niyon. Nang makita ni Cindy na palabas na ng kotse ang natitira niyang kalaban ay tsaka niya pinatakbo ang kaniyang motor papunta sa gawi ng mga kalaban. upang hindi matamaan ay habang naka upo siya sa kaniyang motor ay hiniga niya ang kaniyang likod habang naka dipa ang mag kabilang braso niya upang asintahin ang lalamunan ng mga ito. Pinalipad niya ang labing isang double blade niya sa mga ito kaya ang iba ay tinamaan sa nuo, ang iba naman ay sa leeg at dibdib. Nang makita niyang natumba na ang labing isang natira ay tsaka niya hininto ang kaniyang motor pagka tapos ay tinanggal niya ang kaniyang suot na Helmet, kaya bumagsak ang hanggang dibdib niyang buhok na kulay mais. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD