CHAPTER -6

1645 Words
"Mukhang totohanan na talaga 'yan Tol, yaya-yain mona talaga siyang mag pakasal huh" naka ngiting sabi ng binatang Step brother ni Mike "Yup, I love Cindy too much kaya gusto ko ng idugtong sa kaniya ang apelyedo ko, gusto kona siyang maitali saakin, mahirap na napaka ganda pana man ng dragon nayun" naiiling na tugon ni Mike sa kaniyang kapatid, oo para sa kaniya ay totoong kapatid na niya ito. Kahit hindi sila magka dugo "Kaya idol kita eh, by the way hindi ako makaka sama sa proposal day mo tol, may important business akong pupuntahan sa England" ani ni Jhomar Si Jhomar ang masasabi niyang kapatid niya, kahit hindi sila magka dugo ay mahal niya ito, hindi bilang kaibigan kundi parang kapatid narin niya. Nakilala niya si Jhomar sa edad na sampong taon gulang palamang. Tatlong taon bago sumaka-bilang buhay ang ina ni Mike kaya matagal rin nabiyudo ang kaniyang ama, kaya hindi na siya nagulat ng sabihin nitong muling mag asawa at iyon nanga ipinakilala sakaniya nito ang magiging stepmom niya. ang ina ni Jhomar, pareho naman mabait sa kaniya ang mag-ina kaya madali niyang napalagayan ng loob, itinuring siya nito bilang isang tunay na anak kaya napa mahal narin sa kaniya ang pangalawang asawa ng kaniyang ama. At ganuon rin si Jhomar naging malapit sila at halos hindi na sila mapag hiwalay nung mga bata pa lamang sila. Nagka hiwalay lamang sila ng mamatay ang kaniyang ama dahil sa malubhang sakit. Kaya nangibang bansa na lamang ang mag-ina at naiwan siya sa panga-ngalaga ng kaniyang lola Mitsin Maliban sa mga otso Apollo na matalik niyang mga kaibigan ay isa rin si Jhomar sa pinag kakatiwalaan niya at bestfriend tsaka nakaka batang kapatid ang turingan nila ng lalaki. "Sige at sana sa pag balik mo ay meron kanang maipakilala saakin" sabi niya tsaka tumungga ng alak. "Utol hindi na ako mag tatagal, may date papala akong pupuntahan" biglang sabi nito na ikina ngisi naman niya. "Tsss don't tell me isa na naman yan sa mga ka Fling mo, haayst mag tino kana tol hindi kana bumabata" sabi niya na ikina iling nito "Na! Na no, hindi kopa nakita ang babaeng mag papatino saakin bye see you nalang sa araw ng kasal mo haha goodluck" naka ngising sabi nito sabay tapik nito sa kaniyang braso. "Tsss babaero talaga" naiiling niyang sabi habang naka tanaw sa papalayong kinakapatid. Matulin lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa sumapit nanga ang isang buwan. Kahit magka layo sina Cindy at Mike ay patuloy parin ang kanilang communication ayun narin sa kagustuhan ng dalaga, at malugod namang sinusunod ni Mike ang mga sinasabi sa kaniya ng nobya upang hindi ito mag isip lalo na't satwing sasabihin niyang sina Kiel at Jego ang kasama niya ay lagi ng nasa linya ang kaniyang nobya, dahil wala raw umano itong tiwala sa mga kaibigan niyang babaero. At ngayon ay kasalukuyang nasa Airport si Kiel upang sunduin ang pinaka mamahal niyang babae, naka handa narin ang lahat para sa suprise proposal niya para dito. "Babe!" Naka ngiting tawag niya ng makita ang pag labas ng nobya, lihim siyang napapa mura dahil sa sobrang hot nito sa outfit na full block at hapit na hapit dito ang suot nitong long-sleeved shirt at litaw ang pusod nitong may maliit na hikaw "Hmmm I miss you babe" malaming na sabi ng nobya tsaka yumakap ng pagka higpit higpit " I miss you too babe, happy anniversary" buong pag mamahal na wika ni Mike tsaka hinagkan s labi ang nobya "Happy anniversary rin"tugon nito sa pagitan ng kanilang halikan. Habang nasa sasakiyan ay hindi parin maputol putol ang kanilang halikan na animoy sila lamang ang Tao na naruruon at hindi pinansin ang driver na kanina pa nanunuod at hindi naman iyon naka ligtas sa pandama ng dalaga. "Mag mamaneho ka o maiiwan ka? "Matalim ang tingin na ipunukol ng dalaga sa driver na kanina pa aliw na aliw sa panunuod. Napapahiya namang sumunod ito at nag umpisa ng mag maneho, habang nasa biyahe ay hindi parin matigil tigil ang pag lalambingan ng dalawa, dinaig pa nila ang isang bagong kasal Patuloy sila sa pag hahalikan at kung minsan ay nag kukulitan rin lalo na't sobrang namiss nila ang isa'tisa "Bakit dito? Kaninong subdivision 'to?" Nag tatakang wika ni Cindy ng mapansing papasok sila sa isang subdivision na may walong malalaking bahay at hindi pa halos tapos ang ibang bahay ruon Hanggang sa huminto sila sa isang malaking bahay na malapit ng matapos ay hindi parin nawawala ang pag tataka sa mukha ng dalaga "Suprise babe! " naka ngiting sabi ni Mike at idinipa pa nito ang magka bilang braso "Huh? Anong---- Hindi na naituloy ni Cindy ang kaniyang sasabihin ng mabilis siyang hagkan ng nobyo sa labi nito "This is our house babe, ito ang regalo ko sayo, happy anniversary again I love you too" buong pag mamahal na wika ni Mike at muli ay nag hinang muli ang kanilang mga labi. "I love you too hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya Mike" ani ni Cindy at hindi na niya napigilan ang luha ng kaligayahan na tanging si Mike lamang ang nag papadama nun sakaniya. "Anything mapa saya lang kita lahat gagawin ko para sayo babe" ani ni Mike at niyakap ang nobya. "Sandali dinala moba ang camcorder natin, dapat may record tayo nito" ani ni Mike tukoy nito sa Digital video camera nilang dalawa. Kung saan lahat ng masasayang bonding or moment nilang mag kasama ay naka record duon. Dahil napag usapan nilang dalawa na kung sakaling bumalik ang sakit ni Cindy o maka limutan nito ang binata ay meron silang maipakitang prove o patunay na merong isang Mike sa buhay ni Cindy Willford. "Oo naman lagi lagi ko dala 'yun dahil satwing namimiss kita pinapanuod ko mga kalokohan natin" natatawang tugon ni Cindy sabay pahid nito sa luhang dumaan sa pisngi nito. Habang nag rerecord ng video ang dalawa ay bigla naman tumunog ang cellphone ng binata kaya nag paalam muna ito saglit na sasagutin lang ang tawag ni Josef "Oh Brad?" Ani ni Mike ng sagutin niya ang tawag "Anong bakit bakit ka diyan, nasaan na kayo? Aba kayo ni Cindy ang nag yayang mag beBeach tayo ah" ani ng nasa linya. Kaya napa tampal ng nuo ang binata dahil naka limutan niyang may Beach bonding pala silang mag babarkada kasabay sa Anniversary at suprise proposal nilang dalawa ni Cindy. Special ang araw na iyon na talagang pinag handaan ni Mike para sa babaeng pinaka mamahal niya "Sige nandiyan naba ang iba?" "Papunta palang, dito na kayo sa mansyon ng mga biyanan ko mag punta, para sabay sabay na tayong lahat" wika ng nasa linya "Sige papunta narin kami d'yan" tugon niya. tsaka pinatay ang tawag at binalingan ang nobya na masayang nag vi-video "Babe let's go papunta na sila sa mga Santiban" ani ng binata kaya napa lingon sa kaniya si Cindy na may ngiti sa labi. "Sige pero babalik rin tayo dito ha pag balik natin" ani ng dalaga "Oo naman babe, maybe one week lang ay matatapos na talaga ang bahay natin. 'yung pinaka dulo kina Jego at Jessa naman 'yun kakalipat lang nila kahapon, kasunod naman 'yang kulay Blue na bahay kay Romuel at 'yung hindi pa natatapos pag aari rin ng mga apollo pero itong bahay natin malapit na matapos kasi pinag tutuunan ko talaga ng pansin." Ani ni Mike tsaka hinakbayan ang nobya papasok ng kotse "So ang subdivision na ito para lang sa mga Apollo? " "Yup babe, sabi ni Seb duon nadaw titira kapag nag si asawa na kaming lahat. Para magkaka tabi ang mga bahay natin sa kanila" naka ngiting sabi ni Mike "Sino naman ang naka isip na mag sama sama kayo?" "Si Paulo, tapos sinang ayunan naman naming lahat tsaka maganda rin 'yun para madali lang magkita-kita" tugon ni Mike "Kuya Jun, ihinto mo nalang diyan. ito mag taxi ka nalang ako na ang mag mamaneho may pupuntahan pa kami" ani ni Mike sa driver sabay abot nito ng pera "Sige ho Sir" Halos mag kakasabay lamang ang mga kotse nila ng mga kaibigan nang maka rating sa malaking gate ng Santiban Mansyon. ang kotse nila ang panghuli sa anim na kotseng pumarada at nakita naman nilang nasa labas na ang Sabtiban Siblings kasama ang mga asawa ng mga ito. Si Paul Santiban kahakbay ang asawa nitong si Sherin Si Josef naman ay naka alalay sa buntis nitong asawa na si Sharina At si Paulo naman ay ka holding hands ang partner nitong si Anne. "Siguro dalawang Van nalang ang gamitin natin para hindi tayo maka agaw pansin kung tig-iisa tayo ng kotseng gagamitin" wika ni Vanessa "Agree ako d'yan mas masaya kung sama-sama tayo at boring mag biyahe kung walang maingay sa grupo" wika naman ni Kesha "Mas mabuti panga, agree rin ako dalawang Van nalang ang gamitin natin para masaya" wika ni Sharina "Best saamin kayo ha, ang Santiban Siblings sa kabilang Van" ani ni Kesha sabay yakap sa isang braso ni Cindy Katulad ng napag usapan ay hati ang grupo sa dalawang Van, habang nasa biyahe ay kapansin pansin ang pagiging balisa ni Cindy kaya napa kunot nuo si Mike at hinawakan ang kamay ng nobya "Babe may problema ba?" Ani ni Mike at hinagkan ang likod ng palad ng nobya "Hindi ko alam, may iba akong nararamdaman babe, masama ang kutob ko sa lakad nating ito" mahinang wika ni Cindy "Pagod kalang siguro babe, wala kapang pahinga galing kapag sa mabahang biyahe France to pinas tapos ngayon bibyahe kana naman, five hours pa ang byahe nating ito babe kaya itulog molang 'yan baka napagod kalang" malambing na sabi ni Mike at hinawakan ang ulo ng nobya upang ipatong sa balikat nito. "Sleep babe, nandito lang ako" wika pa ni Mike at hinagkan ang ulo ng nobya. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD