CHAPTER -7

1628 Words
"Siguraduhin niyo lang na mapapatumba niyo ang mga Apollo lalo na ang Cindy na 'yan, ingatan niyo lang ang Apo ko kundi kayo ang malalagot sa amo niyo!" Wika ng isang Tao na may masamang Plano laban sa mga Apollo lalo na kay Cindy "Masusunod "tugon ng pilipinong Driver tsaka binilisan ang takbo ng sasakiyan upang pumagitna sa dalawang Van "Sh*t! Malakas na mura ni Kiel ang siyang nag mamaneho sa Van na sinasakiyan nila "Fvck! Bakit ka humint!" inis namang sabi ni Sebastian dahil biglaan ang pag preno ni Kiel kaya lahat sila ay nagulat, si Sebastian ay numudngod ang mukha nito sa kaharap na bangko kaya inis na inis ito dahil dumugo ang ilong Maging ang limang babae naman ay nagulat rin kaya nagising ang mga ito, habang si Cindy naman ay bahagyan lang bagulat at mabuti na lamang ay laging naka alalay dito si Mike, kung hindi ay mahuhuntog rin ang ulo nito sa kaharap na upuan. Kaya lihim na nag pasalamat ang dalaga dahil mabilis nayakap ni Mike ang kaniyang ulo kaya hindi siya nasaktan. "Kiel! Anong--- Hindi na naituloy ni Mike ang kaniyang akmang itatanong ng makita niya ang mga armadong mga kalalakihan na bumaba mula sa itim na Van na huminto sa harapan. "Fvck! Ambush!"ani ni Devin ang siyang katabi ni Kiel sa front seat at dahil bullet proof naman ang kanilang sinasakiyan ay hindi muna sila kumilos habang si Vanessa ay tinatawagan ang mga kasama nila sa isa pang sasakiyan. "Wala akong dalang baril" mahinang sabi ni Cindy tsaka kinapa ang sarili kung meron ba siyang nailagay kahit anong patalim sa kaniyang katawan. At napa hinga siya ng malalim ng makapa niya ang maliit na double blade knife sa kaniyang binti "Hintayin natin masira nila ang sasakiyan bago tayo kumilos, hayaan muna natin sila para madali silang maubusan ng bala" ani ni Mike sa mga kasama. "Babe kahit anong mangyari, lagi mong tatandaan mahal na mahal kita"mahinang wika ni Mike. sapat lang upang marining ng nobya "Huwag kang mag salita ng gan'yan, walang mang yayaring masama dahil lalaban tayung lahat" mahina rin tugon ni Cindy at hinagkan ang naka awang na labi ng nobyo Samantala patuloy sa pag papaulan ng bala ang mga armadong lalaki, nang mapansin nila Mike na tuluyan ng nawasak ng bala ang bullet proof na naka harang ay tsaka sila nag sikilos, hindi sila naging handa sa laban nayon. kaya ang iba sa kanila ay walang dalang baril, katulad nina Cindy, Mike at Kiel at Devin "Move! "Malakas na sabi ni Vanessa, at dahil Linya si Jessa na naka sakay sa kabilang sasakiyan ay narinig nilang nag sikilos rin ang mga ito. Gamit ang hawak na Double Blade Knife ay pang huling lumabas si Cindy ng sasakiyan at dahil sina Sebastian at Romuel maging si Vanessa lamang ang may hawak na baril sa kanila. ay ang mga ito ang naunang lumabas. Upang maiwasan ang mga bala ay tumambling ng apat na beses si Cindy bago binigyan ng flying kick ang unang kalaban na nagilitan niya sa leeg tsaka inagaw ang hawak nitong baril bago iyon ipinasa kay Mike na kaagad naman nitong nasalo. Mabilis ang bawat Pagtambling ni Cindy at bawat kalaban na nalalapitan niya na hindi siya namamalayan dahil sa bilis ng kilos niya ay laslas ang lalamunan ng kalaban bawat madaanan niya. "Josef gamitin mo ang isang sasakiyan ng kalaban, ilayo mo dito sina Sharina at Sherin, Romuel ang mag-ina mo balikan mo move!" Malakas na sabi ni Vanessa "Fvck! Wala ng bala!" Ani ni Mike Nang maka alis ang isang Van kung nasaan naka sakay ang iba nilang mga kasama upang dalhin sa hospital ang mag-ina ni Romuel, kasama si Sharina na kakapanganak lamang at si Sherin habang naka bantay sa mga ito si Devin at nag mamaneho naman si Paulo. Habang si Josef ay naka higa sa kandungan nito ang kakapanganak lamang na asawa habang ito ay walang Malay Naiwan naman nakikipag laban sina Cindy, Mike, Vanessa, Paul, Sebastian, Jego, kiel, Kesha at Fego. Marami sa kanila ay naubusan na ng bala, habang si Cindy naman ay tanging hawak na patalim lamang ang kaniyang gamit at gayun rin si Kesha. Ang iba sa mga Apollo ay tinamaan sa kanila at naubusan na narin ng bala. Sa kalagitnaan ng pakikipag barilan nina Vanessa, Paul at Jego sa mga kalaban ay tsaka naman dumating ang dalawang helicopter na pinangu-ngunahan ng NBI agent na si Lorence Salvi Buhat sa nakita ay sumaya ang kaluoban nila dahil ang akala nila ay duon na sila matatapos lalo na't marami pa sa mga kalaban ang natitira. Masyadong magagaling sa pakikipag laban ang kanilang mga kalaban kaya hindi nila ito maubos ubos Pag dating ng grupo ni Lorence ay tsaka lamang napa tumba ang mga kalaban lalo na't tatlong Bomba ang hinihagis sa mga ito. Samantala patakbong nilapitan ni Mike ang nobya pagka tapos ng barila, subalit bago paman maka lapit si Mike ay nakita niya ang isang kalaban na bumangon malapit sa gawi niya habang naka tutok ang baril nito sa likod ni Cindy. Naka talikod ito dahil tinatanggal nito ang dugo sa hawak nitong patalim kaya bago paman maiputok ng kalaban ang hawak nitong baril kay Cindy ay mabilis niyang tinakbo ang anim na hakbang mula sa babaeng mahal niya. Nang maka lapit at niyakap niya ito sa likod kasabay ng dalawang putok ng baril Nagulat naman si Cindy sa biglaang pag yakap sa kaniya mula sa kaniyang likod subalit ang mas ikina gulat niya ay ng maka rinig ng putok ng baril kasabay ng malakas na pag singhap ni Mike Saglit na natigilan ang dalaga at ng mapansing lumuwag ang pagkaka yakap sa kaniya ng nobyo tsaka bahagyan na itong matutumba ay mabilis na niya itong hinarap at ganuon na lamang ang pagka gimbal ng mundo niya at pag laki ng mata niya ng makitang may lumabas na dugo mula sa bibig ng nobyo. "Ma-ma-Mike"nauutal at mahinang sambit ni Cindy tsaka sinalo ang patumba ng katawan ng nobyo. "Ahhhh!" Malakas na sigaw niya at dinampot ang isang baril na gamit ng isang patay ng kalaban. Bago paman niya maiputok ang baril ay tinamaan muna siya sa balikat bago siya naka ganti ng mag kakasunod na putok ng baril. Tinadtad niya ng bala ang katawan ng isang kalaban na iyon hangagang sa maubusan ng bala ang hawak niyang baril. Kasabay ng malakas ng pag sigaw niya ay ang tuluyang pag tumba ni Mike pababa Mabilis naman sila dinaluhan ng mga kasama at pag lapit ay kaagad ng binuhat ni Paul ang duguang si Mike. "Babe, don't close your eyes please, don't babe" umiiyak na sabi ni Cindy habang lulan na sila ng sasakiyan, katabi niya ang duguang Nobyo habang siya ay patuloy sa pag-iyak Napapa hilamos naman ng sariling palad si Vanessa maging ang iba nilang kamasa dahil sa nangyare sa kanilang kaibigan. "Ci-Cindy" nahihirapang sabi ni Mike kasabay ng pag ubo nito ng dugo. Mas lalo na ang napa iyak ang dalaga dahil hindi niya kayang makitang ganuon ang pinaka mamahal na nobyo. "Please huwag kana mag salita babe, malapit na tayo, please lumaban ka para saakin please babe" umiiyak na sabi ni Cindy habang nasa mga labi niya ang isang kamay ng nobyo at hinahagkan iyon "Lumaban ka babe, huwag kang matutulog please nandito lang ako hindi kita iiwan kaya please lumaban ka" ani pa ng dalaga Nang maka rating ng Hospital ay patuloy parin sa pag iyak si Cindy kasunod nito sina Vanessa habang pinapasok sa ER ang mga sugatan nilang kasama at isa na duon si Mike. "Babe, no bitiwan niyo ako, sasama ako sa loob bitiwan niyo ako, babe please Mike, ano ba bitiwan niyo ako" pag wawala ni Cindy nang pigilan siya ng mga Nurse na bawal na siyang pumasok sa loob "Princess" ani ng pamilyar na tinig ang umagaw sa pansin ni Cindy kaya napalingon siya dito. At ng mapag sino ito ay muli siyang napa iyak na parang bata at yumakap sa bisig ng ama. kahit nagulat man kung bakit nanduon sa hospital ang kaniyang ama ay sinawalang bahala na lamang niya, nakita niya rin na kasama ng kaniyang ama ang Tiyahin nina Sharina Sherin, subalit nasa kay Mike ang kaniyang isipan kaya hindi niya magawang mag tanong kung bakit kasama ng kaniyang ama ang tiyahin ng mga kaibigan at ang mommy Sofia ni Josef. "Daddy si Mike, si Mike huhuhu daddy it's my fault" umiiyak na sabi niya "Haash! Princess don't blame yourself sweetheart walang may gusto sa nangyare, malakas---Cindy! " hindi na naituloy ni George ang kaniyang sasabihin ng biglang mahimatay ang dalaga. Samantala, sobrang galit na galit at Hindi mapakali si Donya Mitsin matapos niyang matanggap ang balita mula sa kaniyang espiya na laging naka masid sa mga Apollo lalo na kay Cindy. "Ahh mga inutil! Mga walang silbi! Tonta punyeta! " malakas na sigaw ng matanda dahil palpak lahat ng mga tauhan na kinuha niya, wala man lang natira kahit isa sa mga ito. Hindi rin siya mapakali dahil sa nalamang balita na tinamaan ang kaniyang apo at kritikal ang buhay nito. Kaya naman ay nangi-nginig siya sa galit at dinampot ang cellphone bago tinawagan ang kasambwat nito "Punyeta! Chiko! Puro mga palpak ang mga tauhan na ipinadala mo. Buhay na buhay parin ang Cindy na'yon at nag aagaw buhay ngayon ang apo ko!" Singhal ng matanda sa kausap "Huwag mong isisi sa mga tauhan ko ang kahibangan ng apo mo sa Mafia Queen na 'yon Mitsin, so anong kailangan mo?" Walang paliguy ligoy na turan ng nasa linya. "Kailangan ko ng private Jet at mga tauhan, para maipuslit ko ang apo ko. Ako na ang bahala sa Doctors na mag aasikaso. ipadala mo ngayon din chiko!" Ani ng donya tsaka pinatay na ang tawag. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD